It's seven in the evening at naghahanda ako para sa dinner mamaya kasama sila ma'am. Isang oras na akong naghahanap ng damit na maisusuot, nailabas ko na rin halos lahat ng damit ko sa closet pero wala pa rin akong mapili kahit isa.
Stressed na humiga ako sa bundok ng damit sa kama ko. I texted my friends to come over and help me pero ang mga tukmol at wala pa ring dumadating.
Kahit kailan talaga, napaka late nila.
Lumipas ang tatlumpong minuto nang dumating din sila. Sabay-sabay pa silang nagbukas ng pinto at dinaganan ako.
"Gago baklaaaa, kasal ka naaa!"
"Hayop kaa! Ang tanga mo talaga sa pag-ibig!"
"Marupok ka!"
"Ang panget mo pero kasal ka na eww!"
"Hindi ako makahinga mga gago!" Pero imbes na umalis sila sa pagkakadagan sa akin, nagsimula lang silang magtawanan. Not until, may umutot.
Sa mukha ko.
"Pota ang baho!"
"Sino umutot?! Ang dugyot niyo!"
"Tangina para akong mamamatay sa baho!"
"Sheett nahilo ako sa baho. Ano yan? Imburnal? Tumae na kayo!"
"Tangina niyo, maawa kayo ang baho!"
Sabay-sabay na reklamo namin habang nakatakip ng mga ilong. Maliban sa salarin na naglulupasay sa sahig kakatawa.
"Gago ka talaga Rose! Tumae ka na nga!" Sabi ni Ember sa kanya at binato ito ng isa sa mga damit ko
"Nahilo talaga ako sa utot niya mga besh." Sabi naman ni Claire na nakasandal sa pader.
"Amoy imburnal amp." Saad naman ni Sierra na natatawa na rin.
Hindi ko napigilan tumawa. Bukod sa nakakatawa tawa ni Rose. Natatawa ako dahil sa reaksyon ng mga kaibigan ko. Lalong tumawa si Rose dahilan para natawa din ako lalo. Gagi ang sakit ng tiyan ko sa kakatawa. Parang witch ang tawa tangines.
"Hoy HAHAHAHAHAHAH. TAMA NA HAAHAHAHAHA ANG HAHAHA SAKIT SA TIYAN HAHAHAHA." Saway ko kay Rose. Kung kanina kami lang tumatawa, ngayon lahat na kami naglulupasay sa sahig kakatawa. Ang hirap pigilan.
"Ayaw ko na HAHAHAHAHAHAHAHAAH." Saad naman Ember na nakahiga na kakatawa.
"Tama naaaa HAHAHAHAHAHAHAAHAHA." Sabi ni Claire na sobrang pula na kakatawa.
"Gago Rosanna tama naaa HAHAHAHAHA." Saad naman ni Sierra na pumapadyak pa kakatawa. Mukha kaming mga baliw kakatawa dito sa kwarto. Sigurado akong rinig sa buong bahay ang mga tawa namin.
Ngunit agad naputol ang tawa ko nang maalalang pupunta pala sila ma'am ngayon.
Kinabahan ako bigla dahil sa bawat saya, may lungkot na babalik. Nanghihinang napasandal ako sa bedframe ng kama.
"Galit si Ms. De Leon sa akin." Nasabi ko bigla sa gitna ng tawanan session nila. Agad silang napatahimik sa sinabi ko at parang mga batang nagsilapitan sa akin.
"Gago, nagulat ako sa inyo! Kailangan sabay-sabay talaga?" Sabi ko sa mga kaibigan ko. Seryoso lamang silang nakatingin sa akin at naghihintay ng sasabihin ko.
"Sana pala sinunod ko kayo nung una palang." Saad ko at yumuko.
"Buti alam mo."
"I told you so."
"Tanga ka kasi."
Sabay-sabay na sabi Ember, Sierra at Claire. Napatingin naman kami kay Rose na walang sinabi.
"Don't look at me like that. You reap what you sow." Saad nito. Muli akong napabuntong hininga at sumandal uli sa kama.
"I don't know what to do." Sabi ko sa kanila at tumingala sa ceiling kung saan may fake clouds and constellations.
"Edi panindigan mo."
"Punta kang simbahan, magdasal ka."
"Make her fall for you."
"Shat nalang."
Sinamaan ko sila uli ng tingin.
"Ang titino niyo talaga noh?" Asar na tanong ko sa mga to. Pero wala akong nakuhang sagot. Lahat sila ay nakatingin lamang sa akin ng seryoso.
"We're serious. Panindigan mo si Ms. De Leon. Wag mong iparamdam sa kanyang mali ang desisyong ginawa niya." Saad ni Claire.
"Punta ka talagang simbahan. Humingi ka ng lakas ng loob para harapin ang nga susunod na problema." Saad naman ni Sierra.
"Tutal kasal naman na kayo, gawin mo lahat para mahulog siya sayo. Nang sa gayon, di naman masayang pagpapakasal niyo kahit na walang ceremony na nangyare." Sabi naman ni Ember. Lahat kami napatingin kay Rose.
"Iinom natin yan saglit tapos laban uli." Sabi niya. Napangiti kami sa sinabi niya.
"You guys, thank you dahil andyan pa rin kayo at di ako iniiwan." Mula sa puso kong saad sa kanila. We all smiled again at nagyakapan.
My friends may be brutally honest, violent, childish and wild at times but they're also the best friend group I'll forever treasure.
Sa huli ang napili naming isusuot ko ay simple lamang. Isang white shirt na tinuck in ko at fitted jeans partnered with my all time favorite white nike shoes.
Ang sabi nila I don't have to impress Ms. De Leon. That I should let her see me for who I am. They told me that I should keep it my style, the cute one.
Bumaba na din kami after kong magbihis. Dito na rin daw kakain ang barkada para suportahan ako. Which I find sweet to be honest.
Nasa dulo na kami nang hagdan nang matigil sila sa paglalakad. At dahil nasa likod nila ako, napatigil din ako at tumunghay para makita kung bakit sila tumigil.
There stood in all her glory, si Ms. De Leon. Muling bumagal ang mundo habang nakatingin ako sa kanya. Simple lang ang suot niya, pero mukha siyang model na rarampa red carpet kahit na nakapants lang ito.
"Ang laway tumutulo." Pukaw ni Ember sa akin. Agad ko namang pinunasan ang baba ko sa sinabi niya pero nauto lang pala ako.
"Masyado kang patay na patay kay ma'am. Sana di umabot sa puntong mawawala mo ang sarili mo." Seryosong saad ni Claire at tsaka sila nagpatuloy sa paglalakad.
I don't think na aabot naman sa puntong mawawala ko sarili ko dahil sa pagmamahal kay ma'am. Besides, mas mahal ko ang sarili ko.
Naglakad ako papalapit kay Tatay at nagmano bago ko hinarap si ma'am.
"Hi! G-good evening." Bati ko rito. Tanging tango lang ang sinagot niya sa akin. Napapahiyang napakamot ako sa tenga ko lalo na nang marinig ang tawanan ng barkada.
"Upo muna po kayo. Feel at home po." Sabi ko sa kanilang dalawa habang minumwestra ang dako ng couch. Nang mapansing ukopado ng barkada lahat ng space, agad akong lumapit sa kanila at tinulak paalis.
"Doon kayo sa kusina, shoo!" Taboy ko kila Rose at Ember na nakahiga sa isang couch at pinaalis. Tumawa lamang sila at sinunod ang sinabi ko. Sure akong ipapahiya ako ng mga yun kay ma'am.
Humarap ako kila ma'am at ngumiti. Pero gusto kong lamunin ako ng lupa nang mapansing hila-hila naman ni Claire at Sierra ang dalawa papuntang kusina.
Jusko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
HAPPY 1K+ REAAADDSSS UWAAAA. THANK YOUUUU 💖💖💖
ALSO, I MADE A PLAYLIST FOR MS. DE LEON, SEE MEDIA THAANNKKSSS 💖
Edit: Hi! This is the playlist link po below ⬇️⬇️
https://open.spotify.com/playlist/5kKmXaBj0TFaR6qcYSCZLc?si=oIuGHPBdSLmeAd0hzVQISg&utm_source=copy-link:)
![](https://img.wattpad.com/cover/257401739-288-k976390.jpg)
BINABASA MO ANG
HOW TO ANNOY MS. DE LEON
RomanceBarkada Series #1 She's our super masungit na teacher. I annoy her para makabawi sa sobrang hihirap niyang mga exam at quizzes. Pasalamat nalang talaga ako at di niya ko ibinabagsak. STARTED: March 2021 FINISHED: April 2021 Highest rank: #1 in gxg #...