5th Chapter

313 27 1
                                    

Binuksan ni Roni ang pintuan ng kuwarto at walang salitang lumabas doon. Ni hindi niya pinansin ang kaibigan at sa halip ay nilampasan lamang niya ito.
"My God Roni, anong nagyari?" -takang tanong ni Cheska nang makita siya. hindi siya nagsalita, hindi din siya kumibo. Mabilis siyang lumabas ng bahay na yun habang nakasunod lamang ang kaibigan na walang tigil sa pagtatanong.

"Pwede mo ba akong ihatid?" -kaswal na tanong niya sa kaibigan. Ngayon ay madaling araw na at kailangan na niyang makauwi.

"ok sige Roni,tara..sakay sa kotse" - mabilis na binuksan ni Cheska ang kotse nito para pasakyin siya.Tahimik lang siya sa kotse.Nakikiramdam lang siya kung ano ang itatanong o sasabihin sa kanya ng kaibigan.At maya-maya nga ay hindi ito nakatiis magtanong nung nasa kotse na sila.

"Roni,anong ginagawa mo sa kuwarto ni Borj" ---nag-aalalang tanong nito.
Hindi niya alam kung bakit masyadong natataranta ang kaibigan.

"W-ala..hindi ko alam.Nagising na lang ako na nakahiga sa kama niya.Wala akong maalala sa sobrang kalasingan"--matamlay na sagot niya.

" Wala ka bang kakaibang nararamdaman sa sarili mo.Wala bang masakit" --tanong muli sa kanya ng nag-aalalang kaibigan.

"Wala naman.sabi naman niya wala siyang masamang ginawa sakin eh" -wika ni Roni.

Naiiling na nagmaneho na lang ng kotse si Cheska.Naisip tuloy niyang itanong kung bakit masyado itong naghehesterikal samantalang pinsan naman niya ang nakasama niya sa gabing 'yun.

"Teka,bakit ba kasi ganyan ang reaksyon mo.Hindi ba dapat nga wala kang dapat ipag-alala dahil pinsan mo 'yung kasama ko"-wika niya dito para kalmahin ang kaibigan.

Nakita niyang napakamot sa ulo ang kaibigan.

"Haiiii Roni,hindi mo lang kasi alam.Sa lahat ng pinsan ko siya kasi yung...siya kasi yung ..hindi marunong magseryoso sa babae.Kaya nag-aalala ako baka kung ano ang ginawa niya sayo"--nag-aaalang wika pa nito.

"Eh bakit ba hindi ka na bumalik?"-tila paninisi pa niya dito.

"Pasensiya ka na Roni,nakatulog ako eh.Nagising na nga lang ako nung tumawag si Borj at pinasusundo ka.Sorry,Roni,medyo nalasing na rin ako eh"--paliwanag nito.

" Eh di magtiwala ka na lang sa kanya..Kung anong sinabi niya 'yun na lang ang paniwalaan mo.Siya ba yung engineer na sinasabi mo'--para lang matigil na si Cheska sa pagka o.a iniba na lang niya ang tanong.

"Hindi siya yung engineer..Si Borj kasi ibang bagay ang pinagkakaabalahan nun."-at sa wakas ay naging kalmado na rin si Cheska sa pagkakataong 'yun.

"Tatlo silang magkakapatid,panganay nila ay babae,tapos si Kuya Chad yung engineer,tapos si Borj yung bunso."--pagkukuwento pa nito.

Maya-maya ay nakarating na sina Roni  sa bahay.
"Pasok ka muna sa loob" - aya niya sa kaibigan.

" Hindi na Roni.Babalik ako dun,kailangang magpaliwanag si Borj kung ano talaga ang nangyari"--sabay sakay na muli nito sa kotse at marahang pinaandar 'yun.

Pagdating niya sa silid,pilit niyang inalala ang nangyari kagabi sa bahay nina Borj.Ang huling natatandaan lang niya ay naghahanap siya ng CR.Maliban doon ay wala na..Pero pinakiramdaman niya ang sarili kung may kakaiba nga ba sa kanya.Dahil kung totoong may nangyari sa kanila ni Borj dapat may masakit sa katawan niya.

(Haiii Roni bakit mo ba kasi iniisip na may nagyari sa inyo ni Borj.Eh di nga ba wala ka namang boobs kaya siguradong hindi ka talaga niya pag-iinteresan.Sinabi naman niya sayo ng harapan na ang gusto niya ay 'yung maganda,sexy at may boobs)Bigla siyang nainis sa isipin na 'yun.Si Cheska na mismo ang madalas magsabi sa kanya na flat chested siya kaya sigurado na hindi nga siya type ng lalaki.Pero nakakainis.Ang bastos talaga ng Borj na 'yun.Naniningkit ang mata niya sa galit.Siguro naman deserve niya ang explanation kung bakit nga ba siya nasa kuwarto ng lalaking 'yun.Kaya nga lang hindi niya matagalan ang kagaspangan ng ugali nito kaya umalis na lamang siya kesa makipagtalo pa.

SAMANTALA...Seryosong nag-uusap naman sina Cheska at Borj.

"Borj ano bang nagyari sa inyo ng kaibigan ko?Anong ginagawa niya sa kuwarto mo?"-seryosong tanong niya sa pinsan nang magharap sila.

"Cheska ano bang iniisip mo?"-kunot noong tanong nito habang tumutugtog na naman ng gitara.

"Borj,kilala kita..Alam ko ang iniisip mo sa mga babae.Maganda ang kaibigan ko kaya sigurado ako na may ginawa ka sa kanya"--diretsahang bintang nito sa kanyang pinsan.

Humagalpak nang tawa si Borj.Naiiling na humarap sa pinsan at saka nagsalita.

"Cheska naman.Pinag-iisipan mo ba ako nang hindi maganda.Ako na pinsan mo.Alam mo Cheska,harmless naman ako sa mga babae eh.Siyempre pumipili lang din ako ng babaeng pinapatos ko.Yung kaibigan mo.---"Pansamantala itong tumahimik at saglit na nag-isip bago muling nagsalita.

"Mukhang ok naman siya.Pwede na.Tipo ng babae na hindi basta bibigay"--dugtong pa nito.

"Eh, Borj, willing ka bang magpaliwanag sa kanya kung ano talaga 'yung nangyari?"- nasa himig nangungusap si Cheska.

"Ahmmmm..Oo naman..sige! pwede bang magkita kami?"--maluwang ang ngiti nito habang tumugtog na muli ng gitara.

"Sige..Gagawan ko ng paraan pinsan.pero sa isang kondisyon."-wika nito.

"Anong kondisyon naman 'yun"-kunot noong tanong nito.

"Kailangan kasama ako.Ok ba"--

Naiiling na napangiti na lamang si Borj sa kanyang pinsan.Alam niya na wala itong tiwala sa kanya.Kasi nga,madami nang babae ang dumaan sa kanya.May mga naging girlfriend kasi siya pero karamihan fling!fling lang! Walang seryosohan.Masisisi ba naman siya ng mga ito.Gwapo si Borj.Mayaman.Talentado.At hindi maikakaila na napakalakas ng karisma niya pagdating sa mga babae.Pero hindi naman niya ginagawang laruan ang mga babae.Gaya ng iba,marunong din naman siyang rumespeto.'Yun nga lang,hindi pa lang talaga dumadating ang babaeng magpapatino sa kanya at magbibigay ng direksyon sa buhay niya.Pero kakaiba ang pangyayari kagabi.Nakakilala siya ng babaeng kakaiba para sa kanya.Muling nagregister sa isipan niya ang magandang mukha ni Roni.Muli niyang inalala ang mataray, mataas at iritableng boses nito.Sa unang pagkakataon, may kakaiba siyang naramdaman sa isang babae.At lihim siyang nagdidiwang sa isipin na muli silang magkikita ni Roni.Muli siyang nagpatuloy sa paggigitara at idinaan sa pagkanta ang lihim na pagdiriwang ng saya sa kanyang puso.

Kringggggggg! Tunog ng cellphone ni Roni.Muli siyang napapitlag sa pag-iisip tungkol pa rin kay Borj. Nakita niyang si Cheska ang tumatawag.

"Hello Cheska!"-bati agad niya sa kaibigan.

"Ahmmmm.Roni,are you free tonight?Tara labas ulit tayo"- aya niya dito.

"Cheska,pwede bang magpahinga na muna tayo.Hindi pa nga ako natutulog nang maayos eh.Puyat pa ako dahil kagabi"--tila asar na wika nito sa makulit na kaibigan.

"Sige na naman Roni.Saglit lang naman tapos uuwi na din agad tayo promise.Kung gusto mo dinner lang,walang alak-alak.Saglit lang 'to Roni please!"--nahihimigan na naman niya ang pakiusap ng kaibigan.

Hindi niya alam kung kaibigan ba talaga ito o bad influence para sa kanya.Kasi,Sa lahat ng gimikan na napuntahan niya si Cheska lang talaga ang nagpaplano ng lahat at go on the ride lang siya kasama sina Leslie at ang boyfriend niya.

"Sige,ahmm..basta matutulog lang muna ako ngayon para mamaya makalabas tayo.Huwag mo muna akong aabalahin"--paalala agad niya sa kaibigan.

"Sige Roni,salamat!I'll pick you up at six."--

"Ok Ches"..at ibinaba na niya ang telepono.

Pagkatapos makipag-usap sa kaibigan ay agad na siyang humiga sa malambot niyang kama at muli...Inagaw na ng antok ang kamalayan niya.

Hellow mga sissy...Enjoy Reading!

Just leave your comments and don't hesitate to vote...Thank you guys!

💖ALL ABOUT LAST NIGHT💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon