TWENTY: MARRIED LIFE

27.6K 929 173
                                    



Pagod na sumandal ako sa couch ng bahay namin ni Giovanna. Ang aga kong nagising para ihanda ang almusal namin. Pagtapos kong magluto ay naligo ako ng mabilisan. Pagkatapos kong maligo, nag-advance reading ako dahil ang prof namin ngayon ay mahilig magparecitation. Swertehan lang talaga sa mabubunot sa mahiwagang index card niya. Pero di ako swerte dahil sa tuwing period namin, ako lagi ang nauunang matawag. After ko mag advance reading, sakto naman na bumaba si ma'am na bihis na at tapos na rin ang make up. Niyaya ko siya sa kusina para kumain, pero tinanggihan niya ako at sinabing malilate na siya, kaya wala akong nagawa kundi hayaan siyang umalis at iwan akong mag-isang kumain.

Saglit lang ako kumain ng almusal, binaon ko pa ang natirang almusal para ibigay kay ma'am sa office niya. Nang makarating naman akong school, sarado pa ang office nito, pero ang sabi niya ay malilate na siya? Ngunit pinagsawalang bahala ko lamang ito at hinayaan nalang. Sinabit ko sa doorknob ang almusal niya at nag-iwan ng note na kumain siya at wag pababayaan ang sarili.

Unang klase namin ay 7:30 am. Prestressed Concrete Design, ang agang sakit sa ulo nito. Tulad ng inaasahan, nagparecitation nga ang prof namin at nagbigay pa ng quiz after ng lesson. Tulad ng inaasahan, sumakit nanaman ang ulo ko sa lintek na math na yan. Pero huli na para magreklamo. Engineering ang course ko at habang buhay kong maeencounter ang math.

Next subject namin is Transportation Engineering, pero malaki ang pasasalamat ko dahil ang lesson namin ay napunta lamang sa pagkukwento ng karanasan ng prof namin nang magtrabaho ito abroad. I honestly don't like our prof sa subject na ito dahil one time, sinabihan kaming mga walang modo after namin tumawa sa joke niya. I mean, he told us a joke at dahil ayaw namin bumagsak sa subject niya, tumawa kami kahit na waley iyon, then nagalit siya dahil tumawa kami. Ewan, basta magulo siya, parang traffic sa lesson namin sa kanya.

After ng transpo ay isang oras na lunch namin. Dumaan akong canteen para bumili ng lunch namin ni ma'am bago ako pumunta sa office niya. Pero nang ibigay ko ang lunch niya, nakakain na raw siya. Hindi ko pinahalatang medyo nadisappoint ako sa sarili ko dahil di ko siya agad nadalhan ng pagkain. But still, umupo ako sa usual spot ko sa office niya at kumain ng tahimik habang nagtitype siya ng kung ano sa laptop niya.


After ng lunch ay period niya na. Which means, buong hapon ko siyang makikita. Pero hindi ako sumabay sa kanya papuntang room dahil pinangakuan ko si Chrysta ng milktea, kaya naman ay dumaan muna akong infinitea para bumili.

The whole afternoon, puro problem solving lang about sa Hydraulics ang ginawa namin. Syempre di mawawala mga banat ko kay ma'am at mga pang-aasar ng mga kaklase ko.

At ngayon nga'y kadadating ko lang. Nasa school pa rin si ma'am dahil may biglaang meeting daw sila with the board directors. Andun dapat ako pero sabi ko kay lolo, siya nalang ang bahala dahil ayaw ko. They'll probably talk about my relationship with Ms. De Leon. I'm not that worried dahil alam kong gagawin ni lolo lahat para di kami mapahamak. But I'm concerned sa mga sasabihin nila sa amin.

Bumuntong hininga na lamang ako at napagpasyahang magpalit na ng damit. Magluluto nalang ako ng dinner namin. I'm lucky na namana ko kay Mommy ang hilig niya sa pagluluto. Kaya naman di na rin lugi si ma'am sakin.

Maganda, matalino, talented, magaling pa magluto, oh ha! Not to mention na cute pa. Haayy, lakas ko talaga.

Natatawang hinubad ko ang suot kong tshirt at basta lang bumunot ng susuotin sa maayos na mga nakatuping damit ko. I'm sure, mapapagalitan nanaman ako ni ma'am dahil magulo nanaman closet namin.


Isang linggo na rin ang nakakaraan simula nang lumipat kami dito at magsama. Noong una ay ayaw ni Giovanna dahil walang makakasama si Tatay sa kanila kaya naman ang mga pinsan ni ma'am na nasa probinsya ay lumuwas at siyang kasa-kasama na ngayon ni tatay. Dalwang lalake sila na ako pa mismo ang sumundo at naghatid papuntang bahay nila tatay.

Isang linggo na rin akong todo effort na maging mahusay na asawa kahit na sa papel lang kami kasal. I don't mind, waking up at 4 am to do our laundry. I don't mind, cooking our meal everyday. I enjoy every thing that I'm doing para sa kanya.


Pero lagi akong pinapagalitan ng barkada dahil nanlalalim na raw ang mga mata ko at ang putla ko na rin. Sobrang busy ko din kasi sa acads, yung tipong kapag wala kang ginagawa sa free time mo ay mapapaisip ka kung may mali ba dahil nakakaguilty na walang ginagawa. Most of my free time ay nakatambay lang ako sa office ni ma'am at nagrereview. O di kaya'y natutulog dahil totoong kulang talaga ako ng tulog sa dami ng projects namin na sabay-sabay pang ipapasa.

Nakakapagod maging estudyante. Lalo na kapag graduating ka. Napakadaming kailangang gawin. Dagdag mo pang  nakakapressure ang ibang prof dahil inaasahan nilang madaming papasa sa batch namin sa darating na board exam. Madaming umaasa na makakatop ako sa darating na board exam.

Bumaba ako para magluto ng dinner namin. I decided na sinigang nalang ang lutuin para mapawi nito ang pagod namin ni ma'am. Pinakuluan ko ang baboy habang naggagayat ako ng kamatis, okra, at gabi. Hinugasan ko ito kasama ng dahon ng kangkong at itinabi. Naggayat din ako ng sibuyas at nilagay ito sa pinakukuluang baboy. Nilagay ko na din ang gabi dahil matagal itong lumambot at asin pampalasa. Habang hinihintay kong lumambot ang karne, nagsaing naman ako sa rice cooker at hinayaan ito. Nang lumambot na ang karne ay tsaka ko nilagay ang mga gulay kasama ng pampaasim. Hinayaan ko itong kumulo ng mga ilang minuto at tsaka pinatay ang apoy.

Hinugasan ko ang mga ginamit ko sa pagluluto bago pumuntang sala para hintayin si ma'am. Nanuod muna ako saglit ng attack on titan sa netflix habang wala pa siya pero bago ko man mapindot ang play, narinig ko ang pagbukas ng pinto ng bahay at tunog ng takong ni ma'am. Agad akong lumapit dito at tinulungan siyang bitbitin ang gamit niya. Mabilis na sinilip ko ang oras na nagsasabing alas otso na pala sa gabi.

Naawa naman ako bigla sa itsura niya. Halata sa maganda nitong mukha na sobrang stressed na siya sa nangyayare.

"I'm sorry." Saad ko nang umaakyat na siya ng hagdan. Natigil ito at nilingon ako.

"I don't need it. Just do what you promised."

Nasasaktan ako pero alam kong wala akong karapatang magreklamo dahil ako ang may kasalanan nito.

























~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

:)

HOW TO ANNOY MS. DE LEONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon