10th Chapter

332 26 6
                                    

Tirik na ang araw nang magising si Roni. Kakaiba ang naramdaman niya sa sandaling iyon. Masakit ang kanyang katawan.
"Shit Roni!" -mura niya sa sarili.

Napagtanto niya na wala siyang saplot sa katawan. Napansin din niya ang ilang patak ng dugo na nasa kama.

Napakagat labi siya kasunod nang pagpatak ng kanyang luha.

"Ang t**ga mo Roni" --muli'y sisi niya sa sarili.

" Ang gaga mo talaga! Bakit mo hinayaang mangyari 'yan. Bakit mo isinuko ang Bataan"--tudyo ng utak niya.

Mariin siyang napapikit at muling inalala ang nangyari noong nagdaang gabi.

Natatandaan niya ang matamis na halik ni Borj. At mahigpit nitong yakap. Ang nakakakilig nitong paghaplos sa kanya. Nakakakilig sana.... pero nasaan na ngayon si Borj. Bakit mag-isa lang siya sa silid. Tinakbuhan na ba siya agad ng binata. Pinagtaguan, iniwan, o di kaya naman ay pinagtatawanan. Kumurot sa puso niya ang mga isiping yun. Ano pa ngayon ang ipagmamalaki niya sa mga lalaki? Ano pa ngayon ang mukha niyang ihaharap kay Borj?
Sunod-sunod at mabilis ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

"Kung nag-iisip ka ba naman sana Roni." --muling sisi ng utak niya. Bumangon siya sa higaan at mabilis na nagbihis. Lumabas siya ng silid na 'yun at hindi na niya pinansin ang makahulugang tingin ng mga taong nasasalubong niya sa loob ng resto-bar.
Paglabas niya, nakita niya agad si Borj. Nakatayo ito sa unahan ng kotse. Nakahalukipkip at tila malalim ang iniisip.
"Shit" --marahang usal niya. Binilisan niya ang paglakad upang makaiwas at ng hindi siya mapansin ni Borj. Subalit, hindi siya nakaligtas sa paningin nito at agad ding lumapit sa kanya.

"Roni, can we talk" --pigil nito sa braso niya.
Sumenyas siya ng taxi sa halip na sumagot. Ni hindi niya nagawang tingnan ang binata.

"Roni, ihahatid kita. Mag-usap tayo please" --himig nakikisuyo ang boses ng binata. Pinalis niya ang kamay ni Borj at saka direktang sinalubong ang mga mata nito.

"Borj, lasing ka, lasing ako. Walang love dun ok!.. Its just happened"--at mapait ang ngiting iginawad niya sa binata bago tuluyang sumakay sa taxi na tinawag niya.

Walang kibong hinabol na lang ng tingin ni Borj ang taxing sinasakyan ng dalaga. Maya-maya ay ubos lakas nitong sinipa ang gulong ng kotse. Inis na inis siya, dahil alam niya sa puso at isip niya. Kailangan niya si Roni.

PAGDATING sa bahay,mabilis siyang nag-shower.Malilinis ba ng mga tubig na 'yun ang nangyari sa kanila ni Borj?hindi...Gustuhin man niyang kiligin sa bawat tagpo na kasama niya si Borj hindi niya magawa dahil pinangungunahan siya ng takot.Paano kung ipinamamalita na ni Borj na easy to get lang pala siyang klase ng babae.?Paano kung sabihin nito ang nangyari sa kanila kagabi kina Leslie,Mark lalo na kay Cheska.at the worst,,paano kung magbunga ang namagitan sa kanila ni Borj..Paano ka na Roni????

(Haiiii..Roni...Bakit naman kasi sa dinami-dami ng lalaki,kay Borj pa.Di ba malinaw na sayo na hindi marunong magseryoso 'yun.Naku Roni,napunta lang sa maling tao ang virginity mo)--asar ng utak niya.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga.Wala na siyang magagawa.Nangyari na ang nangyari.At siguro naging agresibo lang siya,dahil alam niya sa sarili niya na Mahal niya si Borj.

Hindi lumabas si Roni sa maghapong 'yun.Nasa loob lang siya ng kwarto.Binawi niya ang puyat noong ngadaang gabi.Medyo masakit pa rin ang katawan niya.Pagod naman ang isip niya dahil sa mga negatibong isipin na nag-uunahan sa utak niya.Masakit din ang puso  niya,dahil sa isiping wala namang pagmamahal sa kanya si Borj.Nangyari lang talaga.Nanood na lang siya ng T.V maghapon.Pinilit niyang libangin ang sarili kahit minsan ay pabalik-balik sa kanyang gunita ang nangyari noong nagdaang gabi.Maya-maya ay nakarinig siya ng mahinang katok sa pintuan ng kanyang kwarto.

"Tuloy,bukas iyan"--walang ganang sagot niya.Pumasok ang isang unipormadong babae.Isa sa mga katulong nila sa bahay.

Hindi niya ito pinansin sa halip ay ipinagpatuloy ang panonood ng T.V habang patuloy sa pagkain ng sitsiriya.Lumapit sa kanya ang katulong at saka maluwang ang ngiting nagsalita.

"Senyorita, may bisita po kayo"---nakangiti nitong sabi.

Hindi naman niya pinsansin ang babae.Sa halip,tumingin siya sa relong pambisig.Nagulat siya,alas-siete na pala ng gabi..

"Sino ba si Leslie o si Cheska?Papasukin mo na lang dito"--wala sa sariling nasabi niya.

"Eh, Senyorita.Hindi po si Mam Leslie at Mam Cheska.Lalaki po eh.Ang  gwapo-gwapo po.Si Borj daw po"--tila kinikilig pang ulat ng katulong.Agad siyang napalingon sa babae.Totoo ba ang narinig niya.Pinuntahan siya ni Borj.

"Senyorita boyfriend ninyo po ba?naku po,ke gwapo-gwapo" --nakatawa pang pag-uungkat nito sa kanya.
(Haiiii kung hindi lang maedad ang babae baka nasagot na niya ito.Tinatamad siyang tumayo,pinatay ang t.v para ayusin ang sarili at lumabas ng kanyang silid.Tahimik lang siyang bumaba  ng hagdan.Nakita niyang abala si Borj sa pagmamasid sa mga pictures na nakalagay sa picture frame sa may table nila.Hindi nito napansin ang paglapit niya.

"Anong gjnagawa mo dito?" --mataray na tanong niya sa binata.Humarap naman ito sa kanya.

(OMG Roni,angbgwapo-gwapo talaga lalo na kapag naka dilaw.Fresh na fresh ang looks at ang bango bango pa)--sulsok ng baliw na yatang utak niya.

"Goodevening Roni"--alangang bati nito sa kanya.

"'di ba sinabi ko naman sayo Borj wala tayong dapatoag-usapan" --mataray pa ribg wika ng dalaga.

"" Roni,mag-usap naman  tayo please!'Yung nangyari kagabi---"naputol  na ang sasabihin pa ni Borj dahil hinarang na yun ni Roni Hindi na niya binigyan pa ng pagkakataong  magsalita ang lalaki.

"Borj,kung anuman yung nagyari,nangyari lang yun dahil lasing ka at lasing ako.Wag kang mag-alala,hindi  naman kita guguluhin nang dahil lang dun.Hinihiling ko lang sayo ,wag mo na lang iparating sa kaibigan ko ang kalokohang yan.at kung pwede lang Borj,wag ka nang magpapakita pa"---'yun lang ang sinabi niya at mabilis na siyang tumalikod sa binata.

" Pero Roni-" ---pigil pa  sana ni Borj sa kanya subalit  iniwan na siya nito.

Napailing na lang si Borj habang tinatanaw ang dalaga.Laylay ang balikat niyang lumabas  ng kabahayan at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

SAMANTALA pagdating sa silid.Napaisip nang malalim si Roni.Tama ba ang ikinilos niya.Tama ba ang mga sinabi niya kay Borj.Tama ba ang ginawa  niya na 'wag bigyan ng pagkakataong magsalita ang lalaki.
(haiiii Roni,sablay ka na naman.Hindi ka kasi marunong mag-isip.Sana pinakinggan mo ang anumang sasabihin ni Borj.Malay mo balak ka palang pakasalan sa lahat ng simbahan dahil sa nangyari sa inyong dalawa)---naiiling na naman siya sa itinatakbo ng utak niya.

Paano naman siya pakakasalan ni Borj.Hindi nga niya ito boyfriend eh.Saka di nga ba,si Borj ang tipo na hindi marunong magseryoso so,paanong mangyayari na pakakasalan siya nito sa lahat ng simbahan.

(Haiii Roni,wala ka ngang boobs di ba!so paano ka papakasalan ni Borj.Saka girlfriend ka ba niya?hindi naman di ba!Tama na Roni.'wag kang ambisyosa)--majtol ng mga utak niya.

Inis na inis siya sa sarili.Sa sulok ng isipan niya  ay may bahid ng panghihinayang.Bakit nga ba hindi niya binigyan ng pagkakataong pakinggan si Borj kung anuman ang gusto nitong sabihin.

Muli na namang humaplos sa puso  niya ang lungkot.Paano nga ba kung hindi na muling magpakita pa sa kanya si Borj?Paano kung kalimutan na nga lang ng lalaki ang nangyari sa kanila.Paano kung mabuntis siya?Paano na ang magiging anak niya,lalaki na lang ba itong walang  kikilalaning ama?
Mariin siyang napapikit dahil s asobrang takot sa isiping 'yun....
Humiga siya sa kama.Saglit na nag-isip.Paano kung kausapin na lang kaya niya si Borj at humingi na lang siya ng sorry sa mga nasabi niya.
Maya-maya ay dinampot niya ang telepono at nag-dial ng number.

"Hello Cheska" --bati niya sa kaibigan sa  kabilang linya.

Hellow mga sissy...Abangan ang susunod na mangyayari..Kapit lang..Continue to vote..Happy Reading!


💖ALL ABOUT LAST NIGHT💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon