CHAPTER 8

399 17 0
                                    

~~~

NASA loob lamang ako ng aking kwarto na pinapagaling ang sarili ko mula sa halaman. Sinabihan ako ni Demon kanina ang tungkol sa kalagayan ni Cai. Pinatulog ko ito at dinala sa sariling kwarto pagkatapos ay isinuot ko ang bigay ni Aelous o Demon na kwentas sa kanya.

Hindi ko alam kung para saan ang kwentas na sinabi nya lang na makakatulong kaya hinayaan ko na lamang.

Nang matapos kong gamutin ang aking sugat ay naghanda na ako sa kung ano mang gaganapin ngayon. Kailangan daw na nakauniporme kaya yun ang sinuot ko at bago lumabas ay kinuha ko ang stick na bigay ni Zeke at ginawang pang ipit sa mahaba kong buhok.

Lumabas ako at dumeretso patungo sa dining. Naramdaman ko ang mga presensya dun kaya ako nagtungo na baka kumakain na silang lahat.

At nang pumasok ako ay totoo ngang kumakain sila kasama ang panauhin na galing sa ibang mundo. Ang galing lang dahil inaasahan kong alien ang mga ito pero ang gaganda pala ng mga lahi.

"Ohayo!"nakangiting bati ko sa kanila na mabilis namang napabaling ang atensyon nila sakin.

Nang makita ako ni Thana at Amber ay agad ang mga itong lumapit na ikinulong ako sa mahigpit na yakap.

"Wahh! Namiss kita Seina!"naiiyak na saad ni Amber na ganun din si Thana.

"Isang araw lang akong nawala hindi isang taon."biro ko sa mga ito kahit man na ganun din ang nararamdaman ko.

"Kahit na! Ano ba kaseng ginawa nung ano sayo?"nakangusong tanong ni Thana.

Napaisip naman ako kung sino ang tinutukoy nya na mukhang si Demon na nasa loob ko.

"Ah.. si Aelous ba?"tanong ko na tumango naman sila. "Wala lang."

Alam kong hindi sila gumbinsido sa sinabi ko kaya hindi ko na lamang ang mga ito pinansin lalo na ang isa sa kanilang titig na titig sakin. May kasalanan sya sakin kaya walang pansinan mode muna.

Umupo ako sa bakanteng upuan at hindi ko napansing kaharap ang isang bisita. Inaamin kong gwapo sya pero wala na sakin yun.

Nagsasawa na nga ako sa mga nakapalibot na prinsipe sakin at meron pa yung bagong studyanteng apat tapos dadagdag pa itong isang prinsipe din. Kaya ang mga gwapo nila o appeal man ay hindi na tatalab sakin.

Pansin ko ang titig nya na hindi ko na lamang pinansin pa dahil sa nararamdaman ko ang isa ding matang nakatingin sakin.

Seryoso? Balak nila akong atakihin sa puso?

Pilit ko na nga lang na hindi sumulyap sa kanila dahil alam ko sa pagtitig palang sa mga mata nila ay mahihipnotismo ka na sa angking ganda o kisig na taglay nila.

Nag uusap usap din ang mga ito habang ako ay iniisip kung paano ko ba sisimulan ang plano namin ni haring demonyo. Ang pag alis o pagpatay sa ibang demonyo sa buong paaralan.

Wala pa namang sinasabi sakin si Cai kung ano ang mga kahinaan nila.

Kaya ng matapos akong mag almusal ay umakyat muna ako sa pangalawang palapag at tinungo ang silid nito. Napasimangot naman ako ng makitang tulog pa ito dahil sa pagpapatulog ko sa kanya kanina ng hindi tumahan sa pag iyak dahil sa ginawa nya sakin at sa buong paaralan.

Lumabas na lamang ako at nakita kong paalis na din ang mga kasama ko. Sumabay din ang dalawang prinsipe at prinsesa na manood daw sa special na okasyon.

Nasa likuran lamang ako at tahimik na nakasunod sa kanila. Wala akong balak na makipagkwento dahil sa dami kong iniisip na isa lang ang solusyon.

I don't know about there weakness. Sagot ni haring demon na kasalukuyan naming pinag uusapan kung ano nga ba ang kahinaan ng D-nest.

I Got Reincarnated As A God [SHADOW]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon