CHAPTER 24

154 8 0
                                    

AMBER'S POV

'WE need to escape.'

Dinig kong wika sa aming isip ng soon-to-be-hari. Hanggang ngayon ay napapaisip parin ako kahit wala namang isip pero dahil prinsesa ako ay dapat may isip ako.

Walang halong biro o jokes talagang si Seina-da-mulag ang nakita namin sa larawang yun. Maputi at mahaba ang buhok, pinkish ang labi, singkitang mata na maririkit at may mahabang pilik-mata. At ang mga mata nyang berde na kamukhang kamukha talaga.

At sa lahat ng tao na namumuhay sa mundo ay bakit nahalintulad pa sya sa isang diyosa? Alam kong maganda sya pero grabe naman. May kamukha talaga.

Pero teka. Diba sinabi ng lalakitang yun na nawala na parang abo si Thierry which is the Goddess of everything then merong lumitaw na Seina.

Parang may kakaiba.

Kase naman matagal na si Thierry, matanda pero hindi halata dahil walang katandaan ang mga Diyos tapos si Seina mga 17 lang pero grabe na kung lumandi sa soon-to-be-hari ng mundong ito.

At dahil sa magkamukha sila na parang pinagbiyak na buko o kay sarap nito. It's buko why not. Coconut.

Possibleng na reincarnation si Seina or si Thierry sa katawan nya. At dahil nasa mundo sya ng mga tao ay hindi lumabas agad ang kapangyarihan nya ganun? Like wat da pak is happening?

Pero impossible yun kaso possible na nga kase kamukha e tapos nakokotrol pa ni Seina ang ilang elemento. Ang gulo naman bakit pa kase may mga ganto.

Tapos dumagdag pa itong sampung Diyos. May Goddess of Fear at Goddess of Darkness pala na hindi naman itinuro sa paaralan yan. Hanggang math lang talaga kami.

Bakit itinago ng mga hudlom o ng nakakataas ang mga importanteng tauhan ng kwento? Bakit ba kase nagawa itong magulong kwentong ito?

'Thana and Amber, you need to leave here.' Dinig kong wika ni Lincoln sa isipan namin na dumagdag naman ang tanong sa isip kong walang wala na.

'Huh? Bat kami lang?'

'Hindi pwedeng lahat tayo dahil mahahalata nila.'

'Tanga mahahalata talaga! Mga babae kami! Mahahalatang may mawawalang beautiful na ikinulong nila!'

'Listen Amber. This is not time for joke. Kailangang may magpadala ng balita sa ilabas ng Xeus. Na may mga ganitong kaganapan dito.' Seryosong saad ni Zion.

'But how about you?' Malungkot na tanong ni Thana.

'Don't mind us. Ang mahalaga ay mapabalita nyo ang mga nangyayari dito.'

'N-No I can't.' matigas na saad ni Thana.

'Thana we don't have choice. Hindi namin kayang may mangyaring masama sa inyo kaya kailangan nyong umalis bago pa makagawa ng masama si Admis.' Madiing paliwanag ni Kieran.

Mukhang nagkakasundo-sundo ang mga lalaki at pinagtatabuyan na kami. Nagtatalo-talo naman kami kung bakit dalawa lang kami pero kahit ayaw ko man ay kailangan kong tanggapin.

Bahala na si Elsa.

Ilang minuto pa kaming nagtalo hanggang sa nagkaroon na sila ng ideya at plano na labag naman sa kalooban namin ni Thana.

Nang matapos sila ay naghintay lang kami ng pagkakataon para masagawa nila ang pinag usapan.

Sa laki ng kastilyong ito ay mahihirapan kaming dumaan sa labasan pero kung may gustong makatakas may paraan. Dahil narito kami sa ikalawang palapag ay madali lang makaalis kung dadaan mula sa bintana.

I Got Reincarnated As A God [SHADOW]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon