Trigger warning: Death
Giovanna's POV
"Zara??" Tinapik-tapik ko ang mukha nito nang mapansing natigil ang pagdaing nito. "Zara?!" Nagsimula akong magpanic nang makitang nakapikit na ito ng tuluyan. Binalot ng takot ang buo kong pagkatao at lalong bumuhos ang mga luha.
"Drive faster! Zaraaa!" Maingat na niyakap ko ang katawan ni Zara, not minding kung mabahidan ng dugo niya ang suot ko.
"Don't die, you have to annoy me for the rest of our lives." Bulong ko sa tenga nito. Maya-maya pa ay tumigil ang kotse sa harapan ng hospital at agad akong tinulungan ni Ember na buhatin si Zara palabas habang sila Mama Olivia naman ay nagtawag ng stretcher para kay Zara.
"Shit! Tangina Zara, wag kang mamamatay!" Sigaw ni Ember habang bitbit niya si Zara. Agad na tumulong ang isang nurse sa pagbubuhat at siya na ang naglagay kay Zara sa stretcher af agad na hinila ito. Nakasunod kaming apat papuntang emergency room.
"You can't come in, ma'am." Pigil sa akin ng isa sa nga nurse nang makarating kami sa emergency room.
"No! You don't understand, I have to be there for my wife, please..."
"I'm sorry ma'am, you can't."
"No! Zara! Let me through! No!" Pinigilan ako ng nurse at tinulak palayo sa pinto ng emergency room.
"Giovanna, you have to calm down." Nanginginig na lumayo ako sa pinto at napasuklay sa magulo kong buhok.
"Hey, she'll be fine, don't worry, Zara is a fighter. Pinaglaban ka nga niya kahit di na dapat." Sinamaan ko ng tingin si Ember na napalunok. "Joke lang, pinapatawa lang naman kita eh."
"She's barely breathing in the car! How can I calm down? I can't..." Napasandal ako sa pader at dumausdos pababa habang umiiyak. "I can't lose her."
"All she's done was to love me, prove to me how stupid I was to deny all her love. I just can't." Iyak ko.
Tinabihan ako ni Ember at niyakap. Sumandal ako sa balikat niya at umiyak ng umiyak.
"Noong bata pa kami, ayaw ko talaga kay Zara. Lagi kaming nag-aaway sa malilit na bagay, hanggang ngayon din naman but one time, while I was playing sa playground ng school namin, I saw her getting bullied, I got mad dahil ang sabi ko, ako lang ang dapat mambully kay Zara." Di ako umimik sa kwento ni Ember. Tahimik lamang akong nakikinig. "Kaya inaway ko ang mga nambubully sa kanya, pero ewan ko ba diyan kay Zara, sinapak ako, bat ko daw inaaway mga nang-aaway sa kanya, masama daw iyon. Pero noong araw ding iyon nagsimula ang closeness namin ni Zara. We were only seven that time." I smiled ng konti habang iniimagine ang cute na mukha ni Zara noong bata pa ito.
"I first saw Zara sa isang concert ng Paramore. At first hindi ko alam na siya pala yung babaeng tinititigan ko dahil mukha siyang dugyot habang sumasabay sa pagkanta ng banda. Ngayon ko lang din naman nalaman na mag-asawa na kami. Nakita ko picture niya nung gabing iyon and it's kinda funny dahil kasama ako sa background." I smiled sa memory na iyon. "Who would've have thought na magiging mag-asawa kami ngayon. Strangers lang kami sa buhay ng isa't isa." Sumiksik ako kay Ember nang muli nanamang bumagsak ang mga luha ko.
"I love her..." Biglang pumasok sa isipan ko ang nangyare kanina. Kung paano siya tinulak ni Jerome, kung paano nabasag ang salamin nang tumama ulo niya dito, kung paano nasaksihan ng dalwa kong mga mata ang pagsaksak sa kanya ng walang hiya kong ex.
"I'm sorry, Ma, Mommy. Kasalanan ko kung bakit nasaksak si Zara." Hingi ko ng paumanhin sa mga magulang ni Zara. Katulad ko, umiiyak din ang mga ito sa sinapit ng anak nila.
"Wala kang kasalanan, Giovanna." Sabi ni Mama Olivia at sinenyasan akong lumapit sa kanya. Parang batang lumapit ako dito at yumakap.
Sobrang bigat sa pakiramdam na makita mo minamahal mong nag-aagaw buhay. Sobrang hirap na maghintay lamang sa labas ng emergency room habang umiiyak at magdasal na maging maayos lamang ang lahat.
Please save my wife, Papa God. Promise ko po, magiging mabait na ako sa kanya. Di ko na siya tatarayan palagi, just let her live po.
Seconds felt like hours. Hindi ko na nabilang kung ilang oras na ba kaming naghihintay sa paglabas ng doktor upang malaman ang kalagayan ni Zara sa loob.
Maya-maya pa'y napalingon kami sa mga yabag ng mga taong papunta sa kinarooonan namin.
"Where's Zara? Is she okay? Ano na nangyayare?" Sunod-sunod na tanong ng ama ni Zara. Umiling lamang kami at tumingin sa pinto ng ER.
"Where's the suspect?" Tanong ni Mommy Roanne. Ang ibang di nakasama sa pagsugod sa hospital ay naiwan para asikasuhin ang baliw kong ex and I'm assuming na ang iba ay nasa bahay lamang at naghihintay ng balita. I'm sure na katulad namin, nag-aalala rin sila.
"He's under custody na ng mga pulis. That bastard, I'll make sure na di na siya makakalabas ng kulungan." Gigil na saad ng Papa ni Zara.
"Anak..." Napatingin ako kay Tatay at agad itong niyakap. Muli nanaman akong napaiyak.
Hindi ko kayang mawala sa akin si Zara. I almost lost her once at ayaw kong maulit pa iyong muli.
"Magpakatatag ka, anak. Hindi pababayaan ng Ama si Zara. Manalangin lamang tayo." Tumango ako sa sinabi niya at niyakap siya ng mahigpit.
"Nasaan ang iba?" Tanong uli ni Mama habang inaalalayan ako ni Papa na makaupo. Inabutan kami ng tubig ng ama ni Zara na agad din namin ininom dahil sa totoo lang, naiinom na rin ako.
Lumipas pa ang ilang minutong paghihintay nang sa wakas ay lumabas na din ang doktor sa ER. Agad kaming napatayo nang makita siya.
Nanginginig ang kamay ko sa sobrang kaba. Nababagalan ako sa pag-alis ng doktor sa gloves niya. Gusto ko sana itanong kung bakit hindi niya na ito inalis sa loob but I can't find my voice.
"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?" Tanong nito.
"Opo, kami po." Sagot ni Mama.
"I'm sorry....she didn't make it."
She didn't make it.
Napaluhod ako sa sinabi ng doktor. Ang lahat ng pag-asang meron ako kanina ay parang kandilang naupos dahil sa sinabi niya.
With tears streaming down my face, and my heart shattered into pieces, naibulong ko ang pangalan ng tanging babaeng minahal ko.
"Zara..."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
MAGUUPDATE AKO BUKAS PROMISE HAHAHAHAHAH. GOODNIGHT!
:)
BINABASA MO ANG
HOW TO ANNOY MS. DE LEON
RomanceBarkada Series #1 She's our super masungit na teacher. I annoy her para makabawi sa sobrang hihirap niyang mga exam at quizzes. Pasalamat nalang talaga ako at di niya ko ibinabagsak. STARTED: March 2021 FINISHED: April 2021 Highest rank: #1 in gxg #...