"Kylo San ka na?"
"Uwi"
"Samahan mo muna ako manood ng Quiz bee, contestant best friend ko eh"
Kanina pa ako kinukulit nitong si Uno na samahan siyang manuod. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kasama pa ako.
"Itong si Uno feeling ko malapit na masapak ni Kylo" sabi ni Jace.
Hindi naman totoo iyon, kahit ganoon siya kakulit ay ayos lang sa akin, sumusobra nga lang talaga minsan.
Pumayag na lamang ako dahil alam kong hindi niya ako titigilan. Kasama namin sina Jace, Eric, Kian at Josh. Sa apat na taon ko sa Junior High School ay sila pa lamang ang nagiging kaibigan ko. Hindi naman ako katulad nila na mahilig makipag usap.
"Gooo Hersh!" Uno cheered for his best friend. Babae pala ang tinutukoy niya.
Pinagmasdan ko siya, maganda, maputi, mahaba ang buhok at matalino. Mukha din siyang mayaman, pero hindi ko siya makitaan ng saya sa mata. Parang ang lungkot at mag isa.
Nanalo siya sa contest na iyon pero parang hindi siya masaya. Lumapit siya sa mga kaibigan niya pati na din sila Uno. Hindi na ako sumama at nauna ng umuwi.
Nadagdagan ang mga kaibigan ko bago magtapos ang Grade 10. Masaya ako dahil tanggap nila ako, kahit hindi ako kasing ingay nila. Hindi rin naman ako mahilig makipag kaibigan dahil natatakot akong maiwan. Baklang pakinggan pero iyon ang totoo.
Napahinto ako ng may marinig na umiiyak. Lumapit ako at nakita ko si Hershel, umiiyak. Lalapitan ko sana siya pero hindi ko ginawa, nahihiya ako dahil hindi naman kami ganoon nag uusap.
Dumiretso ako sa classroom namin, classmates kaming lahat ngayong Grade 11. Maya maya ay pumasok na din siya ng nakangiti at parang walang nangyari. Ang galing niyang magpanggap. Ang galing niyang magtago ng sakit at magpanggap na masaya.
Lumipas pa ang mga taon at hindi ko malaman kung bakit naging intresado ako sa kaniya. Inalam ko ang mga bagay tungkol sa kaniya, ultimong pagiging magaling niya sa pag bibake ay nalaman ko, ganoon din ang mga paborito niyang pagkain at kung gaano siya kakulit at kalambing sa mga taong malapit sa kaniya. Madalas ko siyang pagmasdan at minsan ay matatagpuan ko na lamang ang sarili kong sinusundan siya. May isang beses pa na nahuli ako ni Uno.
"Hoy pre! Akala mo hindi kita nahahalata"
"Ano?" Pag mamaang maangan ko
"Gusto mo si Hersh no?"
"Hindi ah!"
"Sus! Ako pa niloko mo pero pre, may boyfriend na eh"
Hindi ko man aminin pero masaya na ako sa pagtingin sa kaniya mula sa malayo kahit may kasama siyang iba. May boyfriend na siya at kinailangan kong tigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ang bakla pakinggan pero gusto ko siya. Sinubukan ko siyang sungitan minsan pero balewala sa kaniya.
Isang araw pumasok siya ng sobrang malungkot ang mga mata. Pinigilan ko ang sarili kong lapitan siya pero hindi ko natiis.
"What are you staring at?",
"You look problematic"
"And..so?" Ang sungit naman nito.
"Ang panget mo, hindi bagay sayo", sagot ko na lang sa kaniya bago siya talikuran.
Tumigil ako sa paglalakad kaya naman noong naabutan niya ako ay huminto ako at ganoon din siya.
Tingnan ko siya at mababakas doon ang pagtataka.
"You're still together?"
"Yes" she smiled half heartedly
I just nodded and smile back at her.
YOU ARE READING
Fixing A Broken Star |⭐
RomanceEngr. Kylo Jasper De Mesa and Accountant Hershel Stella Medina. Let's all witness how she finds her true happiness despite of all the scars, and how he fix his broken star. ⭐
