--Wedding day-- Super Kaduper Much fast forward.
Alden's POV
Ito na ang araw na pinakaaantay ko. Di ko inakala,na sa isang pagkakamali,mahahanap ko ang babaeng para sakin. At hindi ko inakalang si Maine yun.
Maine's POV
Eto na! ito na ang araw na pinakahihintay ko. Nakabibigla man nung una,alam ko namang magiging masaya ako kay Alden at soon sa princess namin.
"Uy! gurl! congraaats! excited kana ba??" -Cols
"Oo pero medyo kinakabahan rin."
"Hmm normal lang yan! go ang ganda ganda mo gurl. Dahil kasal mo naman ngayon,ikaw na muna yung maganda satin ha! bukas ako.na ulit" biro niya
"HAHA loka,teka asan ba sina nanay?"
"Ah nasa simbahan na sila,pati sina Tatay. Sina Alden papunta na sila,pag nakarating na sila dun tsaka tayo aalis." -Cols
Tumango lang ako bilang tugon. Nagusap lang kami ni Cols nang biglang pumasok yung isang coordinator.
"Ms. Maine! aalis na raw po tayo.." saad nito kaya agad na kaming sumunod ni Coleng.
Ff.
Alden's POV
Kanina pa kami dito sa simbahan at narinig kong nasa labas na raw si Maine kaya pumwesto na kami. Unti unting tumutugtog ang theme song namin kasabay ng pagbukas ng pintuan ng simbahan.
"All my life,i was dreaming.."
"All my life,i was searching. All my life,i was seeking for someone i can truly call my own."
Unti-unting humahakbang si Maine papasok. Nakatingin kami sa isa't isa,naguusap sa mga tingin. Kumapit sya sa mga magulang nya at naglakad na ulit. Habang papalapit,pakaba ng pakaba at palamig ng palamig ang mga palad ko. Hanggang sa eto na,nasa harap ko na sya,iniabot na saakin,ni Tito ang kamay nya at ganon din si Tita.
"Iingatan mo ang anak namin Alden ha?" -Tito
"Wag mo syang pababayaan" -Tita
"Opo,Tito Tita.."
"Shhh,simula ngayon Nanay at Tatay na ang itatawag mo samin" -Tito
"Opo Tay.."
"Then you arrived,all of a sudden. Without a warning,it was you.that i saw,without a warning it was you who.came,you came right when i didn't know what to say.."
"It would be nice,to have you in my life. Would there be a chance,for you to give it a try?"
"It would be,the best day of our lives,Imagine You and Me,together eternally..."
Nagsimula na ang seremonya,at tahimik na sa buong simbahan. Hanggang sa dumako na kami sa pagbibitaw,ng aming mga wedding vows.
"Maine,Love,gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita. Higit pa sa sobra. Hindi ko man inaasahan lahat nang ito,at hindi ko rin inaasahan na mamahalin kita,ipinapangako ko sayo na hinding-hindi kita pababayaan. Marami mang pagsubok ang dumating saatin,hinding hindi kita iiwan. Umabot man sa puntong paghiwalayin tayo ng pagkakataon,at paglayuin man tayo ng tadhana,tandaan mo,Ako ang Alon na babalik sayo..."
Maine's POV
"At ako ang dalampasigan na magaantay sa pagbabalik mo. Alden,maraming salamat sa lahat ng isinakripisyo mo para saakin,saamin ni.baby. Hindi ko akalain na magagawa mo ang lahat ng yun para sa babaeng hindi mo naman mahal. Akala ko,di mo talaga ako mamahalin,akala ko nga,hihiwalayan mo ako eh. Pero nagkamali ako,dahil pinagaralan mo akong mahalin at ganon rin ako. Alden,hinding hindi kita iiwan hanggang sa dulo ng walang hanggan. Mahal na mahal kita,Richard Faulkerson Jr."
"You may now,kiss the bride" unti unting naglapat ang mga labi namin ni Alden at kasabay nun ang hiyawan ng mga tao sa lokb ng simbahan.
Natapos na ang seremonya at papunta na kami sa venue ngayon. Napakasaya ko na nakasal ako sa lalaking mahal ko.
--
BINABASA MO ANG
Unexpected love (Book 1)
FanfictionNang dahil sa hindi inaasahang pangyayari nagtagpo ang dalwang tao,sila na kaya ang para sa isa't isa?