Alden's POV
Nagaayos ako sa kusina ng kakainin namin ni Maine habang sya naman ay nasa kwarto nya at nagaayos ng gamit nya doon nagluluto na ako nang bigla akong nakarinig ng irit mula sa kwarto nya.
"Aaaaaaaah!" sigaw nito kaya agad naman akong napatakbo doon sa gawing iyon,at nakita ko si Maine na di magkanda-ugaga sa pagtalon at pagtakbo. Kaya nilapitan ko sya..
"Maine?! ayos ka lang? bakit ka sumisigaw? may masakit ba sayo? or ano may problema ba??" nagaalalang tanong ko sa kanya.
"Aldeeeen! may ipiiiissss!" sagot nya saakin habang naka-sik sik sa likod ko. Kitang-kita rin sa mata nya ang takot at namumuong luha roon. Kaya agad akong naghanap ng pamukpok para sa ipis.
"Ayan. Okay na..napaalis ko na sya.. Takot ka pala si ipis di mo naman sinabi edi sana sinigurado kong wala nang ipis dito." natatawang saad ko sa kanya.
"Eiihhh a-aray!" daing nito na ikinagulat ko naman.
"O-oh napano ka??" alalang tanong ko
"na-nakagat ata ako nung ipis kase,naapakan ko sya eh wala pa naman akong suot ma tsinelas.." paliwanag nito habang nangi-ngilid ang luha.
"Shhh..wag kana umiyak okay? gagamutin natin yan,tsaka baka makasama sayo..wait lang.." paalam ko at lumabas ng kwarto
Maine's POV
Nag-muni muni muna ako ng Very very light,kaso biglang pumasok si Alden na may dalang pang-benda.
"Oh? para san yan?" tanong ko sa kanya
"Ahmm ibabalot natin jan sa sugat mo,para di mamaga masyado.." sagot nya
Hinayaan ko lang sya sa pagbalot ng paa ko at sa wakas tapos na rin.
"Salamat ah? takot kasi talaga ako sa ipis eh,bat ba naman kasing may ipis sa CONDO?! jusko" pabirong saad ko sa kanya
"HAHAHA ewan ko nga,siguro sinundan ka talaga nung ipis HAHAHA ngayon lang din naman nagka-ipis dito eh😂" pabirong sagot naman nito.
"HAHAHA siguro nga. Stalker ko siguro yun😂" sagot ko sa kanya
"Oh? Pano,kain na tayo??" aya nito saakin
"Alden,kain lang walang tayo." saad ko sa kanya na ikinatigil naman niya
"Joke lang! ikaw naman HAHAHA uy! joke lang ah?" natatawang saad kong muli sa kanya
"HAHAHA alam mo ikaw puro ka kalokohan! tara na,nagugutom na si Baby" saad nito habang nakahawak sa tyan ko.
Napaka sarap sa pakiramdam na,tanggap niya talaga at pinaninindigan nya ang lahat ng ito. Alam ko na magiging mabutin ama sya sa anak namin. At sana lang,sana lang ganon din ako sakanya,maging mabuting asawa sa kanya. Naupo na kami at nauna naman nya akong pina-upo. Apaka gentleman nemen,enebe😝
"Oh? Maine ayos ka lang? bat parang tulala ka??" tanong nito saakin
"H-ha? o-okay lang ako. May naalala lang. Alden,?" tawag ko sa kanya
"Hmm??" tugon naman nito
"Pwede bang,dun muna ako sa condo ko? kahit tatlong araw lang??" tanong ko sa kanya
"B-bakit,ayaw mo ba dito? o iniisip mo pa din ba yung ipis?" tanong nya saakin
"Alden hindi. May aayusin lang ako. Promise,3 days langg😗" saad ko sa kanya habang naka-pout.
"Sige,pero 3 days lang ah? at araw-araw kitang bibisitahin dun. Dito lang din naman yun diba??" tanong nya
"Ah oo. Sa 5th floor. Room 305 kaya pedeng pede mo'ko puntahan if you want." naka-ngiting saad nito saakin.
BINABASA MO ANG
Unexpected love (Book 1)
Hayran KurguNang dahil sa hindi inaasahang pangyayari nagtagpo ang dalwang tao,sila na kaya ang para sa isa't isa?