It's Monday, ibig sabihin may klase kami kay Ms. De Leon. Hindi pa nakakausap ni lolo si ma'am tungkol sa problema namin. Ang sabi niya ay, titingnan niya muna kung ano ang magagawa niya at kung sakaling wala na talaga, ako na ang gagalaw para kay ma'am.
Kasalukuyan akong nakaharap sa table ni ma'am habang siya naman ay busy sa pagtitipa sa keyboard ng laptop niya. Hindi ko na nabilang kung ilang oras na akong nakatayo at nakamasid lang sa kanya. Free cut ko dahil wala ang isa naming prof, kaya naisipan kong tumambay nalang dito hanggang dumating oras ng pagtuturo niya.
Gusto kong sulitin ang mga oras na nalalapitan ko pa sya. Gusto kong makita ng ganito kalapit ang ganda niya.
Napabuntong hininga ako dahilan para tumingin ito sa akin ng nagtataka. "Ang ganda mo." Sabi ko dito at ngumiti. Kumabog ang dibdib ko nang makita ang pamumula ng mukha nito.
"Ya! Did I make you blush?" Gulat na tanong ko rito. Inirapan ako nito at muling nagpatuloy sa pagtitipa niya. Parang tanga naman akong nakanganga sa harapan niya.
"Yeeessss!!!" Masaya kong sigaw at sumayaw-sayaw pa. I made her blush. I made her blush. I made Ms. De Leon blush!
"You're crazy." Iiling-iling na sabi nito habang nakangiti. Muli akong natulala.
Ang masungit naming prof na kinatatakutan ng lahat sa sobrang hirap ng nga quizzes at exam nito, ang prof naming mukhang galit palagi sa mundo, ang prof namin na nagugustuhan ko at nililigawan ay nakangiti ngayon habang patuloy soya sa pagtipa sa laptop niya.
Hindi ko lang basta napablush si ma'am, napangiti ko pa siya. Pero di ko maiwasang malungkot. Hindi ko alam kung hanggang kailan nalang ang oras na meron ako dahil alam ko sa sarili kong walang mahahanap na paraan si lolo.
"Ma'am?" Tawag pansin ko dito at umupo sa upuan na nasa harapan ng table niya. "Hmm?" Tugon nito.
"If I ask you to marry me, will you say yes?" Natigilan ito saglit at tumitig sa akin. Automatic na namula ako sa tingin na binibigay nito. Why naman kasi ganun tumitig si ma'am?
"I have to admit that I'm starting to like you, you're not as annoying as you are pala. But, it's not enough to marry you. You're still a kid. Work on your homeworks and exams first before you ask me for marriage. Hindi porket gusto ka ni tatay, ay gusto na rin kita." Ang harsh ni ma'am kahit kailan. Napanguso nalang ako sa sagot nito. Totoo din naman kasi sinabi niya. Hindi naman kasi talaga enough na like lang ako ni ma'am. Wait, what?!
"You like me?!" Gulat na tanong ko rito, pero mas nakakagulat nang mapansin kong nakangiti ito sa akin. Like, wtf?! Hindi ba ako nananaginip?!
"Yeah, I like you as a person. Not the way you're thinking." Sagot nito pero di nabawasan ang sayang nararamdaman ko.
"You're cute but stop smiling, you're starting to creep me out." Muli nitong saad na lalong nagpangiti sa akin.
Cute raw ako. Akalain mo yun, napuri ako hihi.
"Bat ang prangka mo ma'am? Hindi po ako nagrereklamo ah! Gusto ko yung side mong yun kasi nasasabi mo agad kung ano gusto mo at ayaw mo. Wait, it doesn't matter pala kasi gusto kita kahit ano ka and I'm willing to accept whatever or whoever you are. Kahit na mabaho utot mo, sisinghutin ko para sayo. O kaya kahit na magising kang mukhang bruha but I doubt din dahil you're gorgeous and napaka hot mo talaga, I'm not disrespecting you, ma'am ha? I'm admiring you, sobrang ganda mo that sometimes iniisip ko kung galing ka ba sa langit dahil your beauty is immaculate, tapos po yung boses mo parang anghel na hinihele ako. Napakasarap pakinggan, ma'am. Tapos ma'am yang eyes mo? Para akong nakatingin sa universe. Sobrang ganda niya, dahil it shows what you can't tell. And your mind, ma'am. Mas nakakadagdag sa taglay mong ganda ang talino mo. Wag po kayong mag-alala, ma'am. Kung gusto niyo akong pikutin, papapikot naman po ako, oo agad ma'am! Tapos...sabi ko nga po shut up na ko hehe." Kinabahan agad ako sa sama ng tingin na binibigay ni ma'am. At yung masamang tingin na yun ay biglang napalitan ng tawa.
Shet.
Gago.
Tangina.
Hayp.
Pakiramdam ko lumilipad ako sa sobrang ganda ng tawa ni ma'am.
Ganito ba talaga kapag inlove? Or ako lang talaga ang laging natutulala sa tuwing nakikita siya?
Ganun ba talaga ako kapatay kay ma'am?
Sobrang lalim na ng nararamdaman ko para dito at hindi ko na alam kung makakaahon pa ba ako.
"Ma'am..." Tawag pansin ko dito upang matigil sya sa kakatawa. Nagtama ang mga mata namin at muling kumabog ang puso ko sa tingin na binibigay niya. Unti-unting nagiging worth it ang mga efforts ko.
Mula sa mga mata niyang kumikinang, bumaba ang tingin ko sa matangos niyang ilong, pababa sa mapupula niyang labi. Napalunok ako nang dilaan niya ito. Bakit parang uminit ata?
Sa isang iglap, nagtagpo ang mga labi namin. Magkadikit lamang ito nung una, hanggang sa unti-unting gumalaw ang labi ko sa labi niya.
The moment felt so magical. Pakiramdam ko may mga paru-parong nagliliparan sa paligid namin habang magkadikit ang nga labi namin. What made it more magical is Ms. De Leon, kissing me back. It was a fragile kiss, we were testing the waters hanggang sa unti-unting naging mapusok ang lahat .
It wasn't me who initiated the fiery kiss, it was Ms. De Leon. It shocked me, but I gave her the same intensity, silently telling her how much I love her.
But like any other fairytale, the kiss ended. At katulad ng ginawa ni cinderella nang matapos ang sayaw, tumakbo ako. Tumakbo ako palayo kay ma'am dahil kinain ako bigla ng hiya.
Habol habol ko ang hiningang tumigil sa likod ng building namin. Gusto kong manuntok, gusto kong sabunutan ang sarili ko sa ginawa ko.
"Tangina mo talaga self! Bakit di mo pinigilan? Ano nalang sasabihin ni ma'am sayo? Arrgghh!!! Bobits ka talagaaa!" Inis na saad ko sa sarili ko at pinagpapalo ang pader. Kulang nalang iuntog ko ang ulo ko sa sobrang inis ko sa sarili ko.
I admit na sinasama ko sa prayers ko na magustuhan ako ni ma'am at mahalikan ko siya someday. But this is not the right time.
Bakit pa ngayon, kung kailan mas malaki ang tyansa na iiwan niya rin ako?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
;)
BINABASA MO ANG
HOW TO ANNOY MS. DE LEON
RomanceBarkada Series #1 She's our super masungit na teacher. I annoy her para makabawi sa sobrang hihirap niyang mga exam at quizzes. Pasalamat nalang talaga ako at di niya ko ibinabagsak. STARTED: March 2021 FINISHED: April 2021 Highest rank: #1 in gxg #...