Alden's POV
We're here at the hospital. Kasalukuyan syang nasa E.R para daw maasikaso sya agad dahil simpleng taga lang naman daw yun,at marami lang daw talagang nawalang dugo sa kanya,kaya sya nawalan ng malay pero stable naman daw ang lagay nito. Tatawagan ko na sana sina Tito kaso bigla nang nag-ring ang phone ko at eksaktong sina Tito ang tawag.
"Tito Ted" (Calling)
Accept•Decline
{Accept)
"H-hello po Tito??"
"Alden,asan si Maine?! Kamusta sya?! o-okay lang ba sya??" tarantang tanong nito.
"Ah T-tito.. Nandito po kami sa ** Hospital." nauutal kong sagot dito
"Ano?! si-sige pupunta kami" tarantang sagot din nito.
"Pero ti--" di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na itong binaba ni Tito.
Teddy's POV (Tatay Dub)
Nabahala na ako sa narinig ko dahil namgyari na nga ang kinatatakutan ko. Gumanti na nga sya. Ito ang ikinababahala ko dahil akala ko ay magiging safe sya kay Alden at akala ko ay di na nya masusundan si Maine. Oo tama,si Mr. Sandoval nga ang may kagagawan nito sa kanya. Dahil bago pa man mangyari ang lahat ng ito ay binantaan na nya kami noon. At may natanggap din akong message mula sa unknown number at nakapaloob dito ay "Malapit na akong magtagumpay Mendoza" Isa death tread na alam kong sa kanya nanggaling. Kaya nang malaman kong nasa hospital si Maine ay agad na kaming pumunta doon.
"Oh? san ka pupunta? gabing-gabi na ah?" tanong saakin ng aking asawa. (Nanay dub)
"Nay,kailangan nating pumunta sa St. Lukes hospital. Sinugod daw si Maine doon,mamaya ko na ipapaliwanag sa inyo" sagot ko rito
"Ano?! ay jusko,sandali at tatawagan ko lang si Coleng at nang makasama natin" sagot nito
"O sya sa sige antayin ko na lang kayo sa kotse dalian nyo" saad ko rito.
Di na ito sumagot at dali-daling umakyat para tawagn si Coleen. Ako naman ay dumeretso na sa kotse.
Mary Ann's POV (Nanay Dub)
Dali-dali kong kinatok si Coleen sa kwarto nya dahil alam ko namang gising pa yun dahil mahilig talaga yun mag-puyat.
Tok* Tok* Tok* katok ko rito at agad naman nya itong binuksan.
"Oh? Nay,gabing-gabi na po ah? may problema po ba??" tanong nya saakin
"Magbihis ka anak,dalian mo. Pupunta tayo sa Hospital. Sinugod daw si Maine!" sagot ko sa kanya
"Ho?! sige ho magja-jaket na lang ako dahil gabi na rin naman" sagot nito saakin
"Sige dalian mo. Nagaantay na ang tatay mo sa Labas." sagot ko
Makalipas lang ang ilang minuto ay bumaba na kami ni Coleen para puntahan ang tatay nya na nagaantay na sa labas ng gate.
"Dalian nyo!" sigaw nito saamin
"Oo eto na." saad ko habang papasok ng sasakyan.
Agad naman nyang pinaharurot ang sasakyan kaya nakaalis kami agad.
Alden's POV
Hanggang ngayon ay dipa rin gumigising si Maine. Dahilan para lalo akong kabahan at mag-alala sa kanya at lalong-lalo na sa Baby namin. Alam kong di ako dapat magalala ng ganito dahil stable naman ma sya. Pero ewan ko,ang daming if's na pumapasok sa isip ko eh.
Maya-maya lang ay dumating na sina Tito,Tita at Coleng.
"Alden,ano bang nangyri??" tanong ni Tita saakin.
"Ah eh nagpahatid po kase sya sa Condo nya Tita,tas nagpaiwan po sya dun. Sabi po nya tatlong araw lang,tas may tumawag na lang po saakin at sinabi na ganto na nga po" paliwanag ko
"Jusko,eh sino namang gagawa nyan sakanya??" takang tanong ni Tita
"Si Mr. Sandoval." sagot naman ni Tito
"Ano?! Bakit naman nya dinamay si Maine?! Jusko" mangiyak-ngiyak na tanong ni Tita
"Sino po ba sya??" tanong ko
"Isa sya sa business partner ko noon,at matalik kaming magkaibigan. Pero nagkaroon kami ng misunderstanding kaya nagaway kami. Binalaan nya kaming lahat noon na isa sa mga anak ko ang gagantihan nya,kaya sigurado akong sya ang may kagagawan ng lahat ng ito" paliwanag ni Tito.
"Alden,nasa'yo ba ang phone ni Maine?" tanong naman ni Ate Coleng saakin.
"Ah e-eto." sagot ko habang iniaabot sa kanya ang phone ni Maine. Agad naman nya itong kinuha.
Coleen's POV (Sister Dub)
Agad kong inabot ang phone ni Maine at chineck kung may nag message ba sa kanyang unknown number at nagsend nv death tread. At di naman ako nagkamali dahil meron nga. Nakapaloob dito ang mga message na:
"Scared now Mendoza?"
"You will regret this. Were not done yet." "I'll be right back.."
"Mark This Day.."
Nagulat ako sa mga nabasa ko kaya minabuti ko na agad itong ipakita kina Nanay.
"Nay,tingnan nyo po.." saad ko habang hawak ang phone ni Maine at pinababasa sa kanila ang mga message na ito.
"Hayop talaga yang Mr. Sandoval na yan! pag may nangyaring masama sa anak at apo ko,hinding-hindi ko sya patatahimikin." galit na galit na saad ni Tatay.
"Eh Teka,nasaan ba si Maine? kamusta naman daw ang lagay nya??" tanong ko
"Ah nasa ER pa po sya,inaasikaso pa daw po ng Dr." sagot naman ni Alden
"Eh tara? puntahan natin... baka mamaya kala natin Dr. pa yun pala tauhan na ni Mr.Sandoval na nagpanggap lang." saad ko
"Ah,No. Nothing to worry,dahil yung Dr. nya rin po sa check up ang nasa loob. Sabi nya antayin na lang daw silang lumabas bago tayo pumasok." sagot ulit ni Alden
Habang naguusap kami ay lumabas na ang mga Dr. sa ER.
"Doc,kamusta ho ang anak ko?" tanong ni Tatay
"Ah maayos naman ho sya,stable naman ang pasyente. Marami lang nawalang dugo sa kanya kaya sya nawalan ng malay. Maaari nyo po syang puntahan sa loob. Maya maya po ay magigising na rin sya. Sige mauna na po kami" paalam ni Dra. saamin
"Sige po." tugon naming lahat
Agad na kaming pumasok para silipin si Maine. At nakita namin ang galos at mga sugat nito. Pati ang kanyang leeg at may sugat rin,na tila ba pinagtangkaan syang patayin nito.
--
BINABASA MO ANG
Unexpected love (Book 1)
Fiksi PenggemarNang dahil sa hindi inaasahang pangyayari nagtagpo ang dalwang tao,sila na kaya ang para sa isa't isa?