Alden's POV
Nandito na kami sa loob ng isang private room. Nailipat na si Maine dito dahil mas maigi na rin ang maingat. Its already 3:00 am pero di pa rin nagigising si Maine. Kaya napagpasyahan ko na tabihan muna sya sa gilid at matulog roon nang sa gayon ay walang makakalapit sa kaniya. Bago ako matulog ay kinakausap ko muna sya,dahil alam ko namang naririnig nya ako. But to be clear,hindi sya brain dead or commatoes,gusto ko lang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
"Maine,magpapagaling ka ha? okay ka naman daw eh,pati rin si baby. Maine,gusto ko lang malaman mo na,aalagaan at mamahalin kita. Maine,sorry kung nasira ko ang buhay mo ah? kung di mo natupad ang iba mong pangarap at di mo na-enjoy ang pagiging dalaga mo. Pasensya kana kung malaki ang naapektuhan ng ginawa ko sa buhay mo. Hayaan mo,babawi ako. Susuklian ko ng pagmamahal at sisiguraduhin kong walang makakapanakit sa inyo ni baby. Maine,hindi ka naman mahirap mahalin eh. Pero bigyan muna natin ng panahon pareho ang isa't isa para makapag isip-isip. Maine,tandaan mo,hinding-hindi kita pababayaan. Kayo ni Baby. Maine matutulog muna ako ha? hayaan mo dito lang naman ako sa tabi mo eh,di kita iiwan. Umuwi lang sina Tito at Coleng para maghanda ng pagkain at gamit mo." bulong ko sa kanya at hinalikan sya sa noo. Tsaka ako umidlip muna saglit.
Maine's POV
Narinig ko lahat ang sinabi ni Alden,hindi ko alam pero sobrang saya ko sa narinig ko. Napakasaya ko na ganon pala ang nararamdaman ni Alden saakin,nag aalagaan at mamahalin nya pa rin ako kahit di sinasadya ang lahat. Nang maramdaman kong tulog na rin si Alden ay minulat ko na ang mga mata ko. At nakita ko si Alden na natutulog na sa tabi ko.
"Alden,salamat ha? Salamat kase di mo ako pinapabayaan. Hayaan mo,susubukan ko ring mahalin ka." bulong ko sa kanya at muling ipinikit ang mga mata ko. Inantay ko na lang na lamunin ulit ng antok.
-6:00 am-
Gising na si Alden at parating na rin sina Coleen. Habang nagaantay si Alden kina Maine ay naisipan nyang tawagan muna sina Riza,at ang Daddy nya para makausap at ipaalam na rin ang tungkol rito.
Alden's POV
Naisipan kong tawagan na si Riza at sasabihin ko na ang tungkol rito. Papupuntahin ko na rin sila dito para magka-harap harap kami nina Tito at Daddy.
"Riza" (Calling)
"Hello kuya? napatawag ka?" -Riza
"Ah Riz,nasa bahay ka ba? can i talk to Dad?" saad ko
"Ah Yes Kuya,saglit lang tawagan ko lang si Dad. (Daaad! Tawag po kayo ni Kuya)"-Riza
"Hello anak? tinatawagan mo daw ako,may problema ba??" tanong ni Dad saakin
"Ah Dad,pede po ba kayong pumunta dito ngayon? as in ngayon na. Urgent to Dad. Mamaya ko na po ipapaliwanag sa inyo,isama nyo na rin si Riz at Angel." saad ko
"Ah sige ganon ba anak? sige pupunta kami jan." saad nito at ibinalik na kay Riza ang phone.
"Hello kuya? bakit mo ba kami papupuntahin jan? siguro may asawa kana no?" pabirong saad nito kaya napa lunok na lang ako.
"Hay nako,mabuti pa magayos kana at nang madali kayong makarating dito sige na. Bye." saway ko
"Sungit naman neto. Bye." masungit na saad nito. At ibinaba na ang telepono
Maine's POV
Nagising ako sa usapan ni Alden at nang kausap nito sa Phone. At sigurado akong ang daddy nya yon dahil narinig ko ang usapan nila. Unti-Unti kong iminulat ang mata ko at bumungad saakin ang gwapong mukha ng asawa--ni Alden. Ang gwapong mukha ni Alden,hehe di pa nga pala kami kasal.
"A-alden?"
"Maine?! o-okay kana? gising kana?! teka lang ha anong gusto mo? g-gusto mo ng tubig? or g-gusto mo bang kumain??" dere-deretsong tanong nito.
"Hindi Alden. O-okay lang ako,nasaan s-si Nanay??" tanong ko
"Ah umuwi muna sila,nakuha sila ng pagkain at gamit mo." sagot nito
"Ah ganon ba? ikaw umuwi ka muna sa bahay para makapag-palit ka na rin at makapag-ayos.." saad ko rito
"Maine hindi. Dito lang ako,di kita iiwan. P-pano kung bumalik ulit yung nanakit sayo? pano kung saktan ka ulit nila?? Alam mo bang may mga death tread na naman sila?!" nagaalalang saad nito
"Natatakot ako Alden. A-akala ko kase di na maliligtas si Baby,a-akala ko mawawala na sya sakin" umiiyak na saad ko
"Shhhh,kaya nga nandito ako diba? Tsaka okay naman si Baby eh.." saad nito na ikinapanatag ng loob ko.
"Alden kelan daw ako makakalabas??" tanong ko
"Bukas daw Maine,kaya magpahinga ka na lang jan.." sagot nito
"Ah si-sige.."
Ilanh oras na ang nakalipas,at binabalot lamang ng katahimikan ang buong kwarto,ngunit nabasag ito nang dumating sino Coleen,Tito,Tita at sino Dad? Uh oh,nagkasabay sabay pa silaaa! Agad naman akong napatayo dahil nagulat ako ng makita silang LAHAT.
"Hi Kuya!!" bati sakin ni Angel at Riza.
"Shhh baka magising si Maine.." saway ko sa kanila
"Who is she ba kuya? Omygod!" saad ni Riza at napa hawak sa bibig nya
"Owemjiii kuya! Anong nangyari sa kanya?! ang puti pa naman tapos ang ganda-ganda pa naman ng skin nya!" bulong ni Riza pero may kalakasan rin kaya napalingon kaming lahat sa kanya.
"Nako ija,wag na muna nating pagusapan ang gumawa sa kanya nito dahil nagiinit lang ang ulo ko!" saad ni Tita
"Eh anak,sino ba sya? kagandang bata eh." saad ni Dad.
Patay! eto na ang kinatatakutan ko eh.. pano ko to ipapaliwag sa kanila..?!
"Ah eh,maupo muna tayo.." Aya ni Tita kay Dad at saka kami nagsi-upo sa sofa dito sa kwarto dahil private room naman to kaya may kalakihan rin.
"Ah eh,Mister.. Ganito ho kasi yan,yang anak nyo ay ah na-nabuntis nya ho ang anak ko. Pinagkatiwalaan po namin sya at di namin akalaing magagawa nya ito sa anak ko. Pero ayos na rin naman kami dahil papanagutan naman daw nya ang anak ko." Paliwanag ni Tito kay Dad.
Napa-ikom na lamang ako ng bibig habang nagpapaliwanag si Tito kay Dad. Dahil siguradong masasabon ako nito.
Maine's POV
{Maine's Dream}
Naglalakad ako sa isang parke,malaki na yung tyan ko don ng very very light. Naupo raw ako sa isang bench,tapos may nakita raw akong babaeng naka tingin saakin mula sa malayuan at nakangiti sya. Pero yung ngiti nya,ang creepy. Na parang may gagawin syang masama at wait—may kamukha sya.. Sya si-- Kate! oo tama si Kate nga. Sya yung girlfriend ni Alden,noon. At nakita ko sa mga mata nya ang galit–sakit. Lumapit raw sya saakin na may ngiti sa labi pero may kakaiba sa kinikilos at ngiti nya. Yung isa nyang kamay ay naka-tago sa likuran. Na tila ba may tinatago roon. Lumapit sya saakin,malapit na malapit na halos ilang pulgada na lamang ang layo namin sa isa't isa. Kinakabahan na ako dahil di ko alam ang maaari nyang gawin saakin. Unti-unti syang yumuko at bumulong saakin ng mga katagang "I won't let you to steal him to me" yung boses nya ay nakakatakot. Nananatili pa rin syang nakayuko maski di na sya bumubulong. Unti-unti nyang itinaas ang kamay nyang may hawak na patalim at akma na nya akong sasaksakin ngunit nagising ang diwa ko.
-End of dream
Nagising ako nang hingal na hingal at sumisigaw ako ng "Waaag! Waaag Kate!"
Nagsilapitan sina Nanay saakin at si Alden kaya napayakap ako sa kanya. Iyak ako nang iyak habang pilit iminumulat ang mga mata ko. Alam mo yung feeling na—gising na gising ang diwa mo pero di mo maimulat ang mga mata mo. I don't know kung sleep paralysis or Simpleng bangungot lamang ito. Nararamdaman kong nakayakap ako kay Alden pero di ko sya nakikita dahil nga nakapikit ako (LOL)
"Shhh..tahan na anak nandito na kami" pagpapakalma ni Nanay
"Maine tahan na,panaginip lang yun okay?" saad ni Alden habang pinupunasan ang luha ko.
Sheeeems! Nekekekeleg amp.
--
BINABASA MO ANG
Unexpected love (Book 1)
FanfictionNang dahil sa hindi inaasahang pangyayari nagtagpo ang dalwang tao,sila na kaya ang para sa isa't isa?