"What are we doing here?" Tanong ni Rose nang hilahin ko siya papunta sa likod ng building namin. Papunta dapat kaming office ni Giovanna para ipagpatuloy ang naudlot na kasiyahan namin kanina at siya ang naatasang magsundo sa akin sa room pero heto nga't hinila ko siya papunta dito dahil kailangan ko ng kausap.
"Tama ba ginawa ko? Tama bang bigyan uli siya ng chance? Pano kapag nalaman niya? I'm sure magagalit siya." Bumuntong hininga ito at hinawakan ako sa balikat.
"You love her, correct?" I nodded bilang sagot sa tanong niya.
"That means you'll do everything for her, correct?" I nodded again and anxiously bit my fingers.
"I mean, yeah. She's my everything." I added pero ang nakuha ko ay isang pitik sa noo.
"I honestly don't like that 'she's my everything' concept. Opinyon ko lang iyon ah. Walang ibang meaning." Sumandal ito sa pader at tumingala sa langit.
"Why?" I asked. I got curioused because I know Rose is the type of girl who will do anything para sa taong mahal niya.
"Because it got me all broken and alone." Ngumiti ito ng malungkot at tumingin sa akin. "I gave her everything because she is my everything. I even killed someone for her." Gulat na napatuwid ako ng tayo at tinitigan siyang mabuti.
"I killed my old self just to fit her type, Zara. She wants someone who's wild, free, someone she can display in the public. She hated my old self, she hated the nerd me. So here I am. Parehas kaming nagpapanggap na maayos sa tuwing kaharap kayo dahil ayaw naming masira ang pagkakaibigan natin." She smiled again. Tulad kanina, malungkot ito.
"Si Claire...si Claire ang babaeng sinasabi mo noon?" I asked when I realized kung sino ang sinasabi niya.
"Yes. I didn't regret everything I did. But I wish I loved myself more that time. And you know kung anong mas masakit?" Umiling ako at niyakap ito.
"Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon." Niyakap ako nito pabalik at tsaka siya humagulhol sa balikat ko. We're the same height kaya naman panatag akong di siya mangangalay.
"We had a deal, I asked her to have sex with me at kung di niya magugustuhan, hindi ko na siya guguluhin pa. I swear para akong nasa langit noon. But sadly, gumising ako na wala na siya." Lumayo ito sa akin at pinunasan ang luha niya.
"My point is, kung mahal mo, ipaglaban mo. Mali talaga ang ginawa mo pero face the consequences. Alam ko, alam naming sobra kang nasaktan sa nangyare, pero hindi iyon dahilan para saktan mo rin siya." Seryoso nitong saad.
"Hindi ko intensyon na saktan siya. You know that. Ang gusto ko lang naman malaman ay kung ipaglalaban niya ba ako. I did get my answer pero natatakot ako lalo, Rose." She smiled at inakbayan ako.
"It's okay to be scared, Zara. I'm scared too, you know. Claire wants us to take another shot but I'm scared I'll lose myself if I give her what she wants. I'm scared that all the things I've done to be alright will mean nothing if I give her another chance. I know, everybody deserves a second chance, but how can I give her another one when all I've done was to give it to her all over again? I find it ironic everytime she asks me to come back when I'm stuck to where she left me. I'm scared because I can see she looks better now, but here I am, still pretending I'm alright, still pretending that it doesn't hurt me anymore. Pagod na ako, Zara. Lagi kong tinatanong ang sarili kung bakit ako lang palagi ang kailangan umintindi, kung bakit ako lang lagi ang kailangan sumuyo kahit na sa aming dalawa ako yung nasaktan. Gusto ko rin suyuin, gusto ko rin maintindihan, pero bakit ganun? Nasasaktan din naman ako. Nahihirapan din naman ako. At alam mo kung anong sabi nila?" She laughed kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. "Intindihin ko naman daw siya. Iyon ang lagi kong ginagawa, Zara. Kahit na di ko na dapat naiintindihan kung bakit ginawa niya yun, pilit ko pa ring iniintindi, kahit na masakit, kasi mahal ko eh." Napakamot ako sa ulo sa sinabi niya.
"Rose, mahal kita and you know that I got your back always pero sis, ang alam ko kasi ako yung nagdadrama eh. Panira ka naman ng moment eehh." Maktol ko dito. It was only a joke, but I'm glad na natawa sya sa sinabi ko.
"Sorry na. Sleepover ako mamaya." Saad niya at hinalikan ako sa pisngi. Nakangiwing tinulak ko ito palayo at pinunasan ang parte ng hinalikan niya.
"Ang arte mo naman! Ang daming babae kaya ang naglakandarapang mahalikan ko!" Inirapan ko ito at pabirong tinulak.
"Hindi ako kasali dun! Ang panget mo kaya!" Asar ko dito at naglakad na papuntang office ni Giovanna.
"Anak ng! Ito panget? Ang mukhang to? Suntukan nalang oh!" Binelatan ko ito bilang sagot.
"Kidding aside, sabihin mo na sa kanya as soon as possible." She said at ginulo ang buhok ko. Biglang bumalik ang takot sa puso ko. Mapapatawad pa kaya niya ako?
"Hi!" Bati ni Giovanna nang buksan nito ang pinto. Para siyang bata na sinalubong ang kanyang magulang pagkauwi nito sa trabaho. Ghad, she's making my heart beat so fast.
"Hi!" Bati ko rin dito. She giggled at niyakap ako. Natatawang niyakap ko ito pabalik hanggang sa lumambitin na siya sa akin kaya wala akong choice kundi buhatin ito papuntang couch kung saan nakatingin sa amin ang barkada ng nang-aasar.
"Aray! Ang dami namang langgam!"
"Walang forever!"
"Magbibreak din kayo!"
"Mga bitter!" Inis na sagot ko sa mga ito na tinawan lang nila. Pati si Giovanna ay nakitawa na din sa amin. Magkatabi kaming umupo sa couch, pagkatapos ay binigyan ako nito ng pagkain. Nakangiting tinanggap ko ito at sinubuan pa siya.
As usual kanya-kanyang asar nanaman ang barkada na di nalang namin pinansin ni Giovanna at nagpatuloy sa pagkain.
Sana ganito nalang palagi. I like it this way. Sobrang gaan ng pakiramdam. Puro saya lang. Pero alam kong hindi ganito lagi. Dadating ang araw na kailangan kong harapin ang kasalanan ko.
I just wish she will stay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
:)

BINABASA MO ANG
HOW TO ANNOY MS. DE LEON
RomansBarkada Series #1 She's our super masungit na teacher. I annoy her para makabawi sa sobrang hihirap niyang mga exam at quizzes. Pasalamat nalang talaga ako at di niya ko ibinabagsak. STARTED: March 2021 FINISHED: April 2021 Highest rank: #1 in gxg #...