CHAPTER 9

401 15 1
                                    

~~~

Third person's POV

Hinihingal na nagbigay distansya ang isa't-isa pagkatapos ng kanilang pagsagupaan. Wala man lang nakikitang ano mang galos sa katawan nila kundi pawis.

Hindi pa sila gumagamit ng abilidad nila pero ganun na sila kabilis na kahit hubad na mata ay hindi makikita.

Sa ilang libong henerasyon ng mga naninirahan sa mundo nilang tinatawag na Einda ay minsan lamang nilang nasaksihan ang dalawang mabilis na mga galaw o kilos kung laban ang pinag uusapan.

Isa si King Alaric sa dalawang yun na mas kinahahangahan ng lahat. At isa naman ay ang kanyang kaibigan na si Stelorn.

Pero sa kasamaang palad ay may trahedyang nasakop ang mundo nilang napalibutan ng mga halimaw.

Si Stelorn ay inatasang paslangin ang mga ito pero nabigo sya at hindi na nakabalik pa na dahilan kung bakit naghinagpis ang hari.

Mataimtim lamang na nanonood sa entablado ang hari. Inaamin nyang nakikita nya si Seina na galing sa ibang mundo ang kanyang kaibigan.

Pero paano yun? Walang naging kaintahan ang kanyang kaibigan kaya imposibleng maging anak nya ito.

Pero kahit ganun ay nahihahambing nya ang kaibigan sa dalaga.

Sa paghawak pa lamang sa espada mula sa kaliwa at mga kilos nito ay pare-pareho sa kanyang kaibigan. Alam nya ang ibig sabihin kung hawak ni Stelorn ang armas sa kaliwa.

Hindi nya sineseryoso ang kalaban kaya nga lagi syang naiinis sa laging paglalaban nilang dalawa. Na lagi na lang ang kaliwang kamay nito ang gamit.

Sa unang pagkikita nilang dalawa o pagtingin dito ay merong iba sa kalooban nya na dahilan kaya magaan ang kanyang loob dito. Hindi nya alam kung dahil ba yun sa masayahin ang dalaga na mabilis pakisamahan o ano.

Ang alam nya lang sa dalaga ay ang kanyang pangalan at kung saan sya nagmula. At hanggang doon lamang yun. Ni hindi nya nga alam na marunong itong humawak sa espada na kayang gumalaw ng ganun kabilis.

Dahil ang tanging nakikita nya lamang dito ay hindi kaya yun.

Malaki na din ang ipinagbago nya simula ng ipinadala nya ito sa unibersidad para mas lalong matutunan kung paano nito kontrolin ang kanyang kakayahan.

Kahit man na nagtataka sya kung paano sya nagkaroon ng kapangyarihan pero yun ay ipinaliwanag naman ni Miss Koko.

Na sya ang itinakda.

Ang magliligtas sa kanilang mundo.

Na sya ang pinili ng mga diyos.

Sa kabilang banda naman ay iba ang naiisip ng reyna dito na katabi lamang ng hari. Gusto nya ng makita ang kapangyarihan ni Seina pero pisikal pa lang ang sinabi ng headmaster Waynard kaya wala syang gana hanggang hindi nya nakikita ang kakayahan nito.

Napansin naman ng hari ang kalungkutan sa mukha ng reyna kaya tinatanong nya ito.

"What's the matter, darling?"mahinang tanong nito sa asawa.

Tumingin lang sa kanya ang reyna at ibinalik muli ang tingin sa entablado. Wala syang narinig na tugon kaya huminga sya ng malalim at ginamit ang salitang makakapagsalita dito.

Ayaw nyang nakikitang malungkot ang asawa kaya gusto nya itong komprontahin.

Do you want me to punish you tonight? Tanong nya sa isipan para walang ibang makarinig.

Agad namang napabaling ang reyna sa asawa nya na mabilis nyang sinamaan ng tingin.

"So what's the matter, darling?"bulong nya ng muling tumingin ito sa kanya.

I Got Reincarnated As A God [SHADOW]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon