Chapter 2

138 14 3
                                    


Maine's POV

Nangyari nanaman saakin yun nangyari kahapon. I need to make move. I need to go to pharmacy.

After kong maligo at magbihis bumaba kaagad ako at nagulat saakin si Ate Coleen.

"Menggay! Saan ka pupunta? At sabi ni Nanay magpahinga ka ah!" Sabi ni Coleen.

"Pupunta muna ako sa mall Coleng. May bibilin ako." Sabi ko.

"Ano yun? Ako na lang ang bibili. At nako! Mapapagalitan ako ni Nanay." Sabi ni Coleen. Hindi puwede! At mas lalong magagalit si Nanay.

"Hindi na. Ako na, kaya ko na naman na eh. Byee! " Sabi ko at tumakbo na palabas ng bahay.

Pagkarating ko ng pharmacy ay humanap ako ng mga test. Ano ba 'to? Bat may iba't ibang klase pa? So dahil hindi ko alam ang kukunin ay pinili ko na ang lahat ng nandoon.

After kong bilin ay pumunta ako ng restroom.

Binasa ko yun mga instructions at ginawa ko. Gosh! Ang hirap naman nito gawin!

After nun ay maghintay daw ako ng 5 minites. Pagkatapos ng 5 minutes ay tinignan ko ulit yun instructions.

2 lines = congratulations you're pregnant!

At tinignan ko yun test ko. O my gosh.

I passed out.

--

"Sino ang tatawagan natin?" Dinig kong sabi ng babae.

"Kahit sino na lang kung sino ang nasa contacts niya." Sabi ulit ng isa pang babae.

Dumilat ako at kulay white lahat ng paligid. Teka? Nasaan ako?

"Buti na lang at gising ka na Miss." Sabi nun babaeng naririnig ko kanina.

"Ito nga pala yun cellphone mo. Sino ang tatawagan namin para puntahan ka dito?" Tanong niya saakin.

"Wala, wala po kayong tatawagan. Ayokong malaman ni Nanay at Tatay ito." Sabi ko, kapag nalaman nila 'to nakuu lagot ako lalo.

"Huh? Baka mamaya nagaalala na sila saiyo." Sabi nun babae.

"Ok na po ako. Sorry po sa abala." Sabi ko at tumayo na ako at inayos ko na ang mga gamit ko.

Nasa clinic pala ako nun mall kung saan ako hinimatay.

Naalala ko nga pala yun kung bakit ako hinimatay. Tinignan ko yun test na hawak ko kanina.

At totoo nga may two lines na naka lagay. Baka false alarm naman 'to? May napapanood ako na minsan mali yun pinapakita sa test.

Anong gagawin ko ngayon? For sure na magagalit saakin si Nanay at Tatay.

Nagpalipas muna ako sa mall. Kakalimutan ko muna yun mga problema ko.

Ang daming magagandang damit kaya tumingin ako baka may magustuhan ko.

Nun may napili ako ay pumunta na ako sa cashier nun may nakabanggaan akong lalaki.

"Sorry Miss." Sabi niya at pinulot yun mga gamit ko.

"Babe. Hayaan mo na siya. Kaya na niya yan. Let's go na." Sabi nun kasama nun lalaki.

"Sige, sorry talaga miss." Sabi nun lalaki at umalis na.

Grabe! Ang sama ng ugali! Yun pinulot ba namang gamit ko ay nilaglag ulit sa sahig?! Porket sinabi sa kanya ng linta niyang girlfriend yun gusto niya.

Leche! Dumami tuloy yun pupulutin ko pa.

After kong pulutin ay tumayo na ako. Nawalan tuloy ako ng gana na magmall dahil doon sa bwiset na magsyotang yun!

Pero yun lalaki napansin ko eh. May dimples gwapo, pero ang sama ng ugali! Under na under sa girlfriend niyang linta!

Nako! Kapag nakita ko yun babanggain ko yun at hindi ko kukunin yun mga nalaglag hindi rin ako magsosorry.

Umuwi na ako ng bahay at naabutan ko sila nanay na nasa sala alam kong ako ang hinihintay nila.

"At saan ka nagpunta?" Sabi ni Nanay at napatigil ako sa pagakyat sa hagdan.

"Sa mall po Nay." Sabi ko at nagmano ako sa kanila ni Tatay. Akala ko makakaligtas ako.

"Ano ang sabi ko sayo? Diba magpahinga ka? Ang tigas talaga ng ulo mo!" Sabi ni Nanay at umupo ako sa tabi niya at niyaka ko siya.

"Nay sorry na. Hindi ko na kasi kaya dito sa bahay eh. Alam mo namang hindi ako sanay dito na hindi umaalis eh." Sabi ko at naglambing kay Nanay.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan ganyan mo Menggay. Kumain ka na doon." Sabi ni Nanay. Hayy! Hindi umepekto yun lambing ko.

"Sige po." Sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.

Hay bat feeling ko kilala ko yun lalaki kanina? Pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Basta familiar siya saakin.

Hay nako! Wag ka ng magisip ng ganyan Menggay! May mas mabigat ka pang problema...

Kung buntis ako sino naman ang ama nito?!

--

Unexpected love (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon