Nagising si Roni. Naramdaman Niya na nakahiga siya sa Isang malambot na kama. Agad siyang bumalikwas ng bangon. Dahan-dahan niyang inilibot ang paningin sa loob ng madilim na silid na kinaroroonan Niya. Dahan-dahan siyang bumangon. Nasapo Niyang muli ang ulo nang maramdamang masakit at mabigat pa Rin yun sanhi ng sobrang kalasingan. Dahan-dahan siyang tumayo upang alamin Kung na kaninong silid siya. Napansin Niya ang ilang gitara na nasa loob ng kwarto. Masculine ang theme ng room Kay'a natitiyak niya na nasa loob siya ng kwarto ng Isang lalaki. Nahawakan Niya ang sarili.
(My God Roni anong ginagawa mo sa kuwarto ng Isang lalaki.)-sigaw ng utak Niya. Maya-maya ay kainamang kaba ang sumagi sa kanya nang mapansin niyang iba na Ang damit na suot Niya. Halos sumigaw na siya sa sobrang taranta. pero iniisip Niya Kung sisigaw siya mawawalan siya ng pagkakataong makatakas. Baka kinidnap siya at pagtangkaang gahasain. Dahil sa negatibong isipin na 'yun Mabilis niyang pinakiramdaman ang sarili. Kung wala bang masakit sa kanya. Mukhang wala namang masakit Maliban lang sa masakit na ulo Niya. Kahit nanlalamig sa sobrang kaba, Pinilit ni Roni na makalapit sa pintuan para makalabas siya ng kuwarto. Kailangang makaalis siya sa loob ng kwartong iyon at kailangang makatakas siya sa. Masamang plano ng lalaking nagdala sa kanya sa loob ng kwarto.
(My God Roni may magtatangka ng rape sa'yo. Bilisan mo Roni baka abutan ka pa ng taong 'yun)-sulsol na Naman Ng utak Niya. dahan-dahan nga siyang humakbang palapit sa may pintuan. Subalit nang bubuksan na Niya ang pintuan ay biglang bumukas ang pinto ng CR at mula doon ay lumabas ang Isang lalaking nakahubad at nakatapis lamang ng tuwalya ang itaas na bahagi nito. Basa ang may pagka longhair nitong buhok at halatang-halatang bagong paligo ito. Gulat na gulat si Roni sa nakita. Never pa siyang nakakita ng lalaking nakahubad at nakatapis lang ng tuwalya sa harapan Niya. Hindi na Niya napigilan ang sarili. Nagsisigaw si Roni upang humingi ng tulong."T-tulong.. tulungan ninyo ako.!" -sigaw Niya habang pinipilit na buksan ang seradura ng pinto.
Wala namang pangamba o pag-aatubili ang lalaki sa ginawa Niya. Sa halip, binuksan nito ang closet at nagsuot na lang ng Sando. At sa buong pagkagulat niya, walang salita itong nagsuot ng brief at short sa harapan Niya.Napamulaga siya sa ginawang iyon ng lalaki. Totoo pala na nag eexist ang mga bastos na lalaki sa mundo. Isang bagay na narealize Niya sa mga orAs na 'yun. Naiiyak na nagsalita.
"Sino ka? aNong ginagawa ko dito. bakit ako nandito. Ni-rape mo ako no. "--galit na bintang Niya sa lalaki.
Hindi nagsalita ang lalaki. Nagkibit balikat Lang ito habang abala sa. Pag-aayos ng sarili. Naiiling na siya. Isang kabastusan para sa Isang babae ang dalhin siya sa loob ng kwarto.
(Gosh Roni baka naisahan ka na Niya Kaya Hindi ka na Niya pinapansin. )
Napikon siya sa isiping 'yun. Lumapit siya sa lalaki at galit na kinompronta ito."Hoy ikaw lalaki.Anong ginagawa ko dito sa kwarto mo.Ni-rape mo ako noh.Idedemanda Kita."----galit at naiiyak na na nasabi Niya sa lalaki.
" Excuse me" -sa wakas ay salita ng lalaki.Tiningnan siya nito mula ulo Hanggang paa at naiiling itong ngumiti.
"aNong tinatawa -tawa mo diyan.Ni -rape mo kong talaga ano"-Mataray na kompronta Niya dito sa lalaki na sa paningin Naman Niya ay ang gwapo-gwapo...Totoong gwapo nga Naman.Noon Niya napagtanto na Ang lalaking kaharap pala Niya ngayon ay Ang lalaking tinitingnan lamang Niya kanina habang nagigitara.Kung gwapo ito sa.malayo aba,ay mas gwapo ito sa malapitan.Pero kahit na gwapo pa Ang lalaking ito,aanhin Niya ang kaguwapuhan nito Kung ang ugali Naman ay may kagaspangan.
"Bakit ako nandito sa kwarto mo,siguro may balak ka sakin.Siguro may balak ka talagang gahasain ako"---naiiyak na nasabi Niya dito.Natatawang humarap ang lalaki sa kanya.
" Excuse me.Sorry Hindi Kita type ok.ako Kasi Yung tipo ng lalaki na Hindi kailangang mandukot ng babae just to have sex"-nilandian pa nito ang pagsasabi sa huling salita.
" Alam mo Kasi Miss,ang mga babae ang lumalapit sakin,Hindi ako ang lumalapit sa kanila"-mayabang na Saad pa nito.
" Kung ganun,eh anong ginagawa ko dito sa kwarto mo.Malinaw na malinaw na ni-rape mo ako" --gigil pa ring Sabi Niya.
Muling ngumiti ng nakakaasar ang lalaki bago Muling humarap sa kanya.
"Alam mo Miss.Kung mangre-rape ako ,pipili Naman ako Ng babae.Gusto ko maganda,tsaka..Sexy siyempre..Yung may boobs.."----
Napanganga siya sa tinuran ng lalaking ito.Sobrang gulat na gulat siya.Hindi Niya ineexpect na may mga ganung klase nga pala Ng lalaki.Sobrang rude.Anong tingin sa kanya nG lalaking ito,Hindi siya maganda.Hindi siya sexy.
Bigla niyang natakpan ang dibdib Niya nang mapansin niyang nakatingin dito ang lalaki.Tila nag-init ang mukha Niya sa sobrang pagkapahiya.Asar na asar siya sa lalaking ito.Sobrang bastos-gigil na gigil na wika Niya sa sarili.
Maya-maya ay ngumiti muli ito nang nakakainsulto."Kung ikaw Lang din Naman miss,,mukhang pwede na!" ---tatango-tango pa ito habang nakahawak sa baba nito at pinagmamasdan siya.
" Walanghiya ka!Bastos...Kung Hindi mo ako ni-rape kagabi,b-bakit iba ang damit ko.Sinong nagbihis sa kin.Siguro ikaw noh,Bastos ka Kasi"---naiiyak na Naman siya sa sobrang panggigil sa lalaki.
" Don't worry harmless ako.Maid namin ang nagbihis sayo."--kaswal na wika nito.
"Tumawag na ako Kay Cheska,pinasusundo Kita.Anytime punta na siya dito"---dugtong pa nito.
Sobrang nagulat siya.Bakit kilala ng lalaking ito ang kaibigan Niya.Si Cheska ba ang nagbugaw sa kanya sa lalaking ito.Naalala Niya si Cheska,nangako itong babalikan siya pero Hanggang ngayon Hindi pa Niya nakikita ang anino nito."S-sino ka ba?bakit kilala mo ang kaibigan ko.Siguro magkasabwat kayo" --nanlulumo siya sa tanong na iyon..
" Pinsan ko si Cheska.Nakita ko Kasi kagabi na magkasama kayong dalawa Kaya Alam ko na kaibigan ka Niya"
Nasa ganun silang pag-uusap nang makarinig sila ng Sunod-sunod na katok sa pintuan ng silid.Sabay silang napalingon sa pinto pero bago siya makalapit dito naglahad ng kamay ang lalaki sa kanya at saka nakangiting nagpakilala.
"Borj nga pala" ---
Hindi Niya Alam Kung dapat ba niyang abutin ang kamay nito o balewalain na lang.Naiinis Kasi siya sa inasal nito.Napakagaspang Kasi ng ugali at talagang sa lalaking ito lang Niya na experience ang mabastos ng to the highest level.
Sa huli ay nagdesisyon siyang lumapit sa pintuan at 'wag na lang abutin ang kamay ng Bastos na lalaking ang pangalan pala ay "BORJ".HapPy Reading mga sissy...
Comment down and feel free to vote!
BINABASA MO ANG
💖ALL ABOUT LAST NIGHT💖
RomanceParty girl si Roni. Kung nasaan ang party., Tiyak nandun siya. Para sa kanya, Hindi Niya kailangan ang magtrabaho. I-enjoy Lang dapat ang buhay. Sa madaling salita, walang direksyon ang buhay Niya. Until one night, he woke up in a bed. Hindi Niya Al...