I took Ms. De Leon pauwi. She insisted on taking me home pero ang sabi ko siya nalang ang ihahatid ko at sasakay nalang ako pauwi. She didn't argue na rin because she's already tired sa maghapong pagtuturo.
"Bye. Take care, okay? Message me as soon as you get home." Paalala nito. I smiled at her at tumango. Nagpaalam na ako dito at sumakay sa grab na binook ko.
Ang ngiting nasa labi ko ay biglang nawala nang makatanggap ako ng text mula sa pinsan kong si Ji Yoo. Magrereply palang ako nang tumawag naman bigla si Mommy.
"Hello 'my?" Sagot ko dito.
"Wag kang uuwi dito." Bigla akong kinabahan sa sinabi nito. "Ha? Bakit po? Okay lang po ba kayo?" Naguguluhan kong tanong dito.
"Wag kang uuwi dito. Doon ka muna kila Ji Yoo, okay? I promise, susunduin ka namin if everything's fine na." Lalo akong naguluhan sa sinabi nito. Sasagot na sana ako nang marinig ko ang sigaw ni Mama sa background.
"Mommy! Anong nangyayare? Si Mama? Bakit sumigaw si Mama?" Tumingin ako kay kuyang driver na pasulyap-sulyap lang din sa akin. "Kuya pwede po bang pakibilisan?" Tumango lang ito bilang sagot at medyo binilisan nga ang pagdidrive.
"Please sugarplum, wag ka munang umuwi dito ngayong gabi. Dun ka muna kila lolo. He's back..." Muli ko nanamang narinig ang galit na sigaw ni Mama na parang may pinipigilan siyang pumasok sa bahay. "He's back and he wants to take you away, please, anak, he can't take you away. Please... please take care. We love you." Then the call ended. Hindi pa rin ako mapakali sa sinabi ni Mommy.
Who's he? At bakit gusto niya akong kunin? Bakit galit si Mama? Bakit nag-aalala ang Mommy? Anong nangyayare?
Naputol ang pag-iisip ko nang si Ji Yoo naman ang tumawag. Agad ko naman itong sinagot, pero agad ding nailayo dahil sumisigaw ito sa kabilang linya.
"Geez, ang sakit sa tenga ng sigaw mo!" Sigaw ko din sa kanya. Natahimik ito at humingi ng tawad.
"Eodiya?" Tanong nito sa akin. (T: Where are you?)
"Secret walang clue." Sagot ko dito. "Ya! Neon gaejasig-iya! Dangsin-eun jib-e tteol-eojyeoss-eul geos-ibnida!" Kumunot ang noo sa sinabi niya. (T: Ya! You're an asshole! Madapa ka sana sa pauwi!)
"Ha?" Tanong ko dito. "Hakdog." Sagot niya naman at tsaka tumawa. Ang tino niya talaga kausap kahit kailan.
"Anyway, baba ka sa may 7/11 sa tapat ng school mo. Duon kita susunduin. Bye!" Then she ended the call. Napailing nalang ako sa kakulitan ni Ji Yoo. It runs in the blood talaga.
"Kuya sa Ross University mo nalang po ako ihatid." Tanging tango ang sinagot ni kuya sa akin at lumiko sa kanto papuntang school. Inabot lamang ng sampung minuto ang byahe pabalik ng paaralan. Nagbayad ako agad at tumawid sa kalsada papuntang 7/11.
Nakatanaw ako sa malaking arc sa gate ng school kung saan nakalagay ang pangalan nito.
Ross University. Ross ang last name ni lolo, na siyang middle name din namin ni Mama. It's an elite University that accepts scholars, and builds every student there is for their chosen career.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangang kila lolo muna ako umuwi. At sino ba kasi yung kupal na gusto kumuha sa akin? Bakit hindi nalang sabihin sa akin nila Mama?
"Yo! Disyerto!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at tinaasan ito ng kilay. Naglakad ako papunta sa kanya at walang salitang pumasok ng kotse.
BINABASA MO ANG
HOW TO ANNOY MS. DE LEON
RomanceBarkada Series #1 She's our super masungit na teacher. I annoy her para makabawi sa sobrang hihirap niyang mga exam at quizzes. Pasalamat nalang talaga ako at di niya ko ibinabagsak. STARTED: March 2021 FINISHED: April 2021 Highest rank: #1 in gxg #...