Reinalyn Jane Sanchez
"So Reinalyn kayo ng partner mo ay dito sa gitna sa harapan at kayo Vendiola ng partner mo ay sa tabi ni Reinalyn"
Agad naman naming sinunod si Lester at agad pumwesto
"So guys iyan na ang magiging pwesto niyo sa sayaw at tungkol naman sa steppings ng sayaw wag kayong mag alala dahil binigyan tayo ng video ni Ma'am at yun daw ang susundin natin"
"Uhm Mr. President may suggestion ako"
Sabi ng isang lalaki naming kaklase
"Yes ano yon?
"Sobrang boring naman non kung susundin natin lahat ng nasa video, how about solo sa harapan natin sasayaw si Shaina at yung partner niya, yung para bang siya yung pinakamagandang babae sa gabing yun total naman siya ang muse natin diba? At isa pa sigurado akong siya ang magiging center of attraction"
Nang dahil sa sinabi ay marami ang sumang ayon na naging dahilan para pamulahan ng sobra si Shaina
"Hmm maganda ang ideya mo pero gawin kaya nating dalawang pares ang nasa harapan?"
"Mmm pwede rin"
"My goodness mas magandang idea yan alam niyo yun, four different persons but having the same feeling acckkkk"
"So sino naman ang isa pang pares ang ilalagay sa harapan pres?"
"Kaming dalawa ni Reinalyn"
Diretsong sabi niya habang nakangiti at nakatingin sa mga mata ko na siyang dahilan sa muntikan kong pagkatumba
•••••
Recess namin ngayon at nandito kami sa likod ng building kumakain ng mga kaibigan ko ng biglang magsalita si Camilla
"Hayy sayang naman at di mo naging partner si Gabrielle eh halata pa namang nae excite ka kanina nang makita mong wala pang partner si Gabrielle"
Malungkot pa na sabi ni Camilla
"Sige gurl ulit-ulitin mo pa para masaya"
Sarcastic na pagkasabi ko at nag peace sign lang ang gaga at ngumiti
"Hays pero gurl di ka naman lugi kay Lester ah, gwapo din kaya siya" si Lauren
"Dzuh si Lester nga dapat yung namomroblema dahil ikaw yung naging partner niya"
Nahampas ko tuloy ng wala sa oras si Michelle dahil sa sinabi nito
"Bwesit ka rin eh no? Alam mo namang wala na akong ibang gusto kundi si Gabey lang"
"Pero gusto kaba?"
Nanunuksong sabi ni Camilla na sinamaan ko lang ng tingin
"Hahaha I mean gusto ka ba niyang makapartner?"
"Wala naman siguro siyang gustong makapartner no? kasi bukod sakin wala naman siyang ibang ka close na babae diba?"
"Tsk pero siguro masaya siya ngayon kasi diba si Shaina yung partner niya eh ang ganda non eh"
Totoo naman kasing sobrang ganda ni Shaina di naman siya magiging muse namin kung hindi at kahit di katalinuhan karamihan parin sa mga kaklase kong lalaki ay may gusto sa kanya
"Dzuh maganda nga pero andami niyang kuto gurl nakakadiri ewww. Yung katabi ko ngang bakla ayaw lumapit sa upuan ko kasi raw baka humangin ng malakas at baka madapuan daw siya ng kuto"
May pandidiri na sabi ni Michelle habang umaaktong pang parang nasusuka
Chismosa iyang si Michelle pero kung makapanglait wagas at isa pa di iyan manglalait kung di niya mismo nakita at naniniwala kami sa kanya kasi sa harapan niya kasi nakaupo si Shaina
"Tsk ang sama naman ng ugali mo eh may dandruff ka rin naman eh"
"Hoy anong dandruff? Wala kaya akong dandruff Head and Shoulders ata shampoo ko no"
at nag hair flip pa talaga ang gaga
Natawa naman kaming lahat sa sinabi niya at bumalik na ng classroom nang marinig namin ang bell
Oras na ng uwian ngayon at nanatili parin kami sa classroom dahil may sasabihin pa raw si Lester
"Ok guys since meron tayong isang buwan para mag practice ng sayaw ay magsisimula na tayo ngayong Sabado at since di rin naman tayo gaano ka busy ay buong araw tayong mag pa practice"
Argh sasakit na naman ang katawan ko neto
"Tsaka magdala narin kayo ng lunch at maraming tubig since di tayo uuwi pag di tayo natapos are we all clear?"
"Yes President"
"Ok pwede na kayong umuwi"
Nagsitayuan na kaming lahat at kinuha ko na ang bag ko at handa ng umalis ng may humawak sa kamay ko
"Rein sabay tayo miss na kita kasama eh"
Nakangiting sabi ni Gabey habang hawak ang kamay ko at agad ding pumayag sa alok niya
\\\\\\
(≧▽≦)
BINABASA MO ANG
Falling For You
Teen FictionReinalyn Jane Sanchez just your typical highschool student. Masipag Matalino Mabait at kung ano pang katangiang taglay ng isang normal na highschool student. Pero pano nga ba kung ang inaakalang magiging simple lang ang highschool life niya ay bigl...