Sunod-sunod na doorbell ang ginawa ni Roni pagdating sa bahay nina Cheska. Maya-maya ay bumukas ang pinto at ang kaibigan ang bumungad aa kanya.
"Uy Roni, tamang-tama ang dating mo dito ka na maglunch" --yakag ng kaibigan niya. magkasabay silang pumasok sa loob ng bahay.
"Tara kain tayo, tamang-tama nakahain na" --hila sa kanya ni Cheska.
Pagdating niya sa dining room, nagulat siya dahil hindi niya inaasahan kung sino ang makikitang nakaupo doon at masiglang kumakain. Halos nagulat din ito nang makita siya.Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction nito nang makita siya.Maging siya ay hindi makapagsalita.
"Umupo ka na Roni,tara kain tayo.Eh ito namang si Borj eh ,nagyaya na dito maglunch ,eksakto talaga sis ang pagdating mo.at least,nagkasama-sama tayo."--
Mahabang litanya ng kaibigan niya.Hindi nito naiintindihan ang ilangan sa pagitan nilang dalawa ni Borj."Oh,Borj,Roni,hindi kayo nagsasalita.Anong problema ninyo" --dugtong na naman ni Cheska habang nagsimula nang sumubo ng pagkain.
" Ah...ok..masaya 'to.NAKAKAMISS nga eh" ---kapagdaka'y bigkas ni Borj.Binigyang diin pa ang huling sinabi at makahulugang tinapunan ng tingin si Roni.
Hindi nakaligtas sa paningin ni Roni ang makahulugang sulyap na 'yun ng binata.
Gusto na lang sana niyang umalis,pero tiyak na magtataka na naman si Cheska kapag ginawa niya iyon.Kaya nag-isip na lang siya ng ibang pwedeng sabihin"Kumusta na si Tita" --pag-iiba niya sa usapan.
" Hayun!inatake na naman ng sakit niya.Ang edad na kasi eh,ayaw pang tumigil sa ballroom dancing.Ayan tuloy"--naiiling na wika ni Cheska.
Wala na siyang maisip sabihin maliban doon.Punong-puno ng tesnyon ang pagkatao niya.Sobrang awkward di ba.Nandiyan sa harapan mo 'yung lalaking "nakauna" sayo tapos alam na alam mong wala kang pag-asa na pananagutan ka dahil alam mong may iba itong babaeng minamahal.Ang masaklap pa,alam mong hindi ka niya kayang mahalin dahil ito ang lalaking hindi magseseryoso sa babaeng tulad niya.
Gusto na naman niyang sisihin anv sarili.Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip niya.(Haiii Roni,ano kayang iniisip ni Borj sayo ngayon.Naku,baka iniisip niya na tulad ka din ng ibang babae na mababa ang lipad.Kahit naiilang ay nagpatuloy siya sa pagkain At minabuting huwag na lang pansinin ang presensiya ni Borj. Maya-maya ay naramdaman niyang tumayo na ang binata.)
"Excuse me girls,una na ako ha.Ches,Hindi mo naman sinabi na pupunta pala dito si Roni .Kung alam ko lang,Sana Na cancel ko ang lakad ko ngayon."---at tumingin na naman ang lalaki sa kanya.
(Ek..ek..mo..bulong niya sa sarili.Hoy Borj.Hindi mo ako maloloko no.F.Y.I alam ko na may ibang babae ka.Nakita ko pa nga na magkayap kayong dalawa sa pool.Hmmmmp"----dismayadong bulong na naman niya sa sarili.)
"Eh,aalis ka na ba.Baka gusto mo kaming isama ni Roni" ---makulit na habol ng kaibigan niya sa binata.
" Next time na lang Ches,promise!" --at ngumiti ito at tUmingin muli sa kanya bago tuluyang lumabas ng dining area.
(Hinayupak na lalaking 'yun. Hindi man lang siya pinatapos ng pagkain bago umalis.Hmmmp..Mukhang nagmamadali.Siguro,makikipagkita na naman ang Borj na yun sa babae niya.Hindi niya maiwasan ang malungkot sa naiisip.Nanggigil siya dahil talagang napakagaga niya para ibigay ang sarili sa lalaking katulad lang ni Borj.)
"Uy Roni,ano bang iniisip mo.Lumulutang ka girl" ---noon niya napansin na natulala na pala siya at kanina pa siya pinupukaw ni Cheska.
" S-sorry Ches,may iniisip lang ako" --nauutal na depensa niya.
Maya-maya ay narinig niyang nag vibrate ang kanyang personal cellphone.Uminom na lang siya ng tubig para tapusin ang pagkain at saka binuksan ang nilalaman ng message .Number lang ang nakaregister sa cp niya.Nagtataka siyang binuksan ang message at hindi niya alam kung ano ba ang dapat na magiging reaction niya.Matapos mabasa ang nilalaman ng mensahe.
"Hi Roni.I 'd like to see you tonight-Borj"
Mariin siyang napakagat labi.Ano kaya ang ibig sabihin ni Borj sa text message na 'yun.Gusto kaya ng lalaki na magkita sila para mangyari ulit yung dating nangyari sa kanilang dalawa.Oh,gusto siyang makita nito para lang mapag-usapan ang nangyari .
Lumilipad na naman ang kanyang isipan nang biglang...Napapitlag siya sa kinauupuan nang marinig niya ang malakas na boses ni Cheska.
"Hi Ate Jenny..Naku mabuti at nakarating ka.Sayang nakaalis na si Borj..Kakaalis lang"---masiglang kwento ni Cheska sa bagong dating na babae.At,laking gulat na lang niya nang makilala ang babaeng kaharap niya ngayon.Hindi...Hindi siya maaaring magkamali.Ang sexy at magandang babaeng ito ang nakita niyang nakayakap kay Borj.At totoong napakaganda pala nito kung titingnan sa malapitan.Ano nga naman ang binatbat niya dito kung pagandahan at boobs ang labanan.Hindi niya napigilan ang matahimik at muling makaramdam ng labis na kalungkutan.
Kung ganitong klase ng babae ang gusto ni Borj...Paano pa siya mapapansin nito.Eh, maganda din naman siya,pero hindi katulad ng babaeng kaharap niya na kahit isang babaeng tulad niya,hahanga sa angking ganda nito.Tahimik lang niyang pinagmamasdan ang babae at wala sa loob na nakikinig sa usapan nila ng kanyang kaibigan.
(Haiiii Roni..mag walk-out ka na lang kasi.Ano pang ginagawa mo diyan?Nandiyan na yung legal na babae sa buhay ni Borj..Bruha ka alis na diyan)---sulsol ng utak niya.
Akma na siyang tatayo nang muling magsalita si Cheska.
"By the way Ate Jenny,this is Roni..Roni this is ate Jenny.sister ni Borj" ---narinig niyang wika ng kaibigan.
Natigagal siya.Para siyang nabuhasan nang malamig na tubig.Muli niyang tiningnan ang babaeng kaharap.Nakangiti ito sa kanya.At talagang napakaganda ng babae para sa paningin niya.
Alanganin din niyang nginitian anv babae."K-kapatid ka ni Borj" ---nabigla niyang tanong sa magandang babae.
" Yeah.."--mahinang sagot nito at ngumiti nang maluwang sa kanya.
Halinhinan siyang napatingin sa dalawang kaharap.Kahit walang alam ang mga ito sa nasa isip niya,pakiramdam niya,hiyang-hiya siya.At totoong,nahihiya siya sa sarili..
Hinusgahan niya si Borj pati ang babae.Magkapatid naman pala ang mga ito.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at saka naiilang na ngumiti.
"San ba ang lakad ni Borj?" --tanong ni Cheska sa babae.
" Hindi ko alam.Hindi naman marunong magsabi ng lakad 'yun.Basta ang alam ko,in-love 'yun.May ikinukwento kasi siyang girl sakin.Ang problema mukhang ayaw daw naman sa kanya nung girl,kasi ayaw siyang kausapin"---mahabang kuwento ng babae sa pinsan nitong si Cheska,Sa huli,nagkibit balikat lang naman ito.
(OMG Roni,,ikaw na kaya ang babaeng tinutukoy ng ate ni Borj)--tudyo ng isang bahagi ng utak niya.
(Hoy Roni..'wag kang assuming..wag kang umasa para hindi ka masaktan)--ganti naman ng kabilang utak niya.
Haiiii Roni paano nga kung mahal ka ni Borj???.. Paano kung nakahanda palang panagutan ni Borj ang nagyari sa inyo???Anong gagawin mo Roni?????
BINABASA MO ANG
💖ALL ABOUT LAST NIGHT💖
RomanceParty girl si Roni. Kung nasaan ang party., Tiyak nandun siya. Para sa kanya, Hindi Niya kailangan ang magtrabaho. I-enjoy Lang dapat ang buhay. Sa madaling salita, walang direksyon ang buhay Niya. Until one night, he woke up in a bed. Hindi Niya Al...