Chapter 7

90 9 0
                                    


Alden's POV

Tatlong araw na ang nakalipas nang dumalaw ako kina Maine. At ngayon,dadalaw ulit ako dun para alagaan sya. Hindi ito magiging madali saakin dahil,bukod sa hindi kami close,ay hindi rin ako sanay magalaga lalo na ng mga buntis. Pero tutulungan naman daw ako nina Ate Nikki. Ibibigay ko lang naman daw yung cravings nya,tapos aalalayan ko lang sya sa mga galaw nya.

To: Ate Nikki

"Ate,what time po ako pupunta jan?"

From: Ate Nikki

"Later 'Den,may check-up kasi si Maine ngayon eh."

To: Ate Nikki

"Ahh sige ganon ba ate? sige,paki-text na lang ako ate ah."

From: Ate Nikki

"Oo sige"

Hindi na ako nagreply dahil marami pa akong dapat ayusin. Hayss,Daddy na pala ako. Ang bilis naman ng panahon,kahit hindi ito inaasahan ang saya-saya ko pa rin. Hindi ko na maantay ang araw na mahahawakan kona sila,tapos mamimili kami ng mga gamit nila. Tapos ihahatid namin sila sa School,hayss...

Maine's POV

Nandito na kami sa hospital at kami na ang sunod na iche-check up. Pupunta pa daw kase si Alden sa bahay kaya pinauna na kami.

"Mrs. Mendoza?!!" sigaw ng isang nurse mula sa likuran. Agad naman kaming pumunta ni Ate Nikki para ma check-up na kami.

"Hello! Goodmorning Mrs. Mendoza,upo kana po." saad ni Dra. Saakin

"Ohh.. okay naman po si Baby,at maayos din po ang heart beat nya. By the way,next check-up po malalaman na natin yung gender ng baby,sana po makasama nyo na si Mister.." ~Dra.

Nagkatinginan na lang kami ni Ate Nikki sa sinabi nya.

"Ahhh sige po Dra. Pag di po sya busy.." sagot ko

"Bakit,ano po bang trabaho nya??" ~Dra

"Ahhh,ano po sa kompanya po,oo dun po sya sa kumpanya namin nagta-trabaho" sagot naman ni Ate Nikki

Napatingin na lang ako kay Ate Nikki sa sinabi nya.

"Ohhh sige po,pero sana makasama na talaga sya..." ~Dra

"Sana nga po Doc..." sagot ko naman para hindi naman isipin ni Doc na wala akong pakialam.

"Okay! were done!" nakangiting sambit ni Dra.

"Thank you po Doc.. sige po mauna na po kami..." saad ko

Nginitian lang nya kami at lumabas na kami sa clinic.

"Ate,pano kung di pumayag si Alden??" tanong ko sa kanya

"Huh? bakit naman? Ano ka ba,hindi ganon si Alden...im sure,papayag yun. Anak nya yan eh,Anak nyo. Mabait si Alden,seryoso lang mukha nya pero mabait yun. Kaya sigurado akong papayag sya,tsaka matutuwa yun!"

Napaisip na lang ako,na ganon ko pala hindi kilala si Alden.

"Hmm,okay.. sabi mo eh." sagot ko

"Basta,ako ang bahala. Tara na kase baka nagaantay na si Alden.."

Hindi na lang ako sumagot at sumunod nalang sa paglalakad..

Alden's POV

Kakadating ko lang dito sa bahay nina Maine at agad naman akong sinalubong nina Tito.

"Oh? iho,pasok ka muna..wala pa sina Maine eh,pero baka pauwi na rin yun. Halika,pasok ka muna..antay-antayin lang natin sila." ~Tito

Pumasok kami at naupo muna sa sofa nila sa Sala. Napagusapan din namin ang paglipat ni Maine sa condo ko,at okay naman na daw lahat,okay na kay Maine,kaya wala nang dapat alalahanin. Halos kalahating oras na kaming naguusap nang biglang may nag doorbell. At alam kong sina Maine yun.

"Teka lang iho ha..at baka sina Maine na yun,papasukin ko lang.." paalam ni Tito saakin

Di nga ako nagkamali,dahil sina Maine na nga yun. At nagulat ako nang dali-dali itong pumasok at umakyat sa taas.

"Oh?! Anak?? ayos ka lang ba??" nagaalalang tanong ni Tito sa kanya.

Ngunit di ito sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad habang nakahawak sa bibig nito. Hindi kaya nasusuka na naman sya?! Hays..kawawa naman..

--

Unexpected love (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon