2nd Chapter

417 31 0
                                    

Malalakas na ring sa telepono ang nagpagising Kay Roni sa umagang 'yun. Agad siyang bumalikwas ng bangon at pikit matang iniangat ang telepono.

"Hello"- bati Niya habang nakapikit pa Rin ang mga mata.

"Oh, kumusta ka girl... Grabe amats mo kagabi ah, "-narinig Niya ang mahinang tawa ng kaibigan sa kabilang linya. Si Cheska 'yun.

"Ok Lang at least enjoy" -wika Niya.

"May Alam ulit akong gimik tonight,join ka ba?"-yaya na naman nito sa kaibigan.Para siyang nabuhayan ng dugo.Mabilis siyang bumangon sa pagkakahiga.Nasapo Niya ang ulo nang maramdamang masakit at mabigat ang pakiramdam ng ulo Niya.Dala marahil sa sobrang kalasingan kagabi.

"Ahm...San ba 'yan?" -tanong Niya habang  hawak pa Rin ang masakit na ulo.

"Malapit Lang 'to girl..Sa bahay ng pinsan ko.May party sa bahay nila mamaya,ano sama ka?" - tila mapanuksong yakag na naman nito Kay Roni.

"Sige..tingnan ko Kung makakalabas ako mamaya.Medyo,,masakit ang ulo ko."-sagot Niya sa kaibigan.

" Sus,sige ikaw din.mapaglalamangan ka" -asar na tawa pa nito.

"Sige..sige na..sasama ako..See you later.Nak0ntak mo ba si Leslie?"-

" Oo.'yun pa ba ang magpapaiwan"-wika na naman ng tomboy na kaibigan." eh kahit Saan Naman game 'yun.siyempre, kasama jowa Niya"-at narinig na Naman Niya ang mapanuksong tawa nito.

" Sige..bye.kita na lang Tayo mamaya" -yun Lang at ibinaba na Niya ang telepono.
Umupo siyang muli sa kama.Muli niyang  nasapo ang ulo dahil masakit pa Rin.Maya-maya ay narinig Niya ang marahang katok sa pintuan ng kanyang silid.Pinilit niyang tumayo upang buksan ang pinto.

"Senorita,good morning po.Pinatatawag na po kayo ni Senyorito.Mag-aalmusal na daw po"- wika ni Aling Trina,ang  isa sa.mga kasambahay nila sa bahay na iyon.

"Bakit nandiyan pa si Daddy? Hindi  ba siya aalis ngayon"- takang tanong Niya na may himig pang-iinsulto.

" Bihis na po siya.Gusto lang daw po kayong makausap?"-muling wika nito.

" Sige,bababa na ako"- Nagsuklay lamang siya ng buhok at lumabas na Rin ng kanyang silid.Walang-imik siyang dumulog sa hapag-kainan at sumubo ng tinapay at humigop ng mainit na kape.Ni Hindi man Lang nagawang sumulyap o batiin ang ama na nasa harap din ng mesa.

"Roni,lumabas ka na Naman kagabi.At lasing na lasing ka pa"-mahina ngunit madiin ang tinig na 'yun ng Daddy Niya.Ni Parang  wala siyang narinig sa halip ay tuloy-tuloy lang sa  pagkain.

"Roni,nakikinig ka ba?" -bahagyang tumaas ang tinig na yun ng Daddy Niya.

" Yes daddy,nakikinig Naman ako ah" -pero Hindi man Lang Niya tinapunan ng tingin ang daddy Niya.Sa halip,itinuloy lamang ang pagkain at pag-inom ng kape.

"May out of town business meeting kami ng tito Gary mo.Ilang weeks din kaming mawawala.Gusto ko maging responsible ka Naman kapag wala ako."-seryosong bilin ng ama habang nakatitig sa kanya.Patuloy lang siya sa ginagawang pagnguya.Napabunting-hininga na lang si Charles at ipinagpatuloy ang pagkain.Ayaw niyang makipag-away sa anak Lalo at aalis siya.Ayaw niyang umalis  na masama ang loob nito sa kanya.

Samantala,nais magdiwang ng isipan ni Roni .Kung wala ang Daddy Niya.Mas Malaya niyang magagawa  ang anumang bagay na gusto niyang gawin.Subalit sa kaibuturan ng kanyang puso,gumuhit ang mapait na katotohanan na kapag umalis ang Daddy Niya,mag-isa na lang ulit siya.

(Haiiii Roni kelan Kay'a magkakaroon ng kulay ang mundo mo)-sigaw ng utak Niya.

Kasalukuyan silang nasa gitna ng pagkain nang marinig Nila ang malakas na busina ng sasakyan sa labas ng bahay. Hudyat na naroon na si Tito Garry(kapatid ng Daddy Niya).

"Paano Roni,I have to go hija..Bye!" -at humalik ito sa buhok ng anak at mahigpit na Yumakap.
Nagkibit balikat Lang si Roni.Ni Hindi ito humalik sa ama o gumanti man Lang ng yakap.Pinagmasdan Niya ang ama Hanggang makalapit sa may pintuan.Saka Niya naisipang magsalita.

"Goodbye Daddy,take Care" -
,
Dahil sa sinabing 'yun ni Roni.Muling napalingon ang daddy Niya.Nginitian niya ito bago tuluyang lumabas ng bahay.

Itinuloy lang Niya ang ginagawang pagkain.Napaisip din Naman siya.Sa ilang taong pagsasama  nilang mag-ama masasabi Niya na napakabait nito.Sa Lahat ng kagaguhang ginawa Niya never siya nitong sinaktan o tinangkang pagbuhatan ng kamay .Kung nagagalit man ito,ang pinakamatindi nitong ginawa sa kanya ay ang pagtaasan lamang siya ng boses.Iyon marahil ang dahilan Kung bakit lumaki siyang ganun ang pag-uugali.Dahil noong bata siya,bigay Lahat ang kanyang luho.Naging spoiled-brat siya at ngayon puro pasakit  Naman ang isinusukli Niya sa napakabuting ama.

Alam Naman Niya na Ang Lahat ng ginagawa nito ay para sa kanya.Para mabigyan siya ng magandang kinabukasan.Hindi nga lamang Niya tanggapin sa sarili ang katotohanang 'yun dahil una sa Lahat,nangingibabaw  na sa kanya ang hinanakit sa ama.Dahil kahit ang oRAs nito  para sa kanya bilang anak ay nagawa nitong isakripisyo  para lamang palaguin ang mga negosyo na para daw sa kanya pagdating ng panahon.

GABI...Narinig  niyang nag ring ang telepono.Agad Niya itong  iniangat .
"Hello" - bati agad Niya.

"Are you ready to party?" -agad niyang nabosesan ang  tibo niyang  kaibigan.Tila nanunukso ang boses nito sa pagyayaya  na lumabas na Naman sila.

"'wag mong Sabihin sakin na Hindi ka sasama.ikaw din,malalamangan ka madaming Alak doon"-sulsol pa ng kaibigan.Tumahimik lang siya habang pinag-iisipan Kung dapat ba siyang lumabas.
"Magtatampo din ako sa'yo niyan  Roni,dun nga sa mga walang kwentang lakaran nakakapunta Tayo eh dito pa ba sa party  ng pinsan ko Tayo mawawala."- halata ang tampo sa himig nito.

" Eh teka nga Kasi Cheska,pinag-iisipan ko pa nga.Wala nga Kasi si Daddy dito sa bahay,pinagbilin Niya sa akin na maging responsable daw ako habang wala siya.So,sa tingin ko dapat lang naman di ba!'"-mahabang paliwanag Niya sa kaibigan.Narinig Niya ang nakakaasar na tawa Ng kaibigan sa kabilang linya ng telepono.

"Alam mo Roni,pinapatawa mo ako.Eh ang tagal na nating lumalabas kahit Wala ang Daddy mo.Tapos  ngayon si Tito Charles ang ikakatwiran mo sakin"-muli ay narinig na Naman Niya ang nang-asar na  tawa nito.

"Sige na,...sige na..oo na..sasama na ako.Ang dami-dami mong sinasabi diyan.Kahit kailan tukso ka talaga.Sige anong oras mo ba ako dadaanan dito sa bahay?"

" 7:00 pm daanan Kita so get ready"-
Si Cheska  bago tuluyang nagpaalam at nawala na sa linya ng telepono.

Pagsapit ng alas-siete ay dumaan nga si Cheska sa bahay.Dala na Naman nito ang sariliNg pulang kotse.

"Oh Tara na Roni.sakay na!" -at ipinagbukas pa siya ng pintuan ng kotse.

"Salamat." -wika ni Roni .Hindi Naman kalayuan ay  narating nina Roni ang bahay  ng pinsan ni Cheska.Pumasok ang kotse sa malawak na grahe na napalilibutan ng iba't-ibang kulay ng mga ilaw.Madaming  bisita sa paligid.Maingay dahil sa tugtog ng banda.Ang kabahayan sa obserbasyon Niya ay may bahaging maliwang,at mayroon ding madilim.Maganda ang bahay siguradong mayaman din ang pinsan ni Cheska.

Nagulat na lang siya ng  biglang may tumapik sa balikat Niya.

"Tara na sa loob" -aya sa kanya ng kaibigan na bahagyang ikinagulat Niya.

"Sina Leslie,nasaan na sila?" -tanong Niya rito.

" Mamaya pa siguro 'yun...malamang nagmomoment pa silang dalawa ni Mark"-at umuna na ito paglakad sa loob ng bahay  at napilitan na lang siyang sumunod dito.

Feel free to leave your comments and
votes!Enjoy reading mga sissy💖💖💖

💖ALL ABOUT LAST NIGHT💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon