Kinagabihan, hindi dalawin ng antok si Roni. Gusto niyang mapag-isip. Gusto rin niyang mapag-isa. Nang hindi pa rin siya makatulog, minabuti niyang lumabas muna at magpahangin sa may swimming pool. Doon, tahimik siyang makakapag-isip habang pinagmamasdan ang mga bituin sa malawak na kalangitan.
"Senyorita Roni, heto na po ang juice ninyo" ---magalang na wika ng isa sa kanilang mga kasambahay.
"Salamat Yaya,, ahmmm... Pwede po ba kapag may naghanap sakin o tumawag sa telepono pakisabi na lang po na nagpapahinga na ako"--magalang na pakiusap niya sa matandang katulong
"Sige po" --at nakangiti na itong tumalikod sa kanya.
Naupo siya sa gilid ng swimming pool. Inilubog sa malamig na tubig ang kanyang mga paa. Nilaro-laro niya ang malamig na tubig at masayang nagtampisaw doon.
Maya-maya ay muling bumalot sa kanya ang kakaibang lungkot. Masakit isipin at masakit tanggapin na nagkamali siya. Sa simula pa lang, nasa kanya na ang pagkakamali. Una, siya ang unang nang-akit kay Borj. Kahit lasing siya noong gabi, alam niya na ginusto niyang halikan ang binata. At,bilang lalaki,hindi marahil nito napigilan ang emosyon kaya nadarang na ito sa apoy na sinindihan ni Roni. Pangalawa, hindi niya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag ang lalaki tungkol sa nangyari sa kanila. At pangatlo, hinusgahan niya si Borj na may ibang babae.
Sobra-sobra ang bigat ng kalooban na nararamdaman niya sa gabing 'yun. Hindi na niya napigilan ang pagbalisbis ng mga luha sa kanyang mga pisngi.Ganunpala ang LOVE.. Masarap, mahirap at masakit.. Patuloy lang niyang pinakawalan ang kanyang mga luha. Hinayaan niyang maglakbay ang kanyang diwa. Walang patid na buntong- hininga ang pinakakawalan niya sa tuwing maiisip ang masakit na kinahinatnan ng samahan nila ni Borj.
SAMANTALA
"Magandang gabi po.Pwede ko po bang makausap si Roni"--pakiusap ni Borj sa matandang babaeng bumungad sa kanya.
"Naku sir!Pasensiya na po.Ipinagbilin po kasi ni Senyorita na magpapahinga na siya"--Sambit naman ng matandang kasambahay.
"Nakikiusap po ako.Pakisabi po nandito si Borj"---tila pagmamakaawa pa ng binata sa matanda.
"Pero Sir,hindi na po siya pwedeng abalahin kasi po,nagpapahinga na siya"--mariing paliwanang na muli ng matandang katulong.
"Kaya nga po nakikiusap ako!Tulungan ninyo po ako kailangan ko lang pong makausap si Roni"--- halata na sa boses ni Borj ang matinding pagmamakaawa.
"Anong nangyayari dito?!"----tanong ni Charles.Sabay na napalingon ang matandang katulong at si Borj sa pinanggalingan ng tinig.
"Eh sir, g-gusto daw pong makausap si Senyorita Roni.Kaya lang po---"
"Sige ako nang bahala dito"---mabilis na putol ng amo sa sinasabi ng kasambahay.
"Sige Sir"--at pumasok na muli sa loob ng bahay ang babae.
Nang masigurado ni Charles na wala ng ibang tao sa paligid, saka lang muli niyanghinarap ang binata at pormal na nagsalita.
"Anong kailangan mo sa anak ko?'---seryosong tanong nito.
Buo ang loob at boses ni Borj na tiningnan ang Daddy ni Roni at saka magalang na sumagot.
"Sir...pwede ko po ba kayong makausap!?"---diretsang sagot niya sa matandang lalaki.
Abala ang isipan ni Roni sa pag-iisip.Inaaaliw niya ang sarili sa pagmamasid sa mga bituin at buwan na nagbibigay liwanag sa madilim niyang paligid.Paminsan-minsan ay aabalahin niya ang sarili sa pagtatampisaw sa tubig ng pool.Nasa ganun siyang sitwasyon nang marinig niya ang mahinang boses sa kanyang likuran.
"Hi Roni"---
Agad siyang napalingon.Pamilyar na pamilyar sa pandinig niya ang boses na 'yun.Napatayo siya mula sa kinauupuan sa labis na pagkamangha.
"Anong ginagawa mo dito.S-sinong nagpapasok sayo?Paano ka nakapasok?"--sunod-sunod na tanong niya sa binata.
Sa halip na sumagot ay tahmik itong lumapit sa dalaga.
"Pinapasok ako ni Daddy....I mean ng Daddy mo"--bulong nito sa kanya.
OMG Roni..Ang lapit na naman ni Borj.Oh,madadarang ka na naman.Pwede ba Roni,lumayo ka nga sa kanya.Baka hindi mo na naman mapigilan ang sarili mo.Halikan mo na naman ang napakagwapong lalaking iyan.Dahil sa isiping yun.Naisipan niyang lumayo sa binata.Umupo siyang muli sa gilid ng pool at inabala na lang muli ang sarili sa pagmamasid sa mga bituin.
"Ano bang kailangan mo"---mahina ang tanong niyang iyon.Hindi niya kasi alam kung paano ba niya haharapin si Borj.Pero sa kalooban niya,unti-unti nang sinusundot ng kilig ang puso niya.
Hindi sumagot ang lalaki.Sa halip,umupo din ito sa tabi ng dalaga.Tumingin din sa kalangitan at nilibot ng tingin ang mga maliliit na bituing tumatanglaw sa kanilang dalawa.
"Alam mo Roni-" simula ng lalaki habang nakatingala pa din.
"Dati...hindi ako naniniwala sa love.."--diretsong sabi nito.Pagkatapos ay naramdaman niya na humugot ito ng malalim na buntong-hininga saka seryosong nagpatuloy sa pagsasalita.
"Until one night, i found the girl who made me believe that love is a real thing.Hindi nakikita,pero nararamdaman.Hindi ko alam at hindi ko rin ineexpect , na dahil sa isang gabing 'yun mababago ako Roni. Nagkaroon ng direksyion ang buhay ko.Naging seryoso ako sa lahat ng bagay,nung makilala kita"---at seryoso itong tumitig sa kanya.
Hindi alam ni Roni ang sasabihin sa binata.Tahimik lang siyang tumingin dito at inaarok ang katotohan sa sinasabi ng lalaki.
Naramdaman niyang hinawakan ng binata ang kamay niya.
"Ang nangyari satin Roni,hindi laro lang.Hindi lang dahil lasing ka,at hindi rin dahil lasing ako.Alam ko,Mahal mo ako Roni,nararamdaman ko yun sa halik at yakap mo.I'm addicted to you Roni.To your lips,to your smile and to your love.Mahal na mahal kita Roni..."----mahabang salaysay ng binata sa kanya habang titig na titig ito sa mga mata niya.Hindi niya naiwasan ang pagpatak ng mga luha niya.Hinayan lamang niyang umagos ang mga luhang iyon.Walang pagsidlan ng kagalakan ang nangingibabaw sa puso niya.
"Totoo bang lahat ang sinasabi mo Borj"---naiiyak pa rin na tanong niya.
"Oo naman Roni.Nung una pa lang kitang nakita na kasama ni Cheska, naagaw mo na ang atensyon ko.Sabi ko nung tumutugtog ako,ang ganda-ganda mo.Balak ko nga sanang magpakilala sayo nung gabing yun kaya lang lasing na lasing ka.Kaya nung nakita kitang mag-isang pumasok sa bahay,sinundan kita Roni."----mahabang kwento nito.
"Sa sobrang kalasingan, natumba ka na,at nandun ako para saluhin ka.Kaya lang!"--saglit nitong binitin ang anumang sasabihin..
"Kaya lang ano??"---kunot noong tanong ni Roni.
"Nung ako ang nahuhulog sayo,hindi mo ako sinalo"---nangingiti na si Borj habang nagsasalita.
"Totoo ba na love mo ako"--muling tanong niya sa binata.
"Oo Roni,seryoso ako!"--
"Mahal mo ako kahit wala akong boobs?"-- nakangiting tanong niya sa lalaki.
Nakita niyang lumuwang ang ngiti ng binata at pilyong ngumiti sa kanya.
"Ahmmmmm.Pwede na"---at sinundan nito ng mahinang pagtawa ang sinabi.
"Borj,mahal din kita'--direktang pag-amin niya sa lalaki.
Buong tamis na ngumiti si Borj sa kanya.
Dahan-dahan siyang kinabig ng binata at inihilig sa balikat nito at magkasama nilang pinagmasdan ang mga bituin sa malawak na kalangitan.
_____WAKAS_____
Hanggang dito na lang mga sissy...Sobrang busy kaya tinapos ko na.Anyway, abangan na lang po 'yung next story ko.
Salamat pa rin po sa inyong komento,pagboto at pag follow...Kayo po ang inspirasyon ko.Maraming Salamat Po!
Hanggang sa muli....
Love,
SpunkySpirit
BINABASA MO ANG
💖ALL ABOUT LAST NIGHT💖
RomanceParty girl si Roni. Kung nasaan ang party., Tiyak nandun siya. Para sa kanya, Hindi Niya kailangan ang magtrabaho. I-enjoy Lang dapat ang buhay. Sa madaling salita, walang direksyon ang buhay Niya. Until one night, he woke up in a bed. Hindi Niya Al...