CHAPTER 25

152 8 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

MABILIS na umilag si Kieran mula sa atake ng isang lalaking may hawak na espada. Itinaas nya ang kamaong nakasara at malakas na sinuntok ang sahig.

Nagkaroon ng malaking bitak na naging dahilan para mawalan ng balanse ito na agad nya namang sinuntok sa mukha.

"Where's the two bitch?!" galit na sigaw ni Admis na kakarating lamang at nakita ang nangyari.

"May nakatakas na bihag!" sigaw ng ilang tauhan.

"Tignan nyo ang buong lugar!"

Tumakbo si Luther patungo sa dalawang lalaki at mataas na tumalon habang nakataas ang mga palad. Itinapat nito ang mga kamay sa dalawa at lumabas ang kidlat mula dito.

Habang sa kabilang banda ng kastilo ay tumagos si Orpheus sa pader dahil sa malakas na tumama mula sa kanyang likod.

"Ah.. damn," mahinang halinghing nya at napahawak sa ulo ng maramdamang may umagos na likido mula dito.

"Fool. Sa akala nyo ba may ititira kami sa inyo? Isang kahibangan ang pagpunta dito na hindi nyo alam ang panganib na narito," bulong ng isang baritonong boses na naglalakad patungo kay Orpheus.

Matangkad, malaki ang katawan at may marka mula sa kaliwang bahagi ng kanyang mata na mukhang hindi na mamulat. May kalakihang suot na nagmumula sa balat ng itim na oso. May espadang nakalagay na nasa kanyang likod. At mayroong nakakatakot na enerhiya na nalalalaytay mula sa kanya.

"S-Sino ka?" takot na tanong ni Orpheus habang nakatitig sa lalaking may lobong mata.

Puno ng takot at gustong makaalis sa lugar na yun ngunit dahil sa panginginig ng kanyang tuhod at sakit ng kanyang katawan ay hindi sya makagalaw.

"Just call me Lycon," sagot ng nagpakilalang kakaibang lobo na nasa harapan nya.

Akmang bubunutin naman ni Lycon ang espada nya ng maramdamang may papalapit na enerhiya mula sa gawi nya. Iniilag nya ang ulo at tumama ang matalim na yelo mula sa pader.

Humarap sya sa gumawa nun at nakita ang isang lalaking may sugat sa gilid ng kilay. Si Draco.

"So your the son of Drake the king of this kingdom. Sayang naman at wala ka dito, hindi mo tuloy nakita kung paano sila namatay," nakangising saad ni Lycon.

Bumakas ang gulat sa mukha ni Draco dahil sa narinig.

"I-Ikaw.. ikaw ang pumatay sa kanila!" galit na wika ni Draco.

Umiling si Lycon at tipid na ngumiti. "I'm not. Sila Lazarus yun," parang bale walang saad nito.

"Bakit?!" hindi malaman ni Draco kung ano ang magiging reaksyon. Naguguluhan sya sa kung sino ang mga halimaw na nasa harapan nya.

"Why did you kill them?! Ano ba ang ginawa nila para patayin mo?!" galit na tanong nya.

Nagkaroon naman ng pagkakataong gamutin ni Orpheus ang sarili habang abala si Draco sa pagkausap kay Lycon.

Tumawa sya. "Matigas ulo ng magulang mo, simple lang naman ang hinihingi nila Lazarus pero hindi nila binigay. Kaya sila namatay at wala na ngayon,"

"H-Hindi.." naguluhan si Draco sa sinabi nito. "Hindi ko m-maintindihan.. A-Anong kailangan nyo? Bakit kailangang patayin nyo sila? Wala silang ginawa!"

"Yeah wala nga. Pero hindi ako nagdesisyon sa kamatayan nila. Tanging hiling lang naman ay ibigay sa amin ang libro ngunit hindi nila ginawa."

"Ano bang--"

"The book of everything."

Pagkasabi ni Lycon ay mabilis nyang binunot ang kanyang espada na nagpa ikot-ikot sa kanyang palad bago sinaksak ang lalaking nasa likod nya.

I Got Reincarnated As A God [SHADOW]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon