Maine's POV
Good Morn---
Blurgh!
Agad akong tumakbo sa banyo at sumuka. Sheezz anong nangyayari saakin? Ngayon lang nangyari saakin ito ah.
After kong maghugas ay lumabas na ako ng CR. Pagkalabas ko naman ay bigla naman akong nahilo.
Omg! Ano 'to? Mamamatay na ba ako? Waaaaag! Marami pa akong pangarap huhu.
Humiga agad ako sa kama ko at nagtalukbong. Ano ba kasi nangyayari saakin?
"Anak.." kinakatok na ako ni Nanay! Kaso hindi naman ako makatayo huhu.
"Nay pasok po." Sabi ko na lang.
"Nak, bat di ka pa bumabangon dyan? May trabaho ka pa oh." Sabi ni Nanay.
"Nay puwede ba akong magabsent? Ang sama kasi ng pakiramdam ko eh." Sabi ko at nilapitan naman ako ni Nanay at hinipo yun noo at leeg ko.
"Hindi ka naman mainit eh. Baka naman tinatamad ka lang." Sabi ni Nanay. Sinimangutan ko siya.
"Grabe ka naman saakin Nay. Syempre gusto kong magtrabaho para sa business natin. Pero hilong hilo talaga ako.
"Ikaw naman anak. Hindi ka mabiro. Sige magpahinga ka at aalis na kami ng Tatay mo." Sabi ni Nanay at hinalikan ako sa noo.
"Sige nay, magiingat kayo ni Tatay." Sabi ko at lumabas na siya ng kwarto.
Haaaay. Ipapahinga ko na lang ito at bukas na bukas din ay mawawala din.
Nagising ako at nakita kong gabi na pala. Gabi na? Grabe naman yun tulog ko. Isang araw ah.
Bumangon na ako at naginat inat. Hay sa wakas, hindi na masama ang pakiramdam ko.
After kong magayos ay lumabas na ako ng kwarto.
Pagkababa ko ay nakita ko sila Ate na kumakain na ng dinner.
"Hay sa wakas! Nagising na din ang mahal na prinsesa. Anyare beh?" Tanong ni Ate Nikki na pinapakain ang kyut na kyut kong inaanak na si Matti.
"Ansama ng pakiramdam ko kanina ate eh. Sensya na ngayon lang ako nagising." Sabi ko at kumuha na ako ng pagkain ko.
Habang kumakain kami ay naguusap usap sila. Habang ako tahimik lang, hindi ko alam. Wala ako sa mood na magsalita.
"Huy! Bat di ka nagsasalita dyan?" Sabi ni Ate Coleen na nasa tabi kong kumakain.
"Wala ako sa mood ngayon ate." Sabi ko.
"Teka anak. Namumutla ka ata? Ano bang nangyayari sayo?" Sabi ni Nanay at naglabas naman si Ate ng dessert.
"Oh! Gumawa ako ng leche flan. Menggay kain ka oh! Paborito mo ito." Sabi ni Ate Nikki pero kukuha na kaagad ako nung bigla kong naamoy yun leche flan.
"Sandali lang Ate." Sabi ko at tumakbo ako agad sa taas at pumasok ako sa kwarto.
Sumuka agad ako nung makarating ako sa CR. Shit! Ano ba ito? Nasusuka ako nung naamoy ko yun leche flan ni Ate. Eh paborito ko yun!
Nanlaki ang mga mata ko nung may naisip ako kung bakit ganito ako. No hindi puwede! Wala naman akong boyfriend since birth!
Nausea lang ito. Wag kang nega Maine! At kapag iba pa ang iniisip mo ay mababaliw ka.
Pagkalabas ko sa banyo ay bigla namang pumasok si Ate Nikki at Nanay.
"Anong nangyayari sayo Menggay? Gusto mo bang magpatingin sa doktor?" Sabi ni Ate. Doktor?! Ayoko huhu! Kailangan ko munang malaman kung ano nangyayari saakin.
"Wag na ate. Ok lang talaga ako. Baka time of month ko." Sabi ko na lang.
"Wag ka ng pumasok anak bukas. At magpahinga ka na lang dito." Sabi ni Nanay at nahiga ulit ako sa kama ko.
"Cge po Nay. Salamat sa concern niyo." Sabi ko at hinalikan ako ni Nanay sa noo.
Lumabas na sila ng kwarto ako. Hindi ako makatulog dahil kung ano ano ang pumapasok sa isip ko.
What if...
What if...
What if...
Hay nako Maine. Super nega mo talaga. Pero sana hindi talaga totoo yun nasa isip ko. Kasi never in my life na nagkaroon ako ng minamahal.
Duhh. Wala kayang makakagalaw saakin noh.
--
BINABASA MO ANG
Unexpected love (Book 1)
FanfictionNang dahil sa hindi inaasahang pangyayari nagtagpo ang dalwang tao,sila na kaya ang para sa isa't isa?