9th Chapter

344 31 2
                                    

Pauwi na sila sa bahay nang gabing 'yun. Tahimik lamang si Roni sa loob ng sasakyan. Tahimik lang din si Borj. Pero si Cheska, likas ang pagkataklesa. Nagulat siya sa mga itinanong nito. Palibhasa ay madami ding nainom ang kaibigan, halatang halata ang kakulitan nito.

"Uy Roni, mukhang type ka nung guy kanina ah" --tila nanunudyo pa ang tinig nito.

" Sus, sorry hindi ko siya type"--at sinundan niya ng mahinang tawa.

" Kinuha ba ang number  mo,?" -ungkat ulit ng kaibigan.

"Oo.. Kinukuha pero hindi ko ibinigay" --sagot niya.

"Bakit hindi mo binigay? Sayang, baka manliligaw sayo eh di magkakajowa ka na"--at sinundan nito ng hagalpak na tawa ang sinabi.

Napakamot na lamang siya ng ulo. Grabe ang kakulitan ni Cheska.

"Ano pang sinabi sayo sis" --tanong na naman nito.

"Wala, sabi niya mas mapapadalas daw ang pagpunta niya sa bar, para makita niya ako"--nakangiting kwento p ni Roni.

Hindi na napigilan ni Borj ang pananahimik. Sumabat na ito sa usapan.

"Cheska, bakit hindi ninyo subukang bumisita sa resto-bar ko. May gig din ang banda ko every Saturday Night"--alok nito sa pinsan. Sumigla ang mukha ni Cheska at masayang-masaya na humarap sa Pinsan.

"Talaga pinsan! Seryoso ka  ha. Libre ba kami diyan " -- pangungulit na naman ni Cheska.

" Aba siyempre, kayo pa! "--seryosong wika ni Borj. Sabay tingin sa rearview mirror para sulyapan si Roni. Hindi naman akalain ng dalaga na magtatagpo na naman ang paningin nila. Mabilis niyang iniiwas ang tingin dito.

(OMG ano ba 'yang nararamdaman mo. Naku Roni... Certified in-love ka talaga. Anong gagawin mo. Di ba sinabi na ni Cheska sayo, Si Borj ay maling tao. Kung mag boboyfriend ka, piliin mo yung lalaking marunong magseryoso.)

Tama ba ang nararamdaman niya. in-love nga ba siya kay Borj. Sabagay, hindi naman imposible na ma-inlove siya sa binata. Una, attractive si Borj. Napakagwapo. Napakalakas ng sex appeal para kanya.Hindi man niya masasabing mabait ito o gentleman,masasabi naman niyang mabuting tao ito.

"Sige,Roni sa Saturday labas tayo ha..punta tayo sa resto bar nitong pinsan ko"-- si Cheska..

" Sige"--naiilang na sagot niya sa kaibigan.Muli siyang sumulyap sa rearview mirror.ng sasakyan,at muli..nakita niyag nakatingin pa rin sa kanya ang gwapong si Borj.

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
Dumating ang araw ng Sabado.Araw ng muling paglabas nina Cheska.May kung anong pananabik sa puso niya.ang nangingibabaw sa araw na'yun.Siyempre,makikita niya si Borj.Maaga  pa lamang ay pinaghahandaan na ni Roni ang lakad na 'yun.Pumili siya ng damit na isusuot.Yung magiging maganda at  kaakit-akit siya sa paningin ng iba.Lalo't-higit sa paningin ni Borj.

Alas sais pa lamang ng hapon ay dumating na si Cheska para sunduin ang kaibigan.Mabuti na lamang at nakapagbihis na siya nang maaga kaya hindi na ito naghintay pa ng matagal sa kanya.

"Kasama ba sina Leslie at Mark?" --tanong niya dito.

"Tinawagan ko sila,kaso hindi daw makakasama.May aasikasuhin daw sila eh"--sagot ng kaibigan.

Sa madaling salita.Sila lang ni Cheska ang pupunta kina Borj ngayon.Hindi ba nakakahiya.Bakit parang bigla siyang nailang sa isipin na 'yun.Nagkibit balikat na lang siya.'Di bale na ang mahalaga,makita niya si Borj.

May kalayuan ang resto-bar njna Borj.Ilang oras din ang itinagal ng biyahe nila ni Cheska.Hanggang sapitin na nga nila ang resto-bar na sinasabi ni Borj.Maraming bagets ang nasa labas.Tiyak na mas maraming tao ang  nasa loob.Bumaba sila ni Cheska ng sasakyan.Hindi nila namalayan ang paglapit sa kanila ni Borj.

💖ALL ABOUT LAST NIGHT💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon