CHAPTER 20

245 15 0
                                    

YOW FERSONS.

SOMEONE'S POV

"SHHHHEEEEETTTTTT!!!!!"

"FVCK YOU MOROOONN!!!"

Mabilis na tumakbo kasama si Ceb na parang wala lang sa kanya. Tumatawa pa nga ang tuleg, as if naman na may nakakatawa? Walang nakakatawa okay?

"Shet! Shet!" Hinihingal na ako at gusto ko ng tumigil sa pagtakbo pero kailangan ko itong gawin. Para sa buhay ko at para sa mundo. Dahil kung susuko ako sa pagtakbo ay mawawalan ng saysay ang pinakainiingatang mukha ko. Ang gwapo ko kaya tapos susuko na lang ng ganun?

Nakangisi lang si Ceb na pafeeling cool pero taina hindi nya kinaastig yun. Naasar na ako gusto ko syang iwan at hayaang lapain ng halimaw pero hindi ko yun magagawa dahil makakaligtas ito.

Sya pa ba? E malakas itong kupal na ito e.

Pero paano nga ba kami humantong sa ganito? Well, ikwekwento ko. Huwag atat, palapit palang tayo sa exciting part.

So okay ganito kase yun, ang mga ferson na ito ay kararating lang sa isang bayan. Syempre isa kami sa mga adventurous at hindi kami tumatagal sa isang lugar. Palipat-lipat lang kami. Wala kase kaming matirhan na komportable at tsaka kahit ganun mayaman kami tol.

Hindi ko muna sasabihin kung bakit ko sinabing mayaman kami kase tsaka na yun. Hindi pa tapos ang kwentong ito e. Mahabang paglalakbay pa ang mangyayari dito.

So ganito guys, umalis na nga kami sa bayan diba? Kase pupunta kami sa paaralan. Hindi para mag aral okay? Alam nyo na kung bakit, tinatamad na ako magsabi nun.

Ito kaseng si Ceb, masyadong mayabang, super yabang like duper. Sa sobrang yabang ay sya ang nauuna parang he's like a boss. Follow the leader mga ganun. Parang may hangin na nakapaligid sa kanya, sa sobrang kayabangan ay nalilipad ako ng hangin na yun.

Pinagpilitang sa short cut kami dumaan para mabilis kaming makarating. Pero ang akala ko short cut ay mali pala. Kase yung mapa nyang hawak ay nakabaligtad kaya kanina pa kami umiikot dito sa gubat hanggang sa makasalubong namin itong halimaw. Bale pito silang halimaw.

Ilang minuto ang nagtagal na nagtatakbuhan kami ng bumagal ang takbo ko dahil sa pagod. Parang wala na akong pake sa mundo ko kaya unti-unti ay tumigil ako.

Hindi ko alam kung nagpatuloy pa ba si Ceb sa pagtakbo e. Basta ako makapagpahinga lang ng ilang segundo.

Kapos ang hininga kong napatitig sa lupa. Hindi ko na talaga kaya. Kalahating oras kaming naghabulan ng mga halimaw na yun. Isang normal lang akong ferson at hindi ako malakas pero gwapo okay na yun.

Maya-maya lamang ay narinig kong umungol ang isang lobo. Nangunot ang noo ko at hindi ko ginawang lumingon dahil tinatamad na ako. Pagtakbo nga tinamad na ako e yung paglingon pa ba dun. Wala na akong pakielam kahit lapain na ako ng halimaw basta nakapagpahinga ako ayos na.

"Okay kana?"

Narinig kong tanong ni Ceb.

"Ou" sagot ko habang hinahabol ang hininga ko.

"Oh good, tara na," aya nya pero hindi ko nagawang tumugon. "Hayst, mga tamad nga naman," narinig kong bulong nya at maya maya lamang ay hinarap nya sakin ang likod nya.

"Sakay,"

Nakaginhawa ako at hindi nagdalawang isip na sumakay sa likod nya. Sasayangin ko pa ba itong pagkakataon na ito. Syempre hindi.

"Umay naman, ang bigat ng Bab ko," bulong nya na nagsimula ng maglakad.

"Pagod ako kase kasalanan mo,"

I Got Reincarnated As A God [SHADOW]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon