It was a Saturday. Ikatlong araw ko sa Oplan: Yanigin ang Mundo ni Ms. De Leon. I have to borrow my Mama's car dahil wala akong sariling sasakyan. Mas gusto kong sumasakay sa jeep, taxi at kahit anong pampasaherong sasakyan dahil una, hindi ko kailangan gumastos sa gas, ikalawa, tamad ako magdrive. Exemption lang ngayon dahil may date kami ni ma'am.
I'm taking her sa Intramuros dahil nalaman ko mula kay Mickaela na gustong-gusto pala ni ma'am, mamasyal roon. May dala din akong polaroid for aesthetic pictures. Para may maibigay din ako kay ma'am.
I also found out that Ms. De Leon doesn't like something that withers. So I stopped giving her flowers and started giving her seeds and pots, kahapon nga ay may dala akong tatlong succulents para I love you.
Ang totoo niyan, pinagtatawanan nila ako sa tuwing binibigyan ko ng pot at seeds si ma'am. Hindi ko alam kung tinatanim niya iyon, hindi na rin naman ako umaasa dahil sa tuwing inaabot ko iyon ay lagi siyang nakasimangot.
Eh ayaw niya ng something that withers kaya ang binibigay ko ay yung mga tinatanim para mabuhay. Malaki pa pag-asang mas tumagal iyon kesa sa relasyon ng iba na di man napapanindigan.
Matapos ang pagkahaba-habang traffic, nakarating na rin ako sa bahay nila ma'am. Si Mickaela rin ang nagbigay sa akin ng address ni Ms. De Leon.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ang ginagawa ko ay panliligaw o penitensya. Legit, sobrang tigas ni ma'am. Mas malala siya ngayon kesa noon. Minsan iniisip ko kung tama ba ang ginagawa ko.
Araw-araw niya kasing pinaparamdam sa akin na mali ang lahat na to.
I found out na isang pastor ang tatay ni ma'am. Kaya malakas ang principle nila about same sex relationships. I met her father on the first day ng panliligaw ko and all I can is that it was...kinda fun.
Hinabol niya lang naman ako ng bible at ako naman itong tangang tumakbo papalayo sa kanya dahil ang akala ko hahampasin niya ako. But he's a cool dad. After namin maghabulan sa subdivision nila, para kaming magtropang nagtatawanang bumalik sa bahay nila. Binigay niya sa akin ang bible na dala niya ng araw na yun.
Sangkatutak na sermon ang inabot ko kay ma'am dahil may hika pala ang tatay niya at inatake nang makabalik kami sa kanila. Wait, let me rephrase that, inatake kami nang makabalik kami sa kanila. Tho, mas madami talaga sermon na naabot ko.
Concerned sakin si ma'am hihi.
Mabuti nalang at dala ko palagi ang inhaler ko, dahilan para mahimasmasan kami kaagad ng tatay niya.
Close kami ng tatay niya kahit na alam nitong nanliligaw ako sa anak niya. Maayos akong nagpaalam dito nang araw na yun at kahit paulit-ulit ang sinasabi niya na ang babae ay para lamang sa lalake, sa huli ako pa rin nanalo.
Ganun ako kacute para hayaan ng tatay niya.
Ipinark ko ang sasakyan ni Mama sa tapat ng gate nila bago bumaba. Pinindot ko ng tatlong beses ang doorbell at naghintay. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ang tatay ni ma'am na katulad ng mga nagdaang araw ay nakangiting sinalubong ako.
"Good morning, tatay!" Bati ko dito at nagmano. Natatawang ginulo nito ang buhok ko pagkatapos at pinatuloy sa kanila.
"Saluhan mo kaming mag-almusal, iha. Masyado pa naman maaga para umalis kayo ni Giovanna." Sabi nito.
"Makikikain ho talaga ako tay, sakto po gutom na ako." Muli siyang natawa at sinenyasan akong sumunod sa kanya papuntang dining area.
"Pababa na rin iyon si Giovanna, hintayin nalang natin, san mo ba dadalhin ang anak ko?" Tanong nito. Ngumiti ako rito bago siya pinaghila ng upuan. "Salamat." Saad niya.
"Actually po, gusto ko po sana kayo isama para di kayo mabagot dito—gusto niyo po bang kape?" Kumuha ako ng tatlong cup at nagsimulang magtimpla ng tumango ito sa tanong ko.
"Sigurado ka bang isasama mo ako? Eh alam mo namang hindi ako pabor diyan sa panliligaw mo sa anak ko." Inabot ko dito ang kapeng tinimpla ko sa kanya at nilapag ko naman ang kay ma'am sa pwesto niya habang ako ay nakatayo lang habang hawak ang para sakin.
"Sure po ako, tatay. Kayo ho ba ang sigurado na ayaw niyo sakin? Parang anak na rin turing niyo sakin eh." Ngumiti siya sa sagot ko at humigop ng kape.
"Real talk kita, anak, a—"
"Oh tingnan mo po, tinawag mo akong anak. Ibig sabihin, tanggap mo po ako, ang cute ko po talaga noh?" Sukat dun ay natawa itong muli.
"Oo na, oo na. Ang totoo niyan, mas gusto kita kesa sa huling boyfriend ng anak ko. Magalang ka, may prinsipyo, marunong makisama at alam kong hindi mo pababayaan ang anak ko. Alam kong sinabi kong mali ang makipagrelasyon sa kapwa babae, pero sino ba ako para husgahan ka? Sino ako para pigilan ang kasiyahan ng anak ko?"
"Luh, tay, sure kang nasisiyahan po sakin si ma'am? Eh lagi nga akong pinapalayas." Maktol ko dito at umupo sa left side niya.
"Pa—"
"Good morning, tay." Sabay kaming napalingon sa pinto nang sumulpot bigla si ma'am. Lumapit ito sa tatay niya at niyakap. "Good morning, anak."
"Good morning, ma'am!" Bati ko dito habang nakangiti ng malawak. As usual ang sagot lamang nito ay isang irap bago umupo sa pwesto niya. Napanguso ako, ito ba ang mukha ng nasisiyahan sakin?
"Anyway, hindi na ako sasama sa inyo at baka makaistorbo lang ako."
"Tay! Sama kaa! Libre ko, promise!" Napailing-iling nalang ito habang nakangiti bago sumang-ayon sa gusto ko.
Katulad ng gusto kong mangyare, sumama samin si tatay mamasyal. Sobrang saya ko lang dahil ramdam kong parang anak talaga ang turing niya sakin. Alam ko sa sarili ko na kahit busog ako sa pagmamahal na binibigay nila Mama, hinahanap ko pa rin ang pagmamahal ng isang ama. I'm thankful na kahit lantaran na sabihin ni tatay minsan na masama ang makipagrelasyon sa kapwa, ramdam ko pa rin ang concern niya, lalong lalo na ang pagmamahal niya para sa anak niya.
Hindi ko pinangarap kahit kailan na makilala pa ang ama ko. Sapat na sa akin si Mama at Mommy. At ngayon nga'y may tatay na rin ako, ang ama ni ma'am.
Kasal nalang ang kulang.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
:)
![](https://img.wattpad.com/cover/257401739-288-k976390.jpg)
BINABASA MO ANG
HOW TO ANNOY MS. DE LEON
RomanceBarkada Series #1 She's our super masungit na teacher. I annoy her para makabawi sa sobrang hihirap niyang mga exam at quizzes. Pasalamat nalang talaga ako at di niya ko ibinabagsak. STARTED: March 2021 FINISHED: April 2021 Highest rank: #1 in gxg #...