CHAPTER 26

133 6 0
                                    

THANA'S POV

WHERE? Where is she?

Habang nasa himpapawid ako ay bigla kong naalalang may kasama pala ako. Si Amber.

Pero hindi ko na mahagilap at hindi ko alam kung ano ng nangyari sa kanya. Nahuli ba sya?

Ipinahid ko ang luhang nasa pisngi ko bago huminga ng malalim at ipinagpatuloy ang paglipad. Hindi maaring hindi ako makatuloy sa pupuntahan ko dahil ako lang ang pag asa nila.

Pero saan ako hihingi ng tulong?

Mukhang sa kastilyo na kung saan makakatulong agad ang hari sa kaharian ng Xeus.

Biglang nakaramdam ako ng hilo at panginginig ng buong katawan ko. Hanggang ngayon ay narito parin ako sa Xeus kaya malamig parin ang klima.

Kahit man na may suot akong jacket ay hindi parin nito mapapanatiling mainit ang katawan ko.

At dahil nasa himpapawid ako ay doble ang nararamdaman kong lamig mula sa itaas.Minabuti kong maghanap ng lugar na malalapagan na malayo na sa kastilyo. Mahirap na baka makita ako ng mga nakaaligid na halimaw.

Mula sa itaas ay napansin ko ang hindi kalayuang gubat na kitang kita ang nagtataasang puno. Wala na akong sinayang pang oras at nagmadali sa lugar na yun.

Nawala na sa isip ko ang mga kaibigan ko ng makaapak ako sa malambot na galing sa nyebe. Nanghihina at nilalamig na pumasok ako sa loob ng kakahuyan habang yakap ang sariling katawan.

Minabuti kong lakasan ang loob ko para makaalis agad sa lugar na ito.

"Amber.. nasan kana ba?.."mahinang usal ko sa hangin na nagbabakasakaling marinig ang tinig ko na alam kong imposible.

Unti-unting nanlalabo ang mga mata ko at ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko dahil sa lamig.

Mula sa kalayuan ay may napansin akong anino na naglalakad. Hindi ako sigurado kung kalaban ba ito. Wala naman na akong lakas para makatakas dahil sa nararamdaman kong panghihina.

Bumagsak ako sa malamig na nyebe habang bumibigat naman ang paghinga gayun din ang mga talukap ng mga mata ko.

Ilang sandali ay tuluyan akong nakatulog na narinig ko pa ang isang tinig na nagsalita.

***

THIRD PERSON'S POV

KATAHIMIKAN ang namayani sa buong paligid habang magkatitigan parin si Aelous at Melkor.

Hindi man nagsasalita ay mababasa ang pagkasabik ni Melkor kay Aelous.

Wala namang emosyong nakatingin si Aelous dito. Gusto nya agad na matapos ang nangyayari pero dahil nagising din si Melkor na katulad nya ay mukhang mahihirapan sya sa kanyang plano.

At kahit man malayo ay naririnig nila ang sigawan ng mga tao sa ibaba. Pero wala dun ang mga atensyon nila kundi sa kaharap.

"Hindi ko inaasahan ito.." wika ni Melkor na nakangisi.

"Inaasahan ko na to," walang ganang tugon ni Aelous at tumalikod na tumingin sa dalawang malaking buwan.

Tumawa si Melkor. "Walang pinagbago, sa dami ng taong nakalipas ay hindi ko na mabilang nung huli tayong nagkaharap."

Hindi sumagot si Aelous sa pagkat patuloy parin ang pagtitig nya sa buwan.

"Naku naman," naiiling na wika ni Melkor. "Hanggang ngayon ay hindi mo parin sya nakakalimutan, tama ba?"

Hindi muling sumagot si Aelous. Ang nasa isip nya ay ang pagka gustong wakasin ang buhay ng nasa likod nyang patuloy paring nagsasalita.

"Bakit hindi mo na lang gamitin ang rason na yan para sakupin ang mundong ito? Samahan mo ako ganun na napeperpekto na ang cabydaris na pagmamay ari ni Celestine. Mapapadali ang pagsakop at pagsira sa mundong ito dahil tayong tatlo ang magkakasama."

"Celestine?" saad ni Aelous na lumingon mula sa balikat nya para makita si Melkor.

"Hindi mo nabalitaan?"

"Tanga sinong magbabalita,"

"Ahh nakalimutan ko," tugon nito na naglakad patungo sa kanya at tumabi dito.

"Simula nung naramdaman nya ang enerhiya nyan," turo nya sa katawan ni Aelous na ang pagtukoy ay kay Seina. "Nabuhayan sya at nalaman ko na lang na gusto nyang sakupin ang mundo. Hindi ko alam kung ano ang totoong rason nya habang ang kapatid naman nyang si Sloane ay hinahanap hanggang ngayon si Oreno."

Lihim na napangisi si Aelous.

"Kahit ilang dekada ang paghahanap nya sa demonyong yun ay hindi nya mahahanap," mahinang usal ni Aelous na rinig ni Melkor.

"At bakit? May alam ka ba kung nasaan yun?"

"Hindi ko masasabi sa ngayon dahil alam kong may kailangan ka din sa kanya."

"Pero alam mo bang mula ngayon ay magigising na ang mga halimaw na nagtatago sa mundong ito?"

Napatigil si Aelous sa narinig.

"Talagang sineseryoso ni Celestine na sakupin ang mundo. Uunahin nyang patayin ang mga namumuhay bago tuluyang wakasin ang mundong ito," tumawa sya. "Parang nung una lang hindi ba? Ninais mo ding sakupin at wakasin ang mundo pero dahil sa kanya nagbago ang isip mo."

"Dahil napamahal kana sa taong yun,"

Nagdilim ng tuluyan ang mukha ni Aelous at tumalikod dito paalis.

"Teka saan ka pupunta? Madyado kang natamaan, bakit? Hanggang ngayon din ba sinisisi mo ang sarili mo sa pagkawala ng babaeng yun? Sinabi ko na kase sayong magtulungan tayo dahil mabububay ni Celestine ang mortal na yun--"

Napatigil sa pagsasalita si Melkor ng maramdaman nyang dumiin ang likod nya sa pader. Malaking bitak ang nagkaroon dun dahil sa pagdiin ni Aelous sa kanya.

"Anong sinabi mo?"

"T-Teka.. papatayin mo na ba ako? Sandali lang naman hintayin mong kasama ako sa pagsakop ng mundo bago mo ako pata--"

"Ano. Ang. Sinabi. Mo?" madiing muling tanong nya.

"Alin ba dun?"

"Ang tungkol sa buhay,"

"May alam si Celestine na buhayin ang patay. Nagawa nya na yun kay Lycon, Admis, Lazarus at sa iba pang mga may kakaibang abilidad na namuhay. Mga bounty hunter, heneral at mga sundalong dati ng namatay,"

Binitawan ni Aelous si Melkor mula sa leeg.

"Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?"

Mabilis na tumango si Melkor.
"Oo nasa kamay nya ang book of life at ang alam ko hinahanap pa nya ang ibang libro."

Hindi umimik si Aelous at walang salitang naglakad palabas. Hindi nya mapagkakailang gusto nya yun. Kahit ayaw nyang makisama kay Celestine para sa kanya gagawin nya ang lahat para muli silang magkasama.

Buo na ang desisyon nyang makipag sanib pwersa kay Celestine.

Luna..

to be continued...

I Got Reincarnated As A God [SHADOW]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon