TWENTY NINE: A LITTLE BIT OF THE TRUTH

28.9K 1K 552
                                    


I don't know what's worse, Zara leaving or seeing her flirting with her classmate slash friend Chrysta.

I never liked her because I know she likes Zara. My wife Zara. She looks at her the same way I did whenever I get a chance to stare at Zara's beautiful face.

I laughed when I remember I always kiss Zara when she's sleeping. It's funny how she always asks me if I can kiss her but little did she know na ginagawa ko iyon tuwing tulog siya.

"Uuhh, ma'am?" Lumingon ako sa tumawag sa akin at tinaasan ito ng kilay. "A-ano po, ayos lang po ba kayo?" Tanong nito. Naguguluhang tumango ako at inikot ang paningin sa buong klase. Natigilan ako nang magsalubong ang tingin namin ni Zara na tinitingnan ako na parang tinubuan ako ng isa pang ulo.

"Yes, I'm fine. Thank you for asking." Sagot ko sa nagtanong kanina habang nakatingin pa rin kay Zara.

"Aahh, nagtataka po kasi kami kung bakit ka po tumatawa diyan mag-isa kahit wala pong nakakatawa sa problem na sinasagutan po natin." Inosenteng saad pa nito but I blushed again sa sobrang hiya. Gosh, I need to get a hold of myself, masyadong ini-invade ni Zara ang utak ko na umaabot sa pagspace out ko.

"I'm sorry, I remembered something funny lang." Sabi ko at tumikhim. "Anyway, let's continue." Sabi ko at lumingon sa parte ni Zara na nakaungko na at mukhang natutulog.

"Santos." Tawag ko dito pero hindi man lang siya gumalawa. Bumuntong hininga ako at tinakpan ang hawak kong marker.

"Santos." Tawag ko uli dito pero hindi nanaman niya ako pinansin. Napatingin pa ako sa paghawak ni Chrysta dito para gisingin ang walang hiya kong asawa. Ako pa talaga tinulugan niya?

Sa ganda kong to? Tinutulugan niya lang?

Agad na nangunot ang noo ko nang ilapit ni Chrysta ang mukha niya sa mukha ni Zara. Sobrang lapit na parang hinahalikan niya na ang asawa ko.

"SANTOOOOOOOSSS!!!!!!" Galit kong sigaw pero wrong move dahil sa pag-angat niya ng tingin ay siyang pagkadaplisan din ng mga labi nila. Daplis lamang iyon pero enough na para makadama ako ng pitik sa puso ko kaya napahawak ako dito at huminga ng malalim. Zara and Chrysta is looking into each other's eyes which made my heart more.

Humigpit ang hawak ko sa marker at ikinuyom ko ang isa kong kamay sa likod para pigilan ang sarili kong wag maiyak sa harapan ng lahat. Lahat ay nanlalaki ang mata habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa dalwa pabalik sa akin habang ang dalwa naman ay may sariling mundo.


I don't know what's worse, Zara leaving me or seeing her kiss someone else right before my eyes.


Pero hindi ako pwedeng magalit sa kanya dahil kasalanan ko naman kung bakit nangyayare ang mga ito ngayon.

Bumuntong hininga ako at inayos ang gamit ko. I don't think I can stay here any longer. They're a sight for sore eyes, no kidding.

"I'll see you on Wednesday." Saad ko, I don't even know if everyone heard it dahil sa hina ng pagkakasabi ko. Ngunit naglakad na ako palabas ng room habang mahigpit ang hawak sa mga gamit ko.

They're my last section for today, and it's only two thirty in the afternoon. Masyado pang maaga para idismiss sila but I don't care. Pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang sakit ng nakita ko kanina.

Inilapag ko lamang ang gamit ko sa office at kinuha ang mga kailangan ko iuwi at lumabas na para maglog-out. It's a good thing na malapit lang kiosk sa office ko.

Naglakad ako papuntang coffee shop na binilhan ko kaninang umaga. I didn't bring my car dahil coding nito ngayon kaya naman nagcommute lang ako kaninang umaga at ngayong pauwi. Bumili ako ng cheesecake at iced coffee at umupo sa medyo tagong part.

Tahimik na nagbabasa lamang ako ng mga email sa phone ko habang kumakain nang may umupo sa katapat kong upuan dahilan para mapatingin ako dito.

"You look...lifeless. Is that my daughter's effect on you?" Humigpit hawak ko sa tinidor at galit na nakatingin sa kanya. Tumawa lamang ito at inabot ang inumin ko at sumipsip dito.

"Don't be mad, Giovanna. Hindi kayo nababagay ng anak ko. Wala siyang future sayo. You're only a hindrance to her bright future." Lalong dumilim ang tingin ko dito. "Oohh scary...and hot. Now I know kung bakit ka niya nagustuhan. I mean you look appetizing." Gusto kong sapakin ang makapal na mukha ng taong kaharap ko ngayon dahil sa nga sinasabi niya but I can't.


"Anyway, they'll be having a family dinner tonight and I'm sure you'll be there. Don't forget our deal, De Leon. You keep your mouth shut and I'll keep my end of the bargain." Who would've thought that behind that innocent smile hides a devil in disguise. A manipulator.


"I swear, if you touch—"

"Ah ah ah, don't threaten me. That doesn't work for me." Ngumiti ito at inubos ang iced coffee ko. "I'll get going now, remember, I'm watching you." At umalis na nga ito habang tumatawa. Natatarantang kinuha ko ang cellphone ko para tawagan kung maayos lang ba ang lahat.

I don't usually curse pero tangina niya. Pinapangako kong tatapusin ko ang laro niya na ako ang panalo habang siya naman ay mabubulok sa kulungan. Hinding-hindi ko siya hahayaang saktan ang kahit na sino sa buhay ko.



"Hey." Agad na napalingon ako sa nagsalita. Ang nakakunot kong noo ay lalong kumunot nang mapansing magkasama sila ni Chrysta at magkahawak kamay pa.

"Really, Zara? You're flaunting your relationship in front of me?" Sarcastic na tanong ko rito. I can't help it. Naiirita ako sa kasama niya. Akala mo maganda, mukhang mais naman nga ang ulo dahil sa blonde nitong buhok. Tss, hindi sila bagay.

"W-what?" Binitawan nito bigla ang kamay ni Chrysta habang ang huli naman ay nakangisi lang sa akin.

"W-what? Tss." Panggagaya ko sa sinabi nito at inirapan si Chrysta.

"Anyway, there will be a family dinner tonight and lolo wants us to come. I mean, if you want we can go together?" Tanong nito. Tinitigan ko ang labi nitong nahalikan kanina ni Chrysta at tumayo. Automatic na napaatras siya pero hinigit ko ang damit niya papalapit sa akin at pinunasan ng marahas ang labi niya. Gulat na nakatingin lang ito sa akin habang umaaray maya-maya.

"Stop! Masakit!" Reklamo nito.

"Shut up!" Inis na saad ko sa kanya at dinampian ng halik ang mapupula nitong labi. "Sakin lang to, Zara. Walang ibang pwedeng humalik dito kundi ako lang." Seryoso kong saad sa kanya at binalingan ang kasama niya na gulat na gulat sa ginawa ko.


This time ako ang ngumisi sa kanya sabay flip ng hair ko.


Ha! Take that, mais!


























~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~




:)

HOW TO ANNOY MS. DE LEONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon