"Never mind her!,Never mind her!,never mind we'll sweep the night away...
Never mind her!,Never mind her!,never mind we'll sweep the night away..."Lumulundag,Humahalakhak..sumasabay sa kanta ng bandang naroroon.Habang ang mga kamay nila ay Alak ang dala-dala..
Ganyan ang grupo nina Roni.Wala silang pakialam sa ibang tao.At Lalong wala silang pakialam sa orasang relo.Para sa kanila.I-enjoy lang dapat ang buhay.Kaya kahit dis-oras na Ng Gabi laman pa Rin sila Ng bar na 'yun.
"Guys, drinks pa more!" -sigaw ni Roni habang sumasayaw at kumakanta habang sa kamay Niya,naroon ang bagong wine na dala-dala.
Siya si Roni.Mayaman at maganda. Para sa kanya,Hindi Niya kailangan ang trabaho.katwiran niya,Mayaman naman siya.Madalas niyang sinasabi,ang magiging asawa Niya ang kailangang bubuhay sa kanya at Hindi siya ang magpapakakubang magtrabaho para sa magiging asawa Niya balang-araw.Sa madaling salita,walang direksyon ang buhay Niya.
"Ok girls,let's have some drinks,cheers !" -pasosyal na sabi pa nito sa mga kaibigan.
"Uy Roni,magdadrive ka pa.Tama na 'yan" -saway ng kaibigan niyang tomboy na si Cheska.
"aNong Tama na..Nakikita mo ba 'to" -sabay turo sa Alak na hawak Niya.
" Hindi pa ubos oh,Kaya..girls.. let's drink"-muling aya nito sa mga kaibigan kahit nagkakabuhol-buhol na Ang dila sa pagasasalita dahil sa kalasingan."Ok Hindi na iinom si Leslie" -saway Naman ni Mark.Ang boyfriend ng kaibigan Niya.
" Ok fine,Kung ayaw ninyo ko samahan sa pag -inom,Fine..ako na lang" -at Sunod-sunod niyang tinungga ang Alak na hawak Niya .
Naiiling na lang ang mga kaibigan Niya sa ginagawa nito.Tatlo silang magkakaibigan simula pa lang sa pagkabata.Si Cheska,Mayamang tomboy.Si Leslie,Mayaman.Liberated.
Suking-suki silang magkakaibigan ng mga bar at party.Halos gabi-gabi,hanap nila ay gimik.Masaya si Roni sa ganung klaseng buhay.Gusto Niya ang lumabas kesa Naman magkulong sa bahay na tanging ang makakasama lamang Niya ay mga kasambahay.
Ipinanganak si Roni na may gintong kutsara sa bibig.Pero Hindi siya masaya sa buhay Niya.Paano nga ba siya magiging masaya,bata pa lang siya nang maghiwalay ang Mommy at Daddy Niya.Ang Daddy Naman Niya,abala sa pag-iintindi ng negosyo Nila.Lumaki siyang naiwan sa pag-iintindi ng mga kasambahay.Kaya,nung magkaisip siya,problema ang lagi niyang ibinibigay sa ama.
"Uy Roni,Roni gising" -narinig niyang pag-alog sa balikat Niya.Ginigising na pala siya ng mga kaibigan.Nahimasmasan si Roni.Napaidlip na pala siya sa sobrang kalasingan.
"Ok sige.uwi na ba kayo.Uwi na ako!" -tumindig siya ngunit Hindi Niya Kaya ang katawan sa sobrang kalasingan.Natumba siya at mabuti na lamang ay Mabilis siyang nasalo ng mga kaibigan.
"Girls ano ba,I'm alright..bitiwan ninyo ako" -nagwawala pa siya sa pagkahawak ng mga ito.
"Ok Roni..ako na lang ang maghahatid sa'yo.Tara na sa kotse " -yaya sa kanya ni Cheska.Wala na siyang nagawa ng pilit siyang buhatin ng mga kaibigan.
Alas-tres na nang umaga ng makauwi si Roni sa bahay.Mabuti na lang at inihatid siya ng kaibigang si Cheska.Nagising ang Daddy Niya nang marinig ang ugong ng kotseng pumarada sa kanilang harapan.Bumaba ito ng silid upang tingnan Kung Sino ang dumating.Si Cheska ang unang bumungad sa kanya .
"G-goodmorning po tito" -naiilang na bati Nito.Hindi Kasi Niya Alam Kung paano babatiin ang Daddy ni Roni dahil sa galit na anyo nito.Lumipat siya sa kabilang pintuan ng kotse at binuksan ito.Marahan niyang inalalayan ang kaibigan upang makababa ng kotse ito at tagumpay Naman nilang naipasok sa bahay at maihatid hanggang kwarto.
"Cheska-" mahinang tawag nito sa kaibigan ng anak nang maayos na si Roni sa kuwarto.
"Bakit po tito?" -tanong Niya.
"Ano bang Nangyayari diyan sa kaibigan mo?Hindi ba talaga kayo mapipigilan sa mga gimik na ginagawa ninyo?Gabi-gabi na yan"-mariing Sabi pa nito.
" Eh tito,si Roni Naman po talaga ang may gustong lumabas kami.Kanina ko pa Naman po siya niyayang umuwi kaso talaga pong ang hirap pagsabihan ni Roni"-katwiran nito sa Tito Charles Niya(ang Daddy ni Roni).
" Ok Cheska,salamat sa paghahatid mo sa anak ko" -seryosong wika nito.
" S-sige po tito.Uwi na po ako"-at tuluyan na itong lumabas ng kwarto.
Napahugot nang malalim na buntong hininga si Charles habang pinagmamasdan ang natutulog at lasing na anak.Naiiling siya sa labis na kalungkutan.Hindi Niya masisisi ang anak Kung nagrerebelde ito.Simula sa pagkabata ,Kulang sa atensiyon si Roni.Lumaki itong kulang sa pagkalinga ng isang Ina.Apat na taon pa lamang si Roni noon nang iwan ito ng Mommy niya at siya bilang ama ang umako ng Lahat ng responsibilidad bilang Ina ama para Kay Roni.Subalit ang malungkot na katotohanan,Hindi maintindihan ni Roni Kung bakit Niya ginagawa ang mga bagay na ito sa anak.Kung bakit halos gawin na niyang araw ang gabi.Kung bakit kailangan niyang isubsob ang Lahat ng oras at panahon Niya sa trabaho.'Yun ay ginagawa niyang Lahat para Kay Roni.para masigurado ang magandang kinabukasan nito.Para mabigyan Niya ito ng magandang buhay.Malungkot na malungkot siyang tumabi sa natutulog na anak at hinaplos ang mga buhok nito.
"I'm sorry Roni for making you suffer.Soon, you will realize how grateful father I am"-at naiiyak itong napasubsob sa mga kamay.Hindi niya napigilan ang mapaluha sa sobrang bigat ng kalooban.
Hindi Niya Alam Kung paano mapagbabago ang isipan at damdamin ni Roni.Sa kabila ng Lahat ng sakripisyo,hirap at pagmamahal na ibinigay Niya para dito.Isa lang ang maipapangako Niya sa anak.Gagawin Niya ang Lahat para sa ikabubuti nito.At wala siyang ibang idinadalangin kundi ang marealize ng anak ang katotohanan ng buhay.Hindi Lahat ay puro saya.Hindi sa lahat ng panahon ay sang-ayon ang kapalaran sa mga kagustuhan Niya.Nasa tamang edad na si Roni pero Hindi Niya ito kinakakitaan ng anumang positibong pananaw sa buhay.Dahil ang Lahat ng nakita nang anak ay puro negatibong pangyayari sa buhay Niya.Malungkot na tumayo si Charles at Muling sumulyap sa anak at napahugot siya ng malalim na buntong-hininga bago tuluyang lumabas ng silid.
Hello mga sissy..I'm back..medyo seryoso at matured ang story natin ngayon.Dahil po sa inyong request,heto po ang bagong kwento na handog ko para sa inyong lahat..
Dont 4get 2 leave your Comments and votes😁😁😁😁
Happy Reading!
BINABASA MO ANG
💖ALL ABOUT LAST NIGHT💖
RomanceParty girl si Roni. Kung nasaan ang party., Tiyak nandun siya. Para sa kanya, Hindi Niya kailangan ang magtrabaho. I-enjoy Lang dapat ang buhay. Sa madaling salita, walang direksyon ang buhay Niya. Until one night, he woke up in a bed. Hindi Niya Al...