Chapter 50

48 1 0
                                        

Kinakabahan ako dahil sa tagal ng panahon ay ngayon ko na lamang ulit makikita ang mga kaibigan ko.

"Love, are you alright?"

"I'm nervous, what if they're mad at me?"

"Bakit sila magagalit?"

Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kaniya. Andito na kami ngayon sa venue ng aming mini reunion. Malapit na din ang birthday ni Skyla kaya sakto at maiimbita namin sila.

Hindi nila Alam na darating ako ngayon at may kasama pa. Sa labas pa lang ay rinig ko na ang tawanan nila.

Kasabay ng pagpasok namin sa pinto ang paghinto ng ingay nila. Para silang nakakita ng multo syempre maliban kina Avril, Uno at Kian.

Lumipat ang tingin nila kay Kylo at bumaba sa anak ko.

Hindi na nila napigilan ang mga sarili at tumakbo papunta sa amin. Para akong maiiyak kahit sobrang saya ko naman.

Sinalubong ako ni Mich at Aryana ng mahigpit na yakap. Sinuklian ko naman iyon. Ganun din sina Jace, Eric, at Josh.

"H-hi little one. W-what's your name?" Ramdam ko ang pagpigil ni Aryana sa luha niya. Alam kong mahina siya pagdating sa bata dahil sa trauma.

"Hi Tita ninang, my name is Skyla Azter" she then kissed Aryana's cheeks.

Nagpakilala silang lahat sa anak ko at tuwang tuwa sila dito.

Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari sa amin. Hindi ko na iyon pinagdamot sa kanila dahil sila naman talaga ang pamilya ko simula pa noon.

Binawi namin ang panahon na nawala sa amin. Para kaming bumalik sa pagkabata. Napuno ng saya ang puso ko dahil sa kanila.

"Love, have you decided already?"

Tanong sa akin ni Kylo nang maggabi na habang pinapatulog ko si Skyla.

"You will be with me right?"

"Of course" he then kiss my shoulder.

Bumaba kami pagkatulog ni Sky dahil hindi pa tapos ang party namin.

"Bi when is Skyla's birthday again?" Jace asked me. I missed being called 'bibi'.

"This Nov. 18. Why?" Nanlaki ang mata ko nang makita ang ginagawa ni Jace.

"What the hell Jace! Don't tell me you're planning to give Skyla a computer set?"

"Why? Masama ba?" depensa niya sa sarili.

"Skyla doesn't know yet how to use such things"

"So Eric nga balak magbigay ng yate"

Nanlaki ang mga mata ko. I look at Eric.

"What? Minsan lang naman"

I look at Kylo dahil baka sakaling pigilan niya ito. Pero hindi, he just shrugged his shoulder.

Tumabi sa akin si Aryana at Mich.

"Hayaan mo na kaming bumawi sa anak niyo" sabi ni Aryana habang nakasandal sa balikat ko.

"Grabe namiss ko kayo" madramang sabi ni Mich.

Nag inuman lang kami at nagkwentuhan. Hindi ako uminom dahil ayaw Kong maamoy ako ng anak ko.

Kinabukasan ay umuwi na din kami dahil may lakad pa kami ni Kylo. Sabi nila ay pupunta sila dito para sila ang magbantay kay Skyla.

Hawak ni Kylo ang kamay ko habang nasa tapat kami ng isang bahay. Hindi mo aakalain na dito nakatira ang dating mga matapobre kong magulang. Hindi naman ito maliit, sakto lamang ito, pero hindi ko inakala na darating ang araw na maninirahan sila sa ganito.

Fixing A Broken Star |⭐Where stories live. Discover now