PROLOUGE

2.2K 51 4
                                    


THIRD PERSON'S POV

Isang masayang pamumuhay ang mayroon ang mga magkakapatid na walang gulo at kung ano man ang mayroon sila. Tulong-tulong silang gumawa ng mundo para sa mga taong maninirahan na may iba't-ibang kakayahan.

May nakaisip na gumawa ng bampira at lobo at meron din sa kanila ang gumawa ng lambana, higante, iba't-ibang uri ng isda, dragon at mga iba na meron lang sa mundo na kanilang gagawin.

Ang isang kapatid nila na si Sloane ay hindi tumulong dahil alam nya na ang kakayahan nya ay iba sa mga kapatid nya. Kaya't alam nya na sa sarili na hindi sya makakatulong kung kaya ay bumababa na lang sya sa mundong ginawa ng mga kapatid nya. Upang tignan sa kung ano man ang ginawa nila pero sa hindi inaasahan,

Sa paglilibot nya sa mundo ng Einda ay may nakatakpo syang isang makisig na maginoong lalaki. Nung una ay hindi nya alam ang kung anong nararamdaman patungo sa lalaking nakita nya lang na alam nyang nasa mababang uri ito.

Kung kaya ay nagtungo sya sa isa sa mga kapatid nya na si Thierry. Ang pinakamalakas na syang nagpasimunong gumawa ng mundo at kung ano-ano pa.

Tinanong nya ang kapatid sa kung ano ang nararamdaman nya at nalaman nya na isa pala yun ay ang pagmamahal na kinasaya nya dahil sa nadarama.

Muling nagtungo sya sa mundo ng Einda at nakisalamuha sa lalaking nagpapatibok ng husto sa puso nya. Napakasaya ni Sloane ng sa isang linggong paninirahan sa mundo ng ginagalawan ng mahal nya ay natuto syang makisalamuha sa mga ito.

Nanirahan sila sa lugar na inatawag na Nitha ng tahimik at mapayapang mag asawa. At hindi nya inaasahan na magkakaroon sila ng isang babaeng at isang lalaki ang mga anak na kinagagalak nya.

Kalauna'y nalaman ng magkakapatid ang nangyari sa kung ano ang ginawa ng kanilang kapatid. Nagalit si Thierry na yun ang pinagbabawal na ginawa nila at dahil dun ay mag isa syang tinungo ang kung saan ang mag asawa.

Nagmakaawa ang diyos ng kadiliman na huwag saktan ang asawa't anak nya na mas nagalit pa lalo si Thierry sa mga nasaksian. Itinapat nya ang mga palad kay Yahir na kanyang asawa na buhat-buhat ang kanilang anak na babae habang sya ay ang anak nilang lalaki. Lumiwanag ang palad nito na ganun din ang katawan ni Yahir at kasabay ng nakakabulag na liwanag ay ang pagkasabay ng paglaho ng dalawa.

Walang nagawa si Sloane kung hindi ang umiyak ng umiyak habang yakap ang naiwan na lang sa kanya hanggang sa makaramdam sya ng paghihinagpis at galit sa kanyang kapatid. Ang berdeng mga mata nito ay napalitan ng kulay itim at ang kinatatayuan nya na napapaligiran ng itim din na usok.

"Thierry!!"sigaw ni Sloane bago nito itinapat ang palad sa harapan ng kapatid.

At dahil sa ito ang unang pinakamalakas sa mga ibang elemento ay hindi nakayanan ni Thierry ang lakas nito na may halong galit at dahil din na si Sloane lang ang nagmamay-ari ng ganung taglay na kapangyarihan.

Lumiwanag ang katawan ni Thierry kasabay nun ay nawala na ito ng parang bula habang si Sloane ay galit lang ang nararamdaman sa loob nya. Dahil sa galit sa kapatid ay nasama nya pa ang ibang kapatid niyang gumawa ng inaapakan nyang lupa.

Gamit ang kapangyarihan ay gumawa sya ng tao na katulad ng kakayahan nya at pinag utos itong sirain at gumawa ng hukbo laban sa mga nabubuhay sa Einda. Para makipaghiganti at pata na rin sa nararamdaman nyang lungkot dahil sa pagkawalay nya sa kanyang mahal. At ang taong ito na ginawa nyang demonyo ay pinangalanan nyang, Oreno.

I Got Reincarnated As A God [SHADOW]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon