6th Chapter

310 27 1
                                    

6:00 pm na pero wala pa din si Cheska. Ngayon lang nangyari na nahuli ito sa tagpuan nila. Matiyaga siyang naghihintay sa kaibigan nang maya-maya nga may narinig na siyang ugong ng sasakyan sa labas ng bahay. Mabilis siyang lumabas upang siguraduhin na si Cheska na nga ito. Nagulat siya nang hindi si Cheska ang nabungaran niya, kundi si Leslie kasama ang boyfriend nito.

"Ikaw pala Leslie. B-bakit wala si Cheska?" -takang tanong niya dito. Ang totoo kasi naiilang siyang kasama si Mark. Hindi naman kasi siya sanay na may ibang lalaki sa paligid niya. Nasanay lang kasi siya na ang Daddy, si Cheska at Leslie lang ang mga tao sa paligid niya.kung lumalabas naman silang magkakaibigan,never naman silang nakipagharutan sa mga lalaki.Naiilang siya kay Mark dahil may pagka istrikto ito sa kaibigan niya.Kaya madalas,madami na silang lakad na hindi nakakasama si Leslie dahil sa paghihigpit nitong si Mark.

"Tumawag sakin si Cheska. Pinasusundo ka. Baka daw hindi ka niya masundo kasi may dadaanan pa siya. So, sama ka na lang samin ni Mark"-wika ni Leslie na nangingiti sa kanya. Alam niya ang kahulugan ng mga ngiting yun ng kaibigan. Ngiting nangungumbinsi ito na sumabay siya sa kotse kahit kasama si Mark.

"Sige ba! Wala naman akong choice eh, kesa naman maglakad ako"- at sinundan niya ng tawa ang sinabi.

" Let's go!"-masiglang yaya nito sa kanya.

" Tara"- at masigla naman siyang sumakay nang kotse.

Tahimik lang siya sa loob.Nahihiya kasi siya kay Mark(bf ni Leslie.Alam kasi niya na istrikto ito sa kaibigan niya.Madami silang ginagawa na mahigpit na ipinagbabawal nito kaya kadalasan talaga hindi na nito pinapayagan si Leslie na sumama sa kanila.

"Roni,ikaw ba may boyfriend na" -biglang tanong sa kanya ni Mark nung nasa biyahe na sila.Abala ito sa pagmamaneho ng kotse.Nagulat siya sa tanong na 'yun.Napanganga siyang napatingin sa kaibigang si Leslie.

"Ha..ah..eh..wala.b-bakit mo naitanong?" -kunot noong tanong niya dito.

" Suitors meron ka"-tanong muli ni Mark sa kanya.

Nagulat na naman siya sa tanong 'yun.Umiling na lang siya bilang sagot sa tanong nito.

"Madami akong kaibigan.May ipapakilala ako sayo." --kwento pa ni Mark.

"Ha." -nagulat na namam siya." S-saka na lang kapag nagkalibreng oras ako."--nauutal na katwiran niya sa lalaki.

Nagkibit balikat na lang si Mark.Tahimik na lang sila sa kotse at hinintay na makarating sa lugar na pinag-usapan nila nina Cheska.

Pumarada ang sasakyan sa maluwang na bakuran ng isang mamahaling restaurant.Tahimik ang lugar kumpara sa mga dating lugar na pinupuntahan nilang magkakaibigan.Bumaba sila sa kotse.

"Wow,naninibago ako kay Cheska ha,mukhang nag-iiba na ang taste.Dati sa mga bar ang paboritong hang-out.Ngayon sa mga tahimik na restaurant na"--nangingiting wika ni Mark.Hindi nila maintindihan kung sarkastiko ba ito o seryoso sa.sinabi.

"Tara sa loob,dun na lang natin sila hintayin." -aya niya sa mga kaibigan.

Tahimik silang pumasok sa loob ng resto.Umorder na sila ng juice habang wala pa sina Cheska.Maya-maya ay nagring ang phone niya at nagregister ang pangalan ni Cheska.

"Hello" -bungad niya sa kaibigan.

"Roni,asan na kayo.Dito ako sa labas,nasa parking"--wika nito.

" Ah..nandito na kami sa loob,pasok ka na lang".

" Ok." At naputol na ang usapan nila.

Maya-maya nga ay pumasok na si Cheska sa loob ng restaurant.Astig na astig ang porma ng kaibigan.Maganda sana si Cheska kaya lamang ay 100 percent na kilos lalaki ito at babae din ang gusto.Maluwang ang ngiting isinalubong nito nang makita sila.

"Hello guys !sorry i'm late.Meron pa kasi akong dinaanan kaya sorry Roni kung hindi kita nasundo"--hinging paumanhin nito sa kanya.

" Ok lang Chess,san ka ba galing at anong dinaanan mo"--tanong niya dito.

" Actually hindi ano,kundi sino"-nakangiting sagot pa ng kaibigan.

" Sino?"-halos panabay na tanong nila ni Leslie.

"Wait lang guys" --at lumabas muli ito ng pintuan at may kasama na itong isang lalaki nang muling pumasok sa loob.

Nagulat si Roni.Hindi niya akalain na muli silang magkikita ng bastos na lalaking 'yun.Napatungo siya nang tingnan siya ng lalaki.

"Guys meet my cousin Borj,Borj this is Leslie and this is Mark." --pakilala niya sa mga kaibigan.Naglahad naman si Borj nang kamay at nakangiting inabot yun ng dalawang kaibigan.

"Roni,this is Borj" -pahabol pa na wika muli ni Cheska.

Tipid na ngiti lang ang ipinukol niya sa lalaki.At nagulat siya nang mahlahad din ito ng kamay sa kanya.Tinitigan niya ang kamay na 'yun.Nagdadalawang-isip siya kung aabutin na ba niya 'yun bilang pagtanggap dito.O 'wag na lang pansinin.Nakita niya si Cheska na sumenyas sa kanya na makipagkamay din.Kaya wala na siyang nagawa kundi abutin na din ang kamay ng binata.
Tiningnan niya ng diretso si Borj.Hindi niya kailangang magpa apekto dito.Anuman ang nangyari kagabi,kailangan na niyang kalimutan 'yun.At paulut-ulit niyang sinasabi sa sarili na walang nangyari sa kanila ng binata,kundi natulog lang siya sa kama nito.

Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Borj sa kamay niya nang abutin niya ang kamay nito.Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagka-ilang dito.Mabilis niyang binawi ang kamay at nagpatuloy na lang sa pag-inom ng juice.
Gusto niyang sabunutan si Cheska.Bakit kasi nagsama pa ito ng asungot.Paano naman niya ma-eenjoy ang dinner kung nasa tabi lang niya ang lalaking kasama niya sa kuwarto kagabi.

(Haiiii Roni..Paano kung nasilipan ka niya kagabi.Oh kaya tsinansingan ka..Oh paano kung napagmasdan at nahawakan niyan ang buong katawan mo.)--tudyo ng malilikot na isipan.Mariin siyang napapikit sa isiping 'yun.

"Ahmm..Roni,actually,isinama ko talaga si Borj. So,you guys can talk about  what  happened  last night"---paliwanag ni Cheska

" What happened last night?"- curious na tanong naman ni Leslie.

" Ahm..Wala.."-mabilis na sagot namn ni Roni.

Tumabi sa upuan niya si Borj.Hindi niya alam kung bakit ganun ang pakiramdam niya.May stange feeling talaga siya na noon lang niya naramdaman nang tabihan siya ni Borj.

"Order muna tayo ng food.Mamaya na lang kayo mag-usap." -sabat ni Cheska.Kaya tinawagan nito ang waiter at umorder ng kung ano-anong pagkain.

Happy reading  mga sissy...🤗

Comment down and feel free to vote!

💖ALL ABOUT LAST NIGHT💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon