I woke up next to Kylo and Skyla, maaga akong bumangon para ipaghanda sila ng almusal. Habang nagluluto ako ay dumating si Avril at Uno, kaya kinailangan kong dagdagan ang niluluto ko.
Didiretso sana sila sa kwarto namin para tingnan si Skyla pero nagulat sila ng lumabas siya doon kasama ang Dadi niya.
Nagkatinginan pa ang dalawa bago tumingin sa akin. I just bit my lower lip and shrugged my shoulder.
"Landi talaga" bulong sa akin ni Avril na may kasama pang kurot sa tagiliran ko.
I saw Uno and Kylo teasing each other kasama si Sky.
Nag breakfast kami sabay sabay at napag usapan namin ang tungkol sa reunion namin.
It's been a long time since I saw them. I miss them so much. Nabalitaan ko din ang mga pinagdaanan nila, how I wish I was there with them.
"Sana naman ay makumpleto tayo"
"Yeah, it's been a long time"
Napansin ko ang paninitig ni Avril sa kamay ko. I bet she's curious about my ring.
"Avril, Uno, we're getting married"
Nagulat si Avril sa sinabi ko, habang si Uno naman ay Hindi kaagad nakuha ang sinabi ko.
"Ano ba naman Yan Hersh pati ba naman yun kailangan mong sabihin? Magpapaka-.. putangina"
"Uno your mouth, my daughter is here" saway ni Kylo sa kaniya.
Tumayo si Uno para tignan ang singsing ko.
"Mukhang mamahalin to"
Avril hugged me, she's happy for me of course. She's witnessed all my sufferings.
Higit na masaya ang anak ko para sa amin. Masaya ako na sa wakas ay mabubuo na ang pamilya namin.
Kinahapunan ng araw na iyon ay sinama niya kami sa isang opening ng resort kung saan siya ang head engineer.
Pinagtitinginan kami ng mga Tao dahil siguro sa kasama namin si Kylo. Hindi naman lahat ay alam ang namamagitan sa amin. Agaw pansin pa ang suot namin na talagang siya pa ang pumili. I'm wearing a navy blue floral maxi dress, while Skyla was wearing the same dress colored baby blue. And he look so manly wearing a navy blue polo shirt and a shorts. He also bought us glasses.
Sakto lang naman ang suot namin para sa event, pero dahil head engineer ang kasama namin, hindi talaga maiiwasan ang mapalingon ang karamihan sa amin.
"Wow naman! Ang perfect tingnan"
We saw Engineer Landon walking towards us.
"Hi Miss Hershel"
"Hello Engineer Landon"
"Hi baby girl"
"Hello po gingeneer" natawa pa kami dahil nauutal si Skyla sa pag bigkas ng 'engineer'
"Ginawa pa akong luya" napakamot na lang si Engineer Landon habang natatawa din.
Kylo introduced us to his co- engineers. Maya maya lamang ay nagstart na ang opening at kinailangan ni Kylo na umakyat sa stage para sa Thanksgiving.
Nagkaroon pa siya Ng speech and he said we are his inspiration in every work he does.
Naging madali lamang iyon kaya naman pagkatapos ay nag enjoy kaming mag swimming.
Doon na din kami nagpalipas ng Gabi. Kinaumagahan ay umuwi kami sa condo para mag ayos ng gamit. Uuwi na kami ng Bicol. We decided to stay there for good. Nag resigned na din ako sa trabaho ko, nanghinayang pa ang manager namin pero Wala siyang magagawa.

YOU ARE READING
Fixing A Broken Star |⭐
RomanceEngr. Kylo Jasper De Mesa and Accountant Hershel Stella Medina. Let's all witness how she finds her true happiness despite of all the scars, and how he fix his broken star. ⭐