Sinamahan ko boyfriend ni ma'am sa office niya. Mukha itong mabait, kaya kahit na gusto ko itong tarayan, hindi ko magawa.
Kumatok ako sa pinto ng office ni ma'am bago ito binuksan. Sumilip muna ako bago tuluyang buksan ang pinto at pinapasok ang kasama ko.
Sa tagal kong nangungulit kay ma'am, ngayon ko lamang siya nakitang ngumiti ng pagkalaki-laki nang masilayan niya ang kasama ko. Kapansin-pansin sa mata nito ang saya na kailanman ay di ko nagawang gawin.
"Hi!" Bati ng lalake at inabot kay ma'am ang mga dala niya. Agad itong kinuha ni ma'am at pinatong sa mesa niya.
Ang sumunod na ginawa niya ay nagpadurog sa puso ko.
Hinalikan ni ma'am ang lalake sa harap ko.
Dampi lamang ito pero pakiramdam ko sa bawat segundong nakatayo ako sa likuran nila ay unti-unting nadudurog ang puso ko.
Ang sabi nila hindi totoo ang nararamdaman ko para kay ma'am. Pero bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit sobrang sakit na magising sa katotohanan?
Napakagat ako ng labi para pigilan ang mga luha ko sa pagtulo. Ano pa bang ginagawa ko dito?
"Ehem!" Agaw pansin ko sa dalawa. Nagtama ang tingin namin ni ma'am, ang kaninang masayang mukha nito ay napalitan ng isang emosyon na di ko malaman kung ano. "S-sorry po, m-mauuna na p-po ako." Paalam ko sa dalawa na sinagot ng lalake ng isang ngiti.
"Maraming salamat sa pagsama." Ngumiti ako ng pilit sa kanya at lumabas na ng tuluyan sa opisina.
Iba pa rin pala kapag nakikita mo sa personal. Iba pa rin pala kapag yung nararamdaman mo para sa isang tao ay malalim pa sa kung ano ang sinasabi mo.
Hindi lang scam si ma'am. Isa rin siyang paasa!
Madilim na ang paligid at tanging ang mga ilaw sa kalsada, ilaw sa mga gusaling bukas pa rin at mga dumaraan na sasakyan ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran.
Alas nueve na ng gabi pero heto ako at kararating palang sa bar na pinag-usapan ng barkada. Isang oras na akong late sa usapan namin, at tanging ako na lamang ang wala.
Hindi na sana ako pupunta, but apparently may nakakita sa aking umiiyak kanina at parang virus na lumaganap ang chismis na ako at si Ms. De Leon ay wala na.
Wala namang kami sa simula palang. Ako lang talaga tong makulit at umaasa na pwede maging kaming dalawa.
Tinitigan ko muna sandali ang labas ng bar bago tuluyang pumasok. Sigurado akong sermon ang abot ko sa barkada. Sigurado rin akong lalasingin nila ako ngayong gabi.
"I told you so." Bungad sakin ni Claire, ang maldita ng barkada. Simula palang ayaw niya na kay ma'am dahil masasaktan lang daw ako sa kanya.
"Give her a break, Claire. Here have a drink." Saad naman ni Sierra. Ang piloto ng barkada, at inabot sakin ang isang bote ng alak.
"Mukha kang patay." Napalingon ako kay Rosanna na bagong dating at inirapan ito. "Sabi ko naman kasi sayo, tama na." Dagdag nito at umupo sa tabi ko.
"Amoy babae ka, Rose. Alis ka nga diyan!" And of course, here comes my bestfriend, Ember. Ang kabute ng barkada.
"Ang kapal ng mukha mo, hoy! Sexy yung chicks." Napangiwi kami sa sagot niya. I forgot to mention na siya ang playgirl ng grupo.
"Manahimik ka, Rosanna, dito ka nga sa tabi ko!" Saway sa kanya ni Claire bago ito hinila paupo sa tabi niya. Claire is also the mother of our group. Siya tagaluto namin, minsan taga laba, madalas taga saway sa nga kalokohan namin.
Claire is taking business management, base na rin sa gusto ng parents niya. At first ayaw niya ng business but sa huli nagustuhan niya na rin, and it's all because of Rose.
Si Rose ang pinaka mayaman sa aming lima. Ang bar na kinaroroonan namin ay sa kanya. Siya rin ang pinaka matalino samin. She took two course in college and graduated suma cum laude in both. Not to mention she was accelerated in elementary kaya nauna din siyang grumaduate sa amin.
"So, bakit broken nanaman kaibigan namin?" Napabuntong hininga nalang ako at uminom ng alak.
"She has a new boyfriend." Gusto kong murahin ang magagaling kong kaibigan nang tawanan lang ako ng mga to.
"Saya kayo?" Sarcastic kong tanong pero ang mga siste lalong tumawa.
"Mabilaukan sana kayo, mga bwisit!" Inisahang inom ko ang hawak na alak habang patuloy sila sa tawa.
"Here, another one." Inabot ko naman ang binigay ni Rose at muling uminom.
"Alam mo kasi, Zara, mahal ka namin, pero stop being marupok, okay?"
"Besides, hindi ka talaga gusto nung tao. Minsan kailangan mong tumigil kahit na masakit."
"Grumaduate ka muna bago mo landiin, kung sa panahon na yun gusto mo pa rin siya edi go!"
"Hanap nalang tayo babae, madami diyan sa baba."
Isang lagok ng alak ang ginagawa ko sa lahat ng sinasabi nila. Ayaw kong bitawan si ma'am. Baka oras na gawin ko iyon, tuluyan na siyang mapunta sa iba.
Umabot ng isang oras ang pagbibigay nila ng advice sa akin. Sa totoo lang wala na akong naintindihan. Basta ang sarap ng alak. Lumilipad ako wiiiieeehhh!
"Iuwi mo na yan, Ember. Lasing na amputek." Sabi ni Sierra.
"Sheraaa, ang ganda mo pero torpe mo *hik! Lehgawhan mho nha kashe shi *hik shenu ngha yown? Yuhong gandha *hik na ghorl na stewardess." Sabi ko dito sabay akbay.
"Uwi mo na yan, ang daldal." Sumimangot ako sa sinabi niya.
"Ayhaw nyo shaken *hik preho kahyo nhi giovanna my labs. I hetchu!" Umupo ako sa couch at umiyak.
Ang sama nila sakin. Hindi nila ko bati.
"Ma'am! Aylabyu ma'am! Pahasa kha! Akhen kha nalang." Iyak ko. Rinig ko ang saway sakin ng barkada habang pilit nila akong hinihila palabas ng bar.
Pero walang makakapigil sa akin! Mahal ko si ma'am at wala ng iba! Darna!
But little did I know na nandun din siya ng gabing iyon at pinapanuod ang pagaamin ko kuno sa mga random na babaeng akala ko'y siya.
Well, a drunk man's words are the things he cannot say.
Basta paasa si ma'am.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
:)
![](https://img.wattpad.com/cover/257401739-288-k976390.jpg)
BINABASA MO ANG
HOW TO ANNOY MS. DE LEON
RomanceBarkada Series #1 She's our super masungit na teacher. I annoy her para makabawi sa sobrang hihirap niyang mga exam at quizzes. Pasalamat nalang talaga ako at di niya ko ibinabagsak. STARTED: March 2021 FINISHED: April 2021 Highest rank: #1 in gxg #...