Maine's POV
--
Tok* Tok* Tok*
Narinig kong may kumakatok kaya agad kong pinunasan ang luha ko,at pinapasok sila.
"Pasok.." saad ko
Nagulat ako nang makita sina ate Nikki at Cols pala yun.
"Oh? Menggay? bat namamaga yang mata mo?? umiiyak ka ba??" naga-alalang tanong ni Ate Nikki saakin.
"Ahhh wa-wala toh ate,nakagat kase ako ng ipis,oo yun-yun yon." palusot ko
"Anong ipis? eh bat pati ilong mo,namumula?? wag mo sabihing nakagat din ng ipis yan??" tanong naman ni Cols
"Maine? may problema kaba? kung meron,nandito naman kami ehh..tutulungan ka namin😊" ~Ate Nikki
"Oo nga sus! ikaw pa? eh ikaw kaya favorite ko! sister frenemie kaya kita!" pabirong saad ni Cols.
"Salamat talaga ate ah? tsaka ikaw din Cols,salamat kase kahit lagi kitang inaaway,di ka nagbabago.." malumanay kong saad
"Sus! ikaw pa?!" Sagot naman ni Cols
"Eh,may problema kaba?? sabihin mo lang tutulungan ka na namin.." tanong naman ni ate Nikki.
Bahagya akong kinabahan dahil hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanila eh wala naman akong Boyfriend at NEVER pa akong nagka-boyfriend.
"Ate,kase ano..ahh..Ate,Cols,di kayo magagalit sakin ah? tsaka atin-atin muna toh??" saad ko
"Aba oo naman! ano ba yun??" ~Ate Nikki
"Ate kase ano,ahh ehh..bu-buntis ako." nauutal kong saad sa kanila.
"BUNTIS KA??!!!" sabay nilang sigaw at halatang-halatang gulat na gulat sila. Agad ko namang tinakpan ang bibig nila para di marinig nina Nanay.
"Shhhhh! ang ingay nyo naman eh!" singhal ko sa kanila
"Eh kasi naman di naman kapani-paniwala yang sinasabi mo!" natatawang saad ni Cols
"Oo nga tsaka,pano ka naman mabubuntus eh wala ka maman nobyo! mapwera na lang kung-- Hay! nako Menggay ha! malaman laman ko lang na may nobyo ka! na di mo sinasabi samin,nakooo! kukutusan talaga kita!" dere-deretsong saad ni Ate Nikki
"Oh? Oh? kalma...wala nga! tsaka di ko nga rin alam kung pani nangyari sakin toh ehh" mangiyak-ngiyak kong saad sa kanila
"Shh tahan na..pano mo ba nalamang buntis ka??" tanong ni Cols saakin
"Kahapon,diba kahapon umalis ako? sa mall ako nagpunta nun,bumili ako ng PT tapos nung nakita ko na 2=lines,nawalan ako nang malay tapos yun dun na." paliwanag ko sa kanila.
"Eh pano natin hahanapin yang daddy nyan?! eh wala ka ngang jowa?!! teka,nakapag pa-checkup kana ba??" tanong ni Ate Nikki saakin.
"Hi-hindi pa ate eh." sagot ko naman
"Ha? tara mag pa check-up muna tayo,tapos hahanapin natin ang tatay ng Batang yan! para naman di sya lumaking walang Daddy ano?!" saad ni ate Nikki
"Sinong walang daddy anak??"
Nagulat kaming lahat nang makita si Nanay na nasa likuran at nakatingin saamin.
"Ah eh yung kaibigan ko po kasi Nay,nabuntis po sya tapos hindi pinanagutan opo,yu-yun yon." palusot ko
"Huh?! talaga anak?? naku! grabe naman yan! kaya ikaw,menggay,magiingat ka sa mga lalaking ganyan ha!" paalala saakin ni Nanay
Nagkatinginan na lang kami nina ate Nikki at Cols at napa-kagat labi.
"O-opo naman Nay." nauutal kong sagot sa kanya.
"Oh sya sa sige bababa muna ako at maglalaba pa ako ha.." paalam nito saamin
"Opo nay" sagot naming tatlo
Pagkalabas ni Nanay ay agad na kaming nag usap kung paano mahahanap ang gumawa saakin nito.
"Maine sumama ka sakin,magpapa check up tayo tapos,pag nalaman natin kung ilang months or weeks na yan,dun natin pag usapan kung pano natin hahanapin yung hayop na lalaking yon." gigil na saad ni ate Nikki.
"Sige ate." matipid kong sagot sa kanya.
"Ikaw Cols,ikaw na bahala magpalusot kay Nanay pag umaalis kami ha." utos ni ate Nikki sa kanya
"Okay...." sagot nito
--
"Oh Maine nakaligo kana ba?? dalian mo na at nang makaalis na tayo" utos saakin ni ate Nikki habang papasok ng kwarto.
"Ahh oo Ate,teka mag suklay lang ako." tugon ko
"Sige antayin na lang kita sa baba ha..." saad niya
"Ahh sige sige ate.." sagot ko ulit
--
"Ate! Tara na!" aya ko sa kaniya
"Osige tara na.." sagot niya
"Ate san ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya
"Aba syempre edi mag papa check up! jusko ka Menggay!!" pilosopo nitong sagot
"I mean saang ospital??" tanong ko ulit
"Eh bahala na kung saan kita madala." ~Ate Nikki
Pag karating namin sa Ospital ay agad kaming pumila ni ate Nikki sa mga magpapa check up.
-Few minutes latuuh-
"Mrs. Mendoza??" sigaw nang isang nurse.
"Oh Tara na.." aya ni Ate Nikki saakin
Pag pasok namin sa clinic ay agad nilang pinaupo si Ate Nikki na ikinagulat ko naman.
"Ah-te-teka bakit nyo po ako pinaupo??" naguguluhang tanong ni Ate Nikki sa kanila
"Mrs. Mendoza,i checheck up ka po namin.." paliwanag naman ng isang Nurse.
Bahagya akong napatawa dahil napag kamalan ata nilang si Ate Nikki yung buntis dahil medyo mataba din ito.
"Ah hehe hi-hindi po ako yung i che-check up nyo. Sya po." paliwanag ni Ate Nikki habang naka turo saakin.
"Oh! we're very sorry Mam,akala po kasi namin ikaw yung buntis eh HAHA" natatawang saad ni Dra.
"Okay lang po.. Oh Menggay upo kana dto." utos ni Ate Nikki
"Okay Ms. Mendoza,kamusta ka naman nitong mga nakaraang araw?? di ka ba nagsusuka? or are you craving for something or not??" tanong ni Dra. saakin
"Ahmm medyo nahihilo tapos nagsusuka lang po,pero wala pa namang cravings." sagot ko
"Ohhh kung ganon,normal lang naman yan.." sagot ni Dra.
"Ahh so what do you mean po Doc?" tanong ni Ate Nikki.
"Mrs. Mendoza,Congratulations! your 9 weeks pregnant!" bati ni Dok saamin
Natulala na lang kami parehas ni Ate Nikki dahil totoo nga,buntis nga ako. Pero sino?? sino syaa??
--
BINABASA MO ANG
Unexpected love (Book 1)
FanfictionNang dahil sa hindi inaasahang pangyayari nagtagpo ang dalwang tao,sila na kaya ang para sa isa't isa?