Untitled Part 5

102 10 0
                                    

Alden's POV

Kaka-alis lang nina Ate,at nandito pa rin ako sa condo ko,pati yung girlfriend ko,hinayaan na akong panagutan si Maine. She broke up with me. Ayaw naman daw nyang maapektuhan yung bata,at si Maine. Napakasakit at nakakagulat itong araw na 'to para sakin. Nawala sakin si Kate,tapos yung nangyari pa kay Maine. I know kasalanan ko 'to kase di ko man lang napigil ang sarili ko na gawin sa kanya yon. Wala na ata akong mukhang maiiharap kina Tito at Tita pati kina Kuya Nico at Coleng. Baka magalit na rin sakin si Dean pag nalaman nya ang ginawa ko sa Ate nya. Pero papakasalan at papanagutan ko si Maine dahil yun ang nararapat. Kung yun lang ang paraan para mapatawad ako nina Tito,gagawin ko. Pero si Dad,paano si Dad? im sure magugulat yun pag nalaman na magkaka-anak at asawa na ako. Pero ang masaklap,sa babaeng di ko naman kilala at di ko rin Mahal. Pero pipilitin kong mahalin sya dahil mukha namang hindi sya mahirap mahalin. Sa ngayon,hahayaan ko muna ang tadhana ang mag-desisyon para saaming dalawa.

Maine's POV

Di ko akalaing kayang gawin ni Alden yun. Talaga? papakasalan nya ako? eh pano yung girlfriend nya? naaawa ako sa kanya. I know walang may gusto nito pero,andito na eh,wala na kaming magagawa. Kakausapin ko yung girlfriend nya,para malaman ko yung side nya. Kase kung ako yung nasa sitwasyon nya,napakasakit saakin nun. Hahanap ako ng contact sa kanya para makausap ko na sya.

**

"Ate,ano bang pinagusapan nyo ni Alden? anong sabi nya??"

"Wala naman,nagkalinawan na kami pati yung girlfriend nya na papakasalan ka nya. At pumayag naman si Kate dun. Hinayaan nya na si Alden,she already broke up with him. Kaya wala nang problema." seryosong saad ni Ate.

"H-huh!? ginawa nya yun? Ate naman,bakit di nyo man lang sinabi sakin? ano,inalam nyo ba muna yung side nung girlfriend nya? Ate???!" tanong ko

"Bakit ba napa-praning ka?? eh okay na nga ang lahat eh,kaya no worries. Malinis na lahat. Bukas,pupunta sa bahay si Alden para makapag usap sila nina Tatay."~Ate Nikki

"Huh? eh Ate🥺 pano ko sasabihin kina Nanay? a-ayoko namang mapalayas no! Pano yuuun." mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya

"Hmm..Akong bahala😊" sagot nito habang nakahawak sa kamay ko.

"Salamat talaga Ate ah? kung wala ka siguro di ko na alam ang gagawin ko🤧" sagot ko sa kanya

"Sus! ano ka ba,wala yun. Sinusuklian ko lang mga tulong mo saakin noon,nung nanliligaw pa lang saakin ang kuya John mo! diba,ikaw yung nagpapalusot kay Nanay tuwing may date kami? oh ngayon,ikaw naman tutulungan ko.." ~Ate Nikki

"Hmm oo naman HAHAHA ako pa nga palaging napapagalitan kase daw kung ano-ano pinapabili ko sayo,kase yun yung sinasabi kong rason kung bakit ka ginagabi ng uwi eh HAHAHA" natatawang sagot ko sa kanya.

"HAHAHA Oo nga eh tapos paguwi ko wala naman akong dala🤣🤣" natatawang saad ni Ate.

--

Nandito na kami sa bahay at humahanap na lang ako ng chempo para sabihin ito kina Nanay.

**

"Oh? Menggay? kanina ka pang tulala ah? may problema ba anak?" puna ni Nanay saakin.

"Ah wa-wala po Nay. Nay,may sa-sasabihin po ako..." nauutal kong saad kay Nanay

"Oh? Ano ba yun anak???" tanong ni Nanay

Btw (by the way) andito kami sa kwarto ko at kami lang ni Nanay at Ate Nikki ang tao dito.

"Na-nay,di ka po magagalit saakin ha??"

"Oo naman anak,ano ba yun???" ~Nanay

"Kasi po Nay.. ahh...bu-buntis po a-ako🥺" mangiyak-ngiyak kong sabi kay Nanay

"HAAAA?!!!!! (Hakdog) pa-paanong nangyari yun? wala ka namang nobyo--- anak bat di mo naman sinabi samin? May nobyo ka pala??" tanong ni Nanay saakin

"P-po? wala po Nay. Akaidente po ang nangyari.." paliwanag ko

"Huh- hindi ko maintindihan anak..." ~Nanay

"Nay ganito po kase yan,naglalakad lang po ako sa parking lot nung party ni Coleng,lasi na po ako tas may tumulong saaking lalaki--" di ko na naituloy ang sinasabi ko dahil biglang sumingit si Ate Nikki

"Tapos nay,si ALDEN po yung lalsking yun. At sya rin po ang gumawa nyan kay Maine!" gigil na saad ni ate Nikki

"Ano?! ano kamo? si Alden? jusko! asan yang lalaking yan ha?? nakuuu nakuu!" galit na galit na saad ni Nanay

Te-teka sino po ba sya? bakit ba kilalang-kilala nila yung Alden na yun?

"Nay,kalma..nagkalinawan na kami ni Alden,at okay na sa kanya. Papakasalan at papanagutan nya po si Maine." ~Ate Nikki

"Aba! ay dapat lang ano! jusko di ko talaga akalaing magagawa ni Alden yun! at kay Maine pa ha!" ~Nanay

"Nay...kumalma na po kase kayo..." ~Ate Nikki

"Nay pano po si Tatay? im sure magagalit po yun! ano pong gagawin ko Naaay? ayoko po'ng mapalayas ditooo" saad ko

"Kumalma ka..makakasama sayo yan anak,tsaka ako na ang bahala sa Tatay mo. Hindi ka naman mapapalayas dito eh!" ~Nanay

"Hayssss sana talaga naaay!"

"Sige na,matulog kana at maaga pang pupunta si Alden dito bukas!" saway ni Ate Nikki saakin.

"Okay....." sagot ko

--

Unexpected love (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon