TWENTY SIX: BETWEEN MAYBES

26.1K 887 297
                                    

Another week passed by na hindi pa rin kami nagkikibuan ni Ms. De Leon. It's a Saturday at ako lang ngayon dito sa bahay dahil may seminar lahat ng faculty ng university namin. Mag aalas dos na ng hapon at ako ay busy kakaempake ng gamit ko dahil napagdesisyunan kong umalis na sa bahay na ito.


Masyado ng masakit ang nangyayare. This time, I'm choosing myself over her.



Sa condo uli ako tutuloy dahil kung sa bahay ako uuwi, sigurado akong pababalikin lamang ako ng mga magulang ko dito at sasabihing ayusin naming mag-asawa ang alitan namin.


But I think, maaayos lamang ito kung aalis ako ng tuluyan.



Mahirap para sa akin ang umalis dahil hindi ko maiwasang mag-alala para sa kalagayan ni Ms. De Leon, oras na wala na ako dito. Hindi siya marunong magluto, maliban nalang ng sinigang, mabuti nalang marunong siyang magsaing kahit papaano. Marunong naman siya maglaba pero wala siyang oras para gawin iyon. Marunong din naman siya maglinis ng bahay pero I doubt na magagawa niya iyon palagi dahil tulad ng sabi ko, madami itong trabaho. Ang mas inaalala ko ay ang mga tanim. Mahilig siya sa tanim pero di marunong mag-alaga.




Naiiyak na nakatingin ako sa litrato naming dalawa nang pumunta kaming Intramuros kasama si tatay. Pareho kaming nakangiti dito at bakas sa mga mukha ang saya. Nakatingin siya ng diretso habang ako naman ay sa kanya nakatingin. I was happy here, dahil maayos pa kami dito kahit na di naalis ang pagkasungit niya.




Isang oras ang ginugol ko sa pageempake. Pagkatapos kong mailagay lahat ng gamit ko sa maleta, tinawagan ko si sugar daddy na sunduin ako.




Close na close na kami ni sugar daddy dahil lagi kaming nagkikita sa 7/11 at siya rin ang napagkukwentuhan ko ng mga bagay na di ko masabi sa mga kaibigan ko. Pakiramdam ko ang unfair ko dahil sa ibang tao ko nasasabi ang mga dinaramdam ko pero they can't blame me. Ayaw ko na maging pabigat sa kanila. Masyado ko na silang nahihila pababa.





Eksaktong 3:45 ng hapon nang may bumusina sa labas kaya naman dali-dali kong kinuha ang cellphone ko, maleta at susi tsaka ito hinila palabas. Uuwi pa rin ako mamaya para magpaalam ng tuluyan kay Ms. De Leon. Ayaw kong maging bastos dahil kahit na masungit siya at kinamumuhian ako, nirerespeto ko pa rin siya bilang kasama ko sa bahay na ito.






"Bat ka lalayas? Alam ba yan ng asawa mo? Hoy! Ayaw ko ng sugar baby, umayos ka!" Inikutan ko ito ng mata at sinipa ng mahina. "Hindi ako napatol sa isang hukluban." Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi at napanganga pa na siyang tinawanan ko lang dahil mukha siyang timang. Tho, I admit na may itsura talaga siya.





"So saan tayo?" Tanong nito nang makapasok na kami sa kotse niya. Bumuntong hininga ako at tumingin sa bahay.




"Sa condo ko, sugar daddy." Sagot ko dito.





"Stop calling me that! Zeev ang pangalan ko, hindi sugar daddy. Jusko kang bata ka, manang mana ka sa nanay mo." Sambit nito at umirap pa. There's a reason kaya pinili kong maging close kami nito ni Zeev. He keeps on saying things na para bang kilala niya ako at ang mga magulang ko. Medyo sikat nga ang mga magulang ko pero the way he talks, pakiramdam ko, they were friends before.





"Whatever you say, mukha ka pa ring sugar daddy." Asar ko pa dito. Madaling pakisamahan si Zeev dahil napaka gentleman nito at madaming alam na kalokohan. Sa edad niyang yan, mas bagets pa siyang umasta kesa sa akin. Kung minsan nga'y napag-akalaan kaming magsyota. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan dahil parehas nandidiri ang reaksyon namin noon at parang mga baliw na nagtatawanan.





Mag aalas singko na kami nakarating sa condo ko. Nilagay ko lang ang mga gamit ko sa condo at tsaka ako bumaba uli ng building para magpahatid uli kay Zeev pabalik ng bahay. Magluluto pa ako ng dinner namin at plano kong sarapan ang luto ko. It will serve as my farewell meal, if there's such a thing.






Ang thirty minutes na byahe pabalik ng subdivision ay umabot ng isang oras at kalahati sa sobrang traffic. Napapasapo nalang ako sa mukha ko dahil alam kong nakauwi na ng ganitong oras si Ms. De Leon. Kung maaari sana ay di niya pwedeng malaman na sumasama ako kay Zeev lately dahil baka isumbong ako nito sa parents ko. At ayaw ko ring pag-isipan niya kami ng masama.






"I'll see you next time. Ingat ka sa pauwi, maraming salamat sa pagsundo at paghatid sakin pabalik." Sabi ko kay Zeev na tumango lang at ngumiti. Agad itong nagdrive palayo nang makalabas na ako ng kotse niya. Mukhang may date yun at nagmamadali.





"Who's that?" Napatalon ako sa malamig na boses ni Ms. De Leon. Nilingon ko ito bago binuksan ang gate. "A friend." Tipid kong sagot at naglakad papasok ng bahay. Narinig ko ang pagsunod nito sa akin na siyang kinakaba ko dahil base sa itsura niya kanina, masama nanaman ang timpla niya. Well, always naman pala.





"San kayo pumunta? Bat kasama mo siya?" Tanong nito habang nakasunod sa akin. Naguguluhang lumingon ako sa kanya.





"Why do you care, Giovanna? It's not like you like me or something. You said it yourself, you hate me." Bakas sa magandang mukha nito ang gulat sa sinabi ko. "I'm sorry." Sagot ko dito dahil mukha siyang maiiyak sa naging sagot ko. Pero bakit?




"Why are you leaving?" Ako naman ang natahimik sa sinabi niya. "Ayaw mo na ba? Pagod ka na ba? Did I went too far this time?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.





"Zara..." Naglakad ito palapit sa akin at niyakap ako. "Wag mo kong iiwan." Ramdam ko ang init ng hininga nito sa leeg ko at ang pagbuhos ng luha niya. Amoy na amoy ko ang natural nitong bango at ang amoy ng alak.





"I'm scared, Zara. I'm sorry, please, don't leave." Muli niyang saad. Napakapagat ako ng labi ko at unti-unting niyakap ang mga braso ko sa katawan niya. I was silently telling myself na, wag maging marupok, na ngayon lamang ito, pero iba ang binubulong ng puso ko. Gusto kong manatili. Gustong-gusto ko. Pero hindi ko na talaga alam.




Maybe staying tonight won't hurt. I'm hoping that maybe, whatever decision  I'll choose tomorrow will help the both of us.






























~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


:)

HOW TO ANNOY MS. DE LEONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon