THIRTY: STEP BACK

29K 957 181
                                    



I'm shaking.

The last thing I remember was going home to change for the dinner that should be held tonight. Then the next thing is I'm outside the hospital's emergency room dahil isinugod si Tatay kanina lamang.


I'm shaking out of fear. I'm scared to lose my father.

I don't know what happened, ang sabi ng pinsan ko ay nakita nalang nila si tatay na puno ng dugo at di na makilala ang mukha dahil sa bugbog.


"Kinausap na namin ang mga pulis, ate." Saad ng pinsan kong galing ng presinto.

"What did they say?" I asked at tiningnan ito. My headache got worse and I'm starving and thirsty but I don't have any strength to get up.

"Napagtripan daw ng mga tambay si tito at binugbog." Umangat ang kaliwang kilay ko sa sinabi niya.

"Walang tambay sa subdivision natin, Gab." Sagot ko dito. Huminga ito ng malalim at tumabi sa akin.

"Iyon ang sabi nila." Lumingon ito sa akin at kumunot ang noo. "Are you okay?" Tanong niya.

"Yes." Maikli kong sagot. The truth is it feels like I'm floating. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at sobrang antok na rin ako. Ngunit nilalabanan ko lamang dahil hindi pa nilalabas si Tatay mula sa ER.


But...






























I woke up at tanging puti ang mga nakikita ko. I sighed, mukhang di na nakayanan ng katawan ko at bumigay na sa sobrang pagod.

I was about to get up nang mapansing may nakahawak pala sa kamay ko at nanunuod ng kung ano sa phone niya.



"Hey, Adora." Someone said from whatever she's watching. "Owemji, bat ang attractive mo sa tux, Catra?" Saad niya. Automatic na napasimangot ako at inis na hinila kamay ko mula sa pagkakahawak niya.




"Y-you're awake. Hindi ko hinawakan kamay mo habang natutulog ka, promise!" Mabilisan niyang saad na inirapan ko lang.


"Who's Catra?" Tanong ko dito. Bigla itong napalunok at itinago ang cellphone niya sa likod niya.



"No one, she's no one." Sagot niya ng di nakatingin sa akin.

"Who is she?!" Inis na tanong ko dito at pinaningkitan siya ng mata.

"No one! And why are you even jealous, it's not like you like me or something." Inirapan ako nito at nagcross arms. Bored na tiningnan ko ito. Sometimes, she's really slow. I kissed her kanina, and told her that her lips are mine pero heto siya at di pa rin makuha ang sinasabi ko.



"Wait, you're jealous?!" Gulat na tanong niya at tinuro pa ako. Isang irap uli ang sinagot ko sa kanya at tinalukaran ito.


"Yiiiieee, selos misis ko. Yiieee, miss mo na ko noh?" Sinusundot-sundot ako nito sa likod ko ng paulit-ulit. Ghad, she's back to being annoying.




"Stop it." Saway ko dito dahil pilit ako nitong pinapaharap sa kanya pero ayaw ko dahil ramdam ko pag-iinit ng pisngi ko.


"Dali naaaa. Sabihin mo munang miss mo na ako." Kulit nito sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at napaface palm.


"Fine. I miss you too." Sabi ko sa kanya at tuluyan siyang hinarap.



"Napipilitan ka lang naman eh! Tss, dun nalang ako kay Catra." Agad kong sinamaan ito ng tingin at hinila palapit sa akin.


"No! You're staying here. Subukan mong pumunta sa Catra na yun di ka makakahalik talaga sa akin. And who names their child Catra? Ghad! Ang panget." Nanlaki ang mga mga nito at inalis pagkakahawak ko.

"You don't get to insult my favorite character like that! Catra is cute! Tho she doesn't want anyone telling her she's cute, except maybe Adora or maybe not dahil pabebe si Catra like you, but that's not my point. Catra is misunderstood at napakaikli ng pasensya at matigas ang ulo but I still like her because she loves Adora. And she's loyal like me. And did I already mentioned she's cute? She's like me." So she's fictional. I thought she was real. I got jealous for nothing. But she's right, cute nga siya habang patuloy sa pagkukwento about kay Catra.





"Medyo nainis lang ako sa kanya dahil in some point sinaktan niya si Adora anf her friends dahil galit siya sa pag-iwan ni Adora sa kanya. You know, pwede naman siyang sumama nung una but hindi niya ginawa but it's okay, naging okay pa din sila ni Adora. I don't even know how many times I've watched this series pero ang ganda kasi. I cried when they kissed. Like owemjiiii, sa wakas nasabi na rin nila feelings nila para sa isa't isa. Tapos pagkiss nila umilaw sila tapos naging She-ra na uli si Adora and owemjiiiii, I really like her new look kesa dun sa nauna. And Catra with short hair, deym, wife, mas attractive siyang tingnan lalo." Pagpapatuloy niya.



"What did you call me?" I asked. Natigilan naman siya at tumitig sa akin. "W-wife." Nahihiya niyang sagot.

"Galit pala ako sayo, di tayo bati, hmp!" Bigla namang pagtataray nito. Natatawang hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito.

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Saya, takot, pag-aalala. I don't know kung tama pa ba tong ginagawa ko.


Sobrang saya kong nandito siya ngayon at dumadaldal sa akin like we never had a fight. It's something I like and I hate at the same time about her dahil ang dali niyang magpatawad. Kahit na gaano kalaki ang kasalanan sa kanya ng tao, papatawarin niya pa rin ito.




Natatakot din ako dahil baka paggising ko bukas wala nanaman siya. Alam kong sinabi kong bibigyan ko muna siya ng oras para makahinga pero sa tingin ko hindi ko na kaya na magising sa umaga na di siya nakikita.




At nag-aalala ako dahil nasa paligid lang ang nagbabanta sa akin na sasaktan siya kapag lumapit ako dito. Minsan napapaisip ako kung ilang libro na may pagbabantang ganun ang nabasa niya. But sadly, nasa reality kami at wala sa isang libro. Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin.




Zara continued talking about the series she's watching habang pinapanuod ko lamang ito. Hinigpitan  ko ang hawak sa kamay niya dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita.

"What's wrong?" Tanong nito at pinunasan ang pisngi ko. I didn't even notice that I was already crying.


"Nothing." Sagot ko dito at niyakap siya. I smiled. Namiss ko amoy niya at itong yakap niya. "I just love you." Bulong ko.











So much.





~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bitin She-ra ಥ_ಥ

:)

HOW TO ANNOY MS. DE LEONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon