3rd Chapter

379 29 0
                                    

Pagdating sa loob ng bahay, tumambad ang mamahaling kagamitan na nakadagdag pang-akit sa mga Mata ng bisita. Napakaganda ng loob ng bahay  na iyon. Sigurado siya na Kung mayaman sila ni Cheska, natitiyak Niya na mas mayaman ang may-ari ng bahay na 'yun.

"Ang gaganda Naman Ng mga gamit dito" -paghanga Niya habang patuloy na inilibot ang mata sa paligid ng loob ng bahay.

"Mahilig Kasi si Tita Cory  sa mga  gamit.May kaluhuan din Kasi."- naiiling na pahayag ng kanyang kaibigan.

"Eh bakit ba may party?" -tanong Niya.

"Dumating Kasi Yung  pinsan ko na engineer sa ibang bansa.Eh,Alam mo Naman ang trabaho ng mga magulang sa ngayon.Para lang makapagpasikat eh patawag agad ng party"-naiiling na wika ni Cheska.

Malungkot na Muling nag flashback ang Lahat sa isipan ni Roni.Sa bahay Nila,Hindi kailanman nagkaroon ng party.Kahit nung bata siya.Humahanap ang daddy Niya ng ibang venue tuwing may occasion.Most of the time,kapag birthday Niya,nagcecelebrate sila sa mamahaling restaurant or hotel para lang gawing private ang celebration.Pili lamang ang mga bisitang dumarating.Kadalasan,ilang relatives,family friends at business partner lang ng Daddy Niya ang naiimbitahan sa mga importanteng okasyon sa buhay Niya.Napukaw  na muli ang isipan ni Roni nang marinig na magsalita ang kaibigan.

" Ok Roni,time to party,let's drink..." -sabay kuha nito ng ng dalawang baso ng champagne sa waiter na dumaan na sadyang lumilibot sa paligid ng bahay  para magdulot sa mga panauhin.

Ilang sandali silang nag-stay sa loob ng bahay para hintayin Sina Mark at Leslie.Maya-maya ay nakatanggap sila ng text message galing Kay Leslie na Hindi na ang mga  ito makakarating sa party.Naiinis na napakamot sa ulo ang tomboy na kaibigan.

'kahit kailan talaga itong si Leslie,magulong kausap.Ang ayos ng usapan namin kanina tapos ngayong Gabi saka nag back-out.Haiiii mga babae nga Naman"-narinig niyang himutok dito.

" Babae ka din Naman ah"-wika Niya dito.

Nakita niyang naasar sa kanya ang kaibigan.

" Iw,,Hindi noh." -nakasimangot na Sabi nito.

lihim siyang napangiti.Maganda Naman Sana si Cheska,boyish nga Lang.Simula sa pagkabata ay sila na Ang naging magkaibigan kasama si Leslie,dahil Kinder to highschool ay magkakaklase na sila at seatmates pa.Kaya madali silang naging malapit sa isa't-isa.Hindi naging issue para Kay Roni Kung tomboy man ito.Maganda ang itinakbo ng samahan nilang tatlo.Dahil kahit nakapagtapos na sila ng highschool buo pa Rin silang tatlo at sama-sama pa Rin sa anumang lakaran.

"Tara nga!dun Tayo sa pool.Manood Tayo ng banda doon" -sabay hila sa kanya ng kaibigan.

Pagdating sa may pool,bahagyang madilim.Tanging disco lights ang tumatanglaw sa mga naroroon.Rock Ang tugtugin ng banda.Lumalalim na Ang Gabi,nababawasan na Ang mga bisita dahil nagsisimula nang magsi uwi ang mga oldies na bisita.Iilan na Rin silang mga bagets na natitira.Kung pakonti-konti na lang ang bisita,at palalim ng palalim ang Gabi,padami Naman Ng padami ang naiinom na champagne Nila ni Cheska.
Nagsisimula nang maningkit ang kanyang mga Mata dahil sa tumatalab na espirito  ng Alak sa kanyang katawan at utak.Nagsisimula na ring manghina si Roni.Tumingin siya sa relong pambisig.Alas -dose y media  na ng Gabi.Tuloy pa Rin sila ni Cheska sa pag-inom.Para sa kanila dapat i-Enjoy lang ang Gabi.

"Teka,Cheska.bakit wala akong nakikilalang  Tita at pinsan mo dito."-takang tanong Niya dito.

"Si  Tita Cory nasa loob hindi Kita naipakilala kanina Kasi madami siyang bisitang inaasikaso kanina.'Yung pinsan ko Naman hayun---"
Naputol ang sasabihin ng kaibigan dahil biglang nag ring ang cellphone nito.

"Excuse Lang Roni ha.Si mommy tumatawag" -saglit na lumayo sa kanya si Cheska para sagutin ang tawag Ina.Noon Niya napag-ukulan ng pansin ang banda na kumakanta ng Isang rock song.Naagaw ang atensiyon Niya ng Isang lalaking nagigitara.Kahit medyo  madilim sa Lugar,nakikita pa Rin Niya ang mga ito dahil sa bahagyang liwanag na tumatanglaw sa Lugar ng mga ito.

"Wow..Cute!" -natatawang Sabi ni Roni sa sarili sabay tungga ng hawak na champagne.Maya-maya ay lumapit na muli sa kanya ang kaibigan.

"Roni,Roni" -sunod-sunod na tapik nito sa balikat Niya.Hindi Kasi agad Niya napansin ang paglapit nito.At Hindi Rin Niya mawatasan ang sinasabi nito dahil sa lakas ng tugtog ng banda.Naiinis niyang nilingon ang kaibigan.Kung kelan Naman naaaliw siyang titigan ang gitarista nung banda saka Naman siya nito inabala.

"Bakit ba" -naiinis na tanong Niya dito.

"Si Mommy Kasi,nagpapahatid pauwi sa bahay.Pinauna na Kasi Niya Yung driver Niya.Gusto mo na bang umuwi?isasabay na Kita Kung gusto mo ng umuwi.oh,Kung ok Lang din Naman sa'yo,dito ka na lang muna at  babalikan Kita dito pagkahatid ko Kay Mommy.Ano sa palagay mo--

"Ahmm...dito na lang muna ako Ches,babalik ka Naman pala eh" -parang wala sa sarili na nawika na lamang Niya.

Naramdaman Niya na hinawakan siya ng kaibigan.

"Roni,dito ka Lang ha.'wag Kang aalis dito.Ihahatid ko Lang sandali si Mommy tapos babalik ako.promise behave ka"-tila puno ng pag-aala ang boses na 'yun ng kaibigan.

" Oo naman.behave Naman talaga ako ah" -natatawang sagot Niya dito.

Tumayo na si Cheska para iwan siya.Habang nag-iisa siya sa.mesa,Sunod-sunod na tungga ng panibagong champagne ang ginawa Niya.Lunod na lunod ang isipan ni Roni sanhi ng mga naiinom  na Alak.At aminado siyang tumatalab na sa kanyang katawan ang epekto nito.Maya-maya ay tumigil na sa pagtugtog ang banda.Napakunot noo siya.Bitin na Naman sa tugtugan.Kung kailan Naman naeengganyo siyang pagmasdan ang isa sa gitarista ng bandang 'yun saka Naman naghulagpusan ang mga itong tapusin ang tugtog.Lumingon  si Roni sa paligid.Mangilan-ngilan na lamang pala ang mga bisitang naroon.

Nang makaramdam siya ng pagkainip.Naisipan niyang tumayo para humanap ng Comfort Room.Sa kanyang pagtayo Noon Niya lubusang  napagtanto na lasing na lasing na pala siya.Natalo na Ng Alak ang lakas ng katawan Niya.Pero Pinilit niyang tumayo at maglakad sa loob ng bahay para doon humanap ng C.R.Maliwanag sa kabahayan at napansin Niya na halos ubos na Rin ang mga  bisitang naroon kani-kanina lamang.Kahit maliwang ang kabahayan,hirap siyang tukuyin Kung Saan may CR.Dahil ang totoo,nanghihina siya sanhi ng Alak.Pati ang ulo Niya ay bumibigat na sa sobrang sakit.Nahihilo na siya at naramdaman Niya na pinagpapawisan siya ng malamig.Kahit ramdam na ramdam Niya na tila masusuka na siya.Minabuti niyang lumapit na lang sa sofa para doon muna pansamantala magpahinga.Dahan-dahan siyang lumakad habang ang mga kamay ay nakakapit sa anumang bagay na mahawakan niya.Sinikap niyang  maglakad.Kailangan makapunta siya sa sofa bago siya tuluyang  matumba.
Pero sa kabila ng pagsusumikap niyang makarating sa sofa,oh anumang upuan na naroon ay nabigo siya.Tuluyan ng  inagaw ng Alak ang buong lakas Niya.Nasapo Niya ang ulo at maya-maya nga ay natumba na siya Hindi pa man nakakarating  sa sofa na nais niyang puntahan.Mabuti na lamang at may mga bisig na sumalo sa kanya nang Hindi na Niya namalayan pa.

Happy Reading .mga sissy😁😁😁
Comment down and feel free to vote!

💖ALL ABOUT LAST NIGHT💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon