CHAPTER 17

239 16 0
                                    

SEINA'S POV

KALAHATING ORAS na ang nakalipas ngunit wala parin ang tatlo na sila Javier, Corey at Knox. Kaya napag isip namin ni Shane na lumabas muna ng kwarto. Wala naman kaming ibang magawa sa kwarto na yun bukod sa matulog at matulog.

Naisipan namin ni Shane ang pumunta sa isang kainan dahil sa gutom nya at ako na nagsisimula namang magutom. May mga ilan naman kaming nakikitang bampira at lobo na siguradong dayong katulad namin.

Sa pagpasok sa kainan ay madaling nagtungo si Shane sa isang lamesa. Ako naman ay nagtungo sa isa pang lamesa na hindi kalayuan kay Shane. Sinadya namin ito dahil sa yun ang aming plano.

Pareho naming napansin na may kakaiba sa bayan na ito. Hindi sa puro tao ang mga narito kung hindi bakit ba madalang ang ibang lahi dito? Wala kaming nakikitang matanda o bata sa buong bayan na nakakapagtaka lang.

Hindi naman yun mawawala sa isang bayan ang magkaroon ng mga bata ngunit sa bayan na ito, ay kakaiba.

"Agh.."

Napatingin ako sa nanggalingan ng tunog na yun at nakita ang isang babaeng nakaupo sa sahig. Sa harap nito ay ang lalaki na mukhang nagkabungguan ang dalawa.

"Kasalanan mo din naman binibini kung bakit hindi ka nakatingin sa daan," saad ng lalaki na kinagulat ko na lang.

Takte bakit nya sinabi yun? Dapat tinulungan nya ang babae at hindi pinagsalitaan ng ganun--

"Ahh ganun ba? Pasensya na ginoo kung kasalanan ko ito," tugon ng babae na tumayo mag isa nya at nahirapan pa nung una.

Ehhhhh????

'Hindi man lang tinulungan nung lalaki, tch.'

"Sa susunod binibini tumingin kana sa dinadaraanan mo,"

"Ahh sige po," tugon ng babae na yumuko pa ng dalawang beses sa lalaki.

Bakit ganun? Hindi ba ginoo yun at tamang igalang o tulungan ang binibini kahit kasalanan nito? Pero bakit hindi nya tinulungan at pinamukhang kasalanan ng babae yun? Mukhang may kakaiba sa utak ng lalaking yun.

"Magandang hapon binibini, maaari ko bang makuha ang iyong nais na inumin o pagkain?" naputol ako sa pag iisip ng sumingit ang babae sa harapan ko na may ngiti at makikitang mahinhin ito.

"Ahm.." napaisip naman ako kung ano ba ang gusto ko. Napatingin ako sa harap at makikita doon ang mga inahahain nila. May mga meryenda, ulam, at pagkain na hindi ko alam ang mga pangalan dahil ngayon lang ako nakatingin ng putaheng bago lamang sa mata ko. Pati nga pangalan kakaiba.

"Chi? Chi-chi? Anong klaseng pagkain yun? Sino naman nagpangalan nun? Bakit chi-chi? Manok yata.'

"Ahm.. C-Chi-Chi at tubig na lang." saad ko sa babae na tinanguan ako.

"Chi-Chi at tubig. Sige po binibini, maghintay lamang ng ilang minuto at idadala ko agad ang iyong nais," anito at umalis na sa harapan ko.

Napabuga na lamang ako ng hangin ng makaalis na ito at napatingin naman kay Shane na nasa gilid. Nakaharap ito sa cellphone nito at kita ko kung paano manggigilid sa pagkulikot na parang may kaaway dun.

Hayst.

Napatingin naman ako sa likuran nya na kung saan ang tatlong babae na masayang nag uusap. Mapapansin ang pagkamaldita ng isa habang ang dalawa naman ay hindi gaano. Patuloy lamang ang masayang pag uusap nila ng bumukas ang pinto at pumasok ang limang lalaki.

Ang tatlong babae na masayang nag uusap sa gilid ay biglang tumahimik na kunwaring umiinom o kumakain sa nakahapag sa harapan nila.

Napatingin ako sa bagong dating na may kakaibang aura sa kanila. Lalo na ang lalaki nasa gitna. Masasabing hindi sila pangkaraniwang tao katulad ng mga nasa paligid.

I Got Reincarnated As A God [SHADOW]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon