Sumakay si Roni ng kotse kinaumagahan. Buo ang desisyon niyang makipag-usap kay Borj. Kahit nahihiya, pipilitin niyang humarap sa binata at lunukin ang pride na meron siya. Gusto niyang pakinggan ang anumang sasabihin nito. Gusto niyang tanggapin anuman ang masasakit na salitang maaari nitong sabihin sa kanya.
(Haiiii Roni. Isa lang talaga ang dahilan kung bakit hindi mo magawang tiisin si Borj.. Kasi nga, mahal mo siya! Kaya kahit anong pilit mong gawing pag-iwas sa kanya, hindi mo talaga magagawa kasi puso ang kalaban mo)---bulong ng maruming isipan niya.
Maya-maya ay nasa tapat na siya ng bahay nina Borj. Hindi agad siya makababa ng kotse. Tila, nangingibabaw pa rin sa kanya ang hiya sa katawan. Mag-isa lang kasi siya. Hindi siya nagawang samahan ng kaibigang si Cheska dahil hindi nito maiwanan ang ina matapos atakihin sa sakit nito. Hindi rin naman niya maisama si Leslie, dahil may importanteng lakad daw naman sila ng boyfriend nitong si Mark. Kaya naglakas loob na rin siyang puntahan si Borj kahit nag-iisa.
Nagdoorbell siya. Isang naka-unipormeng babae ang nakangiting nagbukas sa kanya ng gate.
"Goodmorning po! Ano po iyon Ma'am?" -nakangiti pa ring tanong nito sa kanya.
Kahit naiilang ay gumanti rin siya ng ngiti dito. At saka mahinang nagsalita.
"Ahm... Nandito po ba si Borj. Kaibigan niya po ako" --sabi niya. Pero tama ba namang sabihin na magkaibigan lang sila ni Borj. Kunsabagay, wala naman talagang label ang status ng relasyon nila.
"Nasa may pool po ma'am. Diretso na lang po kayo doon Ma'am" --wika ng katulong. At itinuro ang lugar kung nasaan si Borj.
"Salamat po" --wika niya at gumanti din ng ngiti sa babae.
Marahan siyang lumakad patungo sa may pool. Kahit nanginginig, sinikap niyang makalakad patungo sa binata. Dahil ang puso niya ay lihim na nananabik na makita ang lalaking una niyang pag-ibig.
Ilang hakbang na siya sa may pool. Nakita niya si Borj. Nakatalikod ito habang nakaupo sa isang silya. At hindi ito nag-iisa. May kasama itong babae. Kahit may kalayuan siya, nakikita niya na maganda ito, sexy sa suot nitong damit. Hindi niya akalaing masasaksihan ang sumunod pang kaganapan.Yumakap ang lalaki kay Borj at ginulo pa nito ang long hair ng binata.Kasunod noon ay narinig niya ang malakas na tawanan ng dalawa.Biglang may sumaksak sa puso ni Roni. Ang sakit... Ang sakit-sakit ng nararamdaman niya. Tila, nanlambot ang kanyang mga tuhod. Mabilis siyang tumalikod at lumayo sa lugar na iyon. Muli, ay sumakay siya ng kotse. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ni Roni ang ganung klase ng sakit. Nagseselos na ba siya? Nasasaktan ba siya dahil may ibang babae si Borj ganung may namagitan sa kanilang dalawa. Hinayaan lamang niyang kumawala ang mga luha na nag-uunahang pumatak sa malambit niyang pisngi. para siyang sasabog sa sandaling iyon. Nais niyang sumigaw. Nais niyang sampalin at saktan si Borj. Pero paano niya yun magagawa, may karapatan ba siya? May pagkakataon pa ba siya. Sabagay,
"Gaga ka kasi Roni. Ang arte-arte mo. Nakikipag-usap na nga sayo 'yung tao, eh ipinagtabuyan mo. Who you ka ngayon girl. Wala ka na. Kasi si Borj madaming pampalit sa beauty mo. Nakita mo yung girl sa loob, maganda na sexy pa.Anong laban mo eh wala ka ngang boobs di ba! Mukhang Mas maedad nga lang siya sayo. "---sigaw ng utak niya.. wala sa sariling napalo niya ang manibela ng kotse. Umiyak siya ng umiyak. Nang huminahon, ay saka lang niya pinaandar ang kotse at minabuting umuwi na lamang ng bahay. So ngayon, naniniwala na siya sa kaibigang si Cheska..na maling tao talaga ang inibig niya..Pagdating sa bahay,nakaparada na doon ang isang magarang sasakyan.kung hindi siya nagkakamali,kotse yun ng Daddy niya.Hindi niya alam kubg dapat ba siyang matuwa o mainis sa oagdating ng Daddy niya.Hilam man sa luha ang kanyang nga mata,bumaba siya ng sariling kotse.Tahimik na pumasok sa bahay hindi na niya nilingon pa kung may tao pa man sa paligid.Aakyat na sana siya sa hagdanan nang bigla niyang marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan.
"Roni" --narinig niyang tawag nito sa kanya.Boses ng daddy niya iyon.Tumigil lang siya sa paglakad subalit hindi niya magawang lingunin ang ama.
"Anak,may nangyari ba?" --mahinang tanong nito sa kanya.
Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpatuloy sa kwarto o salubungin ng mahigpit na yakap ang ama.Subalit sa huli,lumambot din ang matigas na pusong-bato niya.Hindi na niya pinigilan ang sarili nang humagulhol siya sa pag-iyak sabay lapit sa ama.
"Daddy,im sorry dad" --umiiyak na yakap niya sa ama.
Sa pagkakataong iyon ay halo-halo na ang nararamdaman ni Roni.Naroon ang sakit ,galit,himutok para lang kay Borj,ganundin ang masakit na sampal sa kanya ng katotohanan ng buhay na hindi sa lahat ng oras ay aayon ang kapalaran sa kanya.Tama nga naman ang Daddy niya.Kailangan niyang masaktan para magising.kailangan niyang masaktan para matuto..Mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap niya sa ama.Tahimik lang din siyang niyakap nito at wala ni anumang salitang sinabi sa kanya.Pero batid niya,na may mabigat na suliranin ang kanyang dalaga.
Kinagabihan,hindi dalawin ng antok si Roni.Laging bumabalik sa isipan niya ang nga tagpong nasaksihan niya sa bahay nina Borj.Lagi ding sumisiksik sa isipan niya ang magandang mukha ng babaeng nakayakap kay Borj.
(Haiii Roni.Mababaliw ka na ba sa pag-ibig.Labanan mo yan Roni.'Wag kang papatalo..Lalaki lang yan noh)--gigil na sulsol ng utak niya.At hindi na niya namalayan na inagaw na rin ng antok ang kamalayan niya.Sa wakas-nakatulog na din siya.
Malakas na tunog ng telepono ang nagpagising kay Roni.Noon niya namalayan na umaga na pala.Napasarap ang tulog niya sa magdamag na 'yun.Tumingin siya sa relong nasa dingding.Alas-9:00 na nang umaga.Hindi na marahil siya ginising ng Daddy niya para mag-almusal dahil ayaw nitong maabala siya pagtulog.Iniangat niya ang telepono at saka mahinang sumagot.
"Hello Roni,kumusta na ba?" --bati ng nasa kabilang linya.
"Oh,Cheska,bakit" --sagot naman niya dito.Kilalang-kilala na niya ang boses ng kaibigan at hindi siya maaaring magkamali.
"Hindi na tayo makalabas ngayin eh,busy ako pag-aalaga kay Mommy,pasyal ka naman dito sa bahay kapag may time ka"--nasa himig pakiusap ang tinig na 'yun ni Cheska.
Humugot siya ng buntong-hininga.Wala pa kayang nalalaman ang kaibigan niya tungkol sa nangyari sa kanila ng pinsan nito.Gusto sana niyang nag-open dito nv problema kaya lang gaano siya nakakatiyak na matutuwa ito sa nangyari.Malamang,baka sabunutan pa siya nito o kaya itakwil.Nailing siya.Hindi naman siguro.
"Sige tingnan ko mamaya" --at ibinaba na niya ang telepono.
Mula sa kama na kanyang hinihigan ay mabilis siyang bumangon ,humarap sa salamin at saka kinausap ang sarili.
(Get up Roni.Huwag kang magpakabulok diyan sa kwarto mo dahil lang kay Borj.Puntahan mo na lang ang kaibigan mo para naman kahit paano ay maibsan ang nararamdaman mong kalungkutan)
Happy Reading...
Dont forget to leave your comments ang feel free to vote!
BINABASA MO ANG
💖ALL ABOUT LAST NIGHT💖
RomanceParty girl si Roni. Kung nasaan ang party., Tiyak nandun siya. Para sa kanya, Hindi Niya kailangan ang magtrabaho. I-enjoy Lang dapat ang buhay. Sa madaling salita, walang direksyon ang buhay Niya. Until one night, he woke up in a bed. Hindi Niya Al...