Hindi matanggal ang ngiti ko habang nasa byahe pauwi. Hindi ko alam kung bakit sa mga simpleng bagay na ginawa ni Kylo , ay sobrang sumaya ako. Siguro dahil, siya yung tipo ng tao na hindi masyadong nagsasalita pero kahit ganoon nagiging observant siya sa amin, alam niya kung kailan kami malungkot, at kung kailan namin kailangan ng kasama.
Nawala lamang ang ngiti ko ng makauwi na ako.
"Saan ka galing? At bakit hindi mo kasama si Marco?"
"Mom please, I'm ti-" she cutted me off
"Oh please Hershel! Don't reason out, just answer me"
"He's just busy mom"
"Busy? I won't buy that excuse, don't tell me nag away Kayo?"
Hindi na lamang ako nagsalita.
"Oh my goodness, makipag bati ka na habang maaga pa. Hindi dapat pinapatagal ang away"
"Hindi po kami nag away at lalong hindi ko siya susuyuin if ever we get into a fight."
"Don't be full of yourself dear, you haven't prove anything",
It was dad who butt in. Nakakapagod ang ganitong usapan. Mas concern pa talaga sila kay Marco kesa sa sarili nilang anak.
"Of course Mom,Dad, you won't be proud of me not until I married a rich man"
"What did you just say", mom shouted at me.
"Why? Isn't it true? I was always the top 1 in class since elementary until now, I already won a lot of contests be it regional or national, and I am now a candidate as valedictorian. I always do what you want. But how come you aren't proud of me yet?"
Halo halo ang nararamdaman ko, galit, lungkot, at pangungulila sa magulang. Madalas iniisip ko kung ano kayang pakiramdam ng may Ina at ama ka na yayakap sayo sa tuwing umiiyak ka. At magsasabi sayo na magiging ayos din ang lahat.
"Dahil Wala namang nakakaproud doon", sigaw ni Mommy
"At ano ang nakakaproud? Ang magkaroon ng maraming pera?" puno man Ng galit at lungkot ang puso ko ay mahinahon pa din ang pagkakasabi ko noon.
"Palibhasa walang ibang mahalaga sa inyo kundi pera, mas nakakahiya ka-"
Pero bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Daddy. At batid kong nagbakat ang kamay niya sa pisngi ko.
I look at them with disgust and so much anger.
"I wish I was never born",
Iyon na lang ang nasabi ko bago ako umakyat sa kwarto ko. Nagkulong ako at hindi lumabas kahit pa nakailang katok ang mga maids namin para magdinner. Mabuti pa nga Yung mga maids namin may pakealam sakin, pero yung sarili kong magulang wala.
Kaunti lang ang iniiyak ko, dahil sanay na ako sa ganoong tagpo. Hindi iyon ang unang beses na nasampal ako, at hindi din iyon ang unang beses na hiniling ko na sana hindi na Lang ako pinanganak, dahil mahirap. Sobrang hirap maging anak nila.
Maya maya pa ay nakarinig ulit ako ng katok.
"I already told you manang, I won't eat"
"Stella it's me"
I opened na door when I heard ate. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na may hawak na, maleta?
"Stella..."
"Where are you going ate? Can I come with you? I think I also need a break from here"
"No baby, I'm leaving this house..." Nag intay ako na matapos ang sasabihin niya, "...for good"
"You're going to leave me here?... Alone?",
She hug me and started crying.
"I have to do this, please understand ate. I'm so sorry. I know it will be hard but you can do it."
Hindi ako sumagot.
"And Isa pa, palagi kitang dadalawin or you can visit me."
Still, hindi pa din ako nakasagot. Durog na durog na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"W-why...", Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil sa may Kung anong nakabara sa lalamunan ko. Parang anytime ay tutulo ang luha ko.
"W-why ate? Bakit ka pumayag magpakasal sa kaniya? Bakit moko iiwan?"
She just cried in front of me while kissing my hands. It's so painful.
"I have to do this for the sake of my baby, I'm pregnant Stella",
At tuluyan ng bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Dahil alam ko, sa mga oras na ito, Wala na akong laban.
"It's alright, I understand ate"
Medyo kumalma siya sa pag iyak. Kaya naman I took that opportunity to ask her.
"Do you love him?"
While tears are streaming down her face, she nodded.
"Pero sinasaktan ka niya ate"
"He's fine now. He undergone therapy to have his anger management. Saka isa pa..." tumingin siya sa tiyan na at hinimas ito "hindi niya kami masasaktan, mahal Niya ang anak Niya"
Yumuko ako para makapantay ang tiyan niya. I kissed her womb.
"Hana, let's go" it's Frank
She hugged me again and then kiss my forehead before going out with Frank.
I ran into my window just to see them leaving.
It was so painful, because she's the only one who understands and truly loves me inside this freaking house. Now that she's not here, I got to be strong.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak. Kaya naman mugto pa ang mata ko nang magising ako.
Nang papasok na ako ay medyo humupa na pero halata pa din ang pag iyak. That's why I put some concealer, because I know that my friends would notice. And I don't want them to worry.
They all know that I'm having a difficulties in my relationship with my parents. But, they weren't aware na madalas ay humahantong iyon sa sakitan.
Nang nakapasok ako sa room ay dumiretso ako sa chair ko. And I was shock to see my favorite chocolate on that.
"Is it yours?", I asked Avril
"Pumupurol ka na ba Hersh? Kita mong sayo nakapangalan oh!", She said pointing out my name on the card.
" Everything will be alright, smile our Stella.." basa ko sa nakasulat sa card
I don't think it came from ate because I know she's busy. It's not Marco of course, he never call me Stella. There's no way that my parents would do that.
I was thinking about it the whole day. Kahit natapos na ang klase at hindi ko pa din nakaalis sa isip ko ang chocolate.
"Sure Kayo, hindi to sa inyo galing?", I asked again for the nth time.
"Bakit? Maganda ka ba para bigyan Ng chocolate?", It's Avril again.
"Maybe it's one of your admirers, you know naman how popular you are", napaisip ako sa sinabi ni Aryana.
"Pero bakit naman alam niya yung favorite niyang chocolate, she doesn't eat chocolate infront of many", at mas Lalo akong naguluhan ng sabihin iyon ni Michelle
"Yung itsura mo daig pa ang nagququiz", pabalang na sabat Ng kadadating Lang na si Uno kasama ang boys.
"Wag ka ngang makialam Uno, kaya lagi Kang bagsak sa quiz eh", nagsisimula nanaman si Avril
"Ano naman ngayon, kung katabi ko din si Hershel perfect ko din iyon", sagot ni Uno. Na parang naging hudyat ng pagsisimula ng asaran nilang lahat.
Tahimik Lang akong nakikitawa nang lumapit sakin si Kylo.
"Eat that, you look stress"
Nagulat ako nang sabihin Niya iyon. Bago pa ako makasagot ay nauna na siyang umalis.
Is this from him?
~💙
YOU ARE READING
Fixing A Broken Star |⭐
RomanceEngr. Kylo Jasper De Mesa and Accountant Hershel Stella Medina. Let's all witness how she finds her true happiness despite of all the scars, and how he fix his broken star. ⭐
