SPECIAL CHAPTER: FESTIVAL 0.2

208 14 2
                                    


SEINA'S POV

AGARETH ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Zeifa. Isa itong maliit na bayan sa nasabing bansa, at dahil dun ay laging nasa piligro ang mga buhay nila. Ni isa sa mga nakatira doon ay walang mga taglay na kapangyarihan kaya sila ang minsang targetin ng iba't ibang halimaw.

May ibang kawal na ang nagtungo sa lugar na yun ngunit tila ba kakaiba, yun ang sabi sa napagtanungan ko. Ngayon ay kasalukuyang nasa gubat ako at malapit na sa bayan ng Agareth. Tumigil ako dahil sa gutom, dahil sa tao pa naman ako kaya nakakaramdam ako ng gutom.

Umupo ako sa isang bata at binuksan ang bag ko. Pansin ko na malapit ng lumubog ang araw. May dalawang oras pa ako para hindi abutin ng gabi sa kakahuyan. Madali lang naman sakin dahil isa akong henyo hehehe.

Kinain ko na ang baon kong tinapay na dala-dala ko. Inaamin kong kulang ito dahil hindi ako pangkaraniwang nilalang. Dalawang linggo ng hindi pa ako nakakainom ng dugo. Pero hindi simpleng dugo ang hangad ng katawan ko kundi ang dugo ng isang maharlika yun ay walang iba kundi si Lincoln. Yeah ang chupapi ko kaya kayo maghanap ng inyo dahil malapit na valentine.

Labag man sa kalooban ko at ako mismo ng dala sa sarili ko dito ay tumayo na ako ng matapos kong kainin ang tinapay na baon ko. Mabilis na tumakbo at tumalon sa isang sanga patungo sa isa pa. Parang kailan lang sa akin na isa akong taong may katangahan na naninirahan sa dati kong mundo.

Malaki man ang ipinagbago ng aking katawan o anyo ay isa parin akong henyo.

Hindi nagtagal ay nakarating ako sa isang maliit na bayan. Talaga nga madaming kakulangan sa bayang ito. Gawa sa mga kahoy lamang ang kanilang bahay, may ilan pa akong nakikitang nasa bukirin. At alam kong mahirap ang buhay dito dahil sa tindi ng init.

Pinagpapawisan nga ako e.

Pansin ang kahirapan sa mga nakatira dito. Kaya hindi malabong makatawag ito agad ng tulong sa centro lalo na sa kanilang kaharian. May nakikita pa akong mga tanim nilang nalalanta na at konting tubig lang ang meron sa kanila na dumadaloy sa bukirin.

Bumaba ako sa sangang kinatatayuan ko at naglakad patungo sa bayan. Iginala ko ang paligid at matatanda na lamang ang naroroon. May limang bata akong nakikitang naghahabulan ngunit sinisita ng kanilang magulang dahil siguro baka mawala ang mga ito.

Napatingin silang lahat sa gawi ko at halo-halo ang emosyong nakikita ko sa mga mata nila. Takot, lungkot, sakit, at kagalakan.

"Ahm, maari ho bang magtanong?" tanong ko sa isang matandang nakatingin sakin. Ilang segundo itong nakatingin sakin bago lumapit at lumuhod sa harapan ko.

"Maraming salamat at nadinig din ang haming hiling!" Saad ng matanda habang nakaluhod at nakatingin sakin. Nagulat ako sa ginawa nya ganun din ang iba na maluha habang nakaluhod din sa harapan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil para akong isang mataas na nilalang para luhudan.

Ay niluhudan na pala ako, nakahubad nga lang.

"Totoo nga ang Diyos!" sigaw ng matanda na ginaya ang iba. Mukhang iba ang pakiramdam ko sa mangyayari, huwag naman sana. Lumapit ang matandang babae sakin na nakaluhod parin.

"Ano ang maipaglilingkod namin sayo, aming Diyos?!" tanong nya na maluha-luha pa. "Gagawin namin ang lahat upang iyong matulungan kami!"

Gulat ako sa tinawag nya sakin. Gusto ko mang magmura pero hindi dahil sa tinawag nya sakin.

"A-Ah, n-nagkakamali ho kayo hindi ho ako--"

"Narito ang alay namin sayo, aming tagapagligtas!" singit ng isa pang matanda habang nakalahad ang ilang prutas sa harapan ko.

Ano ako santo?

Madami akong kasalanan sa buhay at hindi ako maaari o tanggap bilang isang diyos. Ano bang nagawa ko sa buhay ko para makatanggap ng ganitong trato?

"H-Hindi po ako---"

"Tanggapin ang aming alay upang kami ay matulungan!" sabay-sabay na wika nilang lahat.

Napakamot na lamang ako ng ulo at wala nagawa kundi ang tanggapin ito. Biglang naghiyawan sila at maya-maya ay iginaya ako sa isang kubo.

"Aming ipapaliwanag ang problema namin, nawa'y iyong matulungan ang mga bata gayun din kami.."

Pinaupo ako sa sahig, malinis naman iyon at mukhang nakagawian na nila. Tatlong matatanda ang nasa harap ko, pawang uugod na at hindi na gaanong makagalaw. Yun ang hula ko.

"Gusto nyo ho bang magtsaa muna?" tanong sakin ng isa.

Umiling ako." Hindi ako maaring magtagal, kailangang sabihin nyo na ang problema at kung ano ang maitutulong ko." walang paligo'y ligoy dahil kailangan na talaga.

Huminga ng malalim ang isa sa kanila at nagsimula ng magpaliwanag. "Ang aming bayan ay hindi gaanong kilala ngunit masagana ang aming bukirin lalo na ang aming tubig. Ang mga prutas at gulay ay hindi agad nalalanta kung ito'y napitas mo na nung huling buwan. Malalakas at pala kaibigan ang mga tao rito, pero nung nakaraang tatlong buwan ay nagbago ang lahat. Sa hindi malaman na dahilan ang aming mga halaman ay nalanta, kaunti na ang tubig na dumadaloy mula sa amin. Ang aming anyo ay nag iba, mabilis na tumanda at ang mga bata ay isa-isang naglalaho hindi malaman ang dahilan kung paano. May mga halimaw na dumadalaw sa aming bayan para manggulo. Hindi na namin alam kung ano ang gagawin at nawawalan na kami ng pag asa,"

"Ngunit narito kana aming taga pagligtas, ramdam ko ang kakaibang aura mula sayo. Ganito man ako ngunit alam kong malakas at may kabutihan sa iyong loob."

Mali po kayo may halimaw sa loob ko.

"Kung ganun ay bigla na lang po nalanta ang inyong mga halaman at bumaba ang tubig na patungo dito?" pag uulit ko na may patanong. Tumango naman sila bilang tugon. "Mukhang kagagawan ito ng isang mahika. Ang pagbiglaang paglanta ay hindi mapagkakailang kapangyarihan o isang hindi malaman na mahika ang nagpabago sa inyong bayan. Hindi ko alam kung may kaugnayan ito sa pagkawala ng mga bata o ang mga halimaw. Pero nasisiguro ko hong tutulong ako sa inyo."

Nagpasalamat at kita sa mukha nilang tatlo ang kasiyahan.

"Hulog ka ng langit, aming taga pagligtas." wika ng isa at pansin ko ang kapayatan nila. Siguro ay dahil sa kawalan ng pagkain sa lugar na ito. Napatingin ako sa gilid ko kung saan ang nga prutas na ibinigay sakin.

"Saan po pala galing ang mga prutas na to kung sinabi nyong nalanta ang inyong pananim?" tanong ko.

"Ah, ang anak ko ang kumuha nyan. Nagtungo sya sa kabilang bayan upang bumili ng aming kailangan at sa pagbalik rito ay nakakita sya ng prutas mula sa gubat," paliwanag ng matandang babae.

Tango na lamang ang naitugon ko. Magsasalita pa sana ang isa ng may marinig kaming sigaw mula sa labas. Nabasa ko naman ang aura na yun at mukhang yung halimaw ang tinutukoy nila. Tumayo ako at lumabas ng kubo.

Nakita ko ang isang halimaw sa di kalayuan at sinisira ang mga tanim mula sa bukid. Mabalahibo at matatalim ang kuko at ngipin. Pula ang mata at parang baboy ang kanyang ilong. Mahaba ang tenga na parang kunego at may buntot din na mahaba.

"Tsk," hinawakan ko ang espada ko at inilabas ito. Mabilis akong tumakbo mula sa kinaroroonan ng halimaw at sinaksak ito pagkatapos ay inalisan ng ulo. Baka mabuhay pa.

Pagka tapak ko sa lupa ay napatingin ako sa espada ko. May kakaiba akong nararamdam mula sa dugo nito. Nakalaban na ako ng halimaw ngunit hindi ganito ang dugo nila. Kulay berde ang dugo ng tunay na halimaw at hindi pula.




***

I Got Reincarnated As A God [SHADOW]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon