CHAPTER 15

288 19 1
                                    

CHAPTER 15

MAAGANG NAGISING si Seina dahil sa isang panaginip na hindi nya maintindahan kung bakit napanaginipan nya ito. Hindi nya makita ang mga mukha ng mga ito ngunit isa lang ang pinapahiwatig sa kanya. Yun ay ang mga Diyos.

Bumangon sya sa pagkakahiha at dahan-dahang umalis sa kama para hindi magising si Lincoln. Tahimik syang naglakad palabas ng kwarto at bumaba patungo sa kusina para uminom ng tubig.

Hindi pa sya nakakarating sa kusina ng may narinig syang kaluskos mula sa hagdanan. At nang tignan kung sino yun ay nakita nya si Draco na pababa. Makikita sa mukha nya ang kulang sa tulog, lungkot dahil sa pagdadalamhati nito, sa pagkawala ng magulang nya.

Hindi na sya nagpatuloy pa patungo sa kusina at sinalubong ito mula sa hagdan.

"Seina?" takang tawag nya sa kanya ng makita nya ito. "Why are you still up? It's still early in the morning,"

Tipid na ngumiti ito. "Nah. I can't sleep and I'm thirsty so I went down,"

Tumango-tango ito at nilagpasan sya. "Me too. I can't sleep,"

Seina looking at his back while following him toward the kitchen. She is worried when she saw his face earlier. Alam nyang malungkot sya pero wala syang ibang magagawa kundi ang intindihin na lamang ito.

Ayaw nyang magsalita tungkol sa kung anong estado ni Draco ngayon. Ayaw nyang kulitin ito sa pagtatanong kung ayos lang sya dahil alam nyang isasagot lang nito na ayos lang sya pero ang totoo ay hindi.

Lahat naman ng tao o ano sa mundo ay yun ang tinatanong sa nagdadalamhati o malungkot. Kahit alam nang hindi ito maayos ay kukulitin parin nya ito kung ayos lang ba sya. Nakakasawa ding tanungin ang mga taong ganun.

Nang makarating silang dalawa sa loob ng kusina ay agad na binuksan ni Draco ang refrigerator.

"Ahm," isiningit ni Seina ang ulo nya at sumulyap kay Draco na nagulat sa ginawa nya. "Pwede bang kunin mo yung gatas sa itaas," anito at ngumiti. "Hindi ko kase maabot e, please?"

Napangiti si Draco at tumango. "Okay, yun lang ba?"

*Nodded*

"Thank you," pagpapasalamat ni Seina at dumiretso patungo sa island counter at umupo sa stool na naroroon.

Napailing-iling na lamang si Draco at kinuha ang gatas na sinasabi nito at tubig na para sa kanya. Nang makuha ay naglakad sya palapit sa kinaroroonan ni Seina at inilapag ang gatas. Nagprisinta na itong kumuha ng baso para sa kanilang dalawa na hinayaan naman nya.

Tahimik ang namayani sa kanilang dalawa habang umiinom sila ng sarili nilang inumin. Nagtataka lamang si Draco ng hindi sya tanungin ng kung ano katulad ng ginawa ng iba nilang kaibigan. Pero dahil sya si Seina ay hinayaan na lamang nya ito dahil gusto nya rin naman ng hindi tinatanong ang kung anong nararamdaman nya.

*Clear throat*

"Can I ask you something?" tanong ni Seina na hindi nakatingin sa kanya.

"Go ahead."

"Ahm, gusto ko lang tanungin kung.. alam mo ba ang tungkol sa libro?" napansin ni Seina ang pananahimik ni Draco at mula sa gilid ng mga mata ay nakita nya itong natigilan habang nakatingin sa kawalan. "If you don't want to asnwer, it's okay. I just want to ask that because you know I'm curious, that's it," wika ni Seina ng makita nyang walang sasabihin si Draco.

*Scoffs*

"It's okay to ask *Sighs* and I tell you what I know about that book. But first, I want you to be behave and don't let the others know about this," seryosong saad ni Draco.

I Got Reincarnated As A God [SHADOW]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon