CHAPTER 13

319 17 0
                                    

CHAPTER 13

ILANG LINGGO ang nakalipas magmula ng dumating ang prinsipe at prinsesa na galing sa ibang mundo. Ilang linggo na din ang nakalipas ng matapos ang dwelo ng first year at second year na hindi naman sinabi ng headmaster sa mga studyante na para lamang yun sa pagpili ng grupo.

Hindi akalain ni Seina na pupunta sya sa isang mission na B-class. Ang sabi ni Amber ay mahirap daw yun pero mas mahirap naman ang A-class. Kaya buti na lang at B lamang ang napasukan nya kung hindi ay mahihirapan sya kung ganun.

At mas lalong hindi sya makapaniwala dahil ang kagrupo nya ay sila Javier, Shane, Knox at Corey. Diba?

Nagtataka ang iba kung para saan ang grupong yun. Kaya ipinaliwanag ni headmaster Waynard sa kanila kung bakit sila pumili ng studyante at grinupo ito sa lima o anim..

***

Nalaman ng mga nakakataas ang naglalabasang halimaw sa iba't ibang panig ng Einda. Hindi lang ito basta halimaw ng kagaya nang simpleng napapatay nila. Kagaya sa libro ng CASA ay ang mga halimaw na ito ay matagal ng kinulong ng Diyos matagal na taon ng nakakaraan.

Ang mga halimaw na ito ay malalaki kung baga ay higante. Nakakulong ang mga ito sa iba't ibang lugar sa Einda..

Katulad na lamang sa Aquasus mula sa pinakailalim na karagatan ay natutulog ang higanteng octupos. Malayo ito sa palasyo ng mga sirena ngunit hindi dahil dun ay ligtas na sila. Sa simulang magising ito ay tapos silang lahat dahil ang octopus na ito ay kayang makontrol ang tubig.

Ang Labytinth naman ay nakatago ang malaking ibon na nagbabaga ang mga balahibo nito. Nasa bukana ito ng bulkan na malayo sa palasyo. Ngunit ang apat nitong mata ay matalas na kahit ilang kilometro pa ang layo ay makikita nya na kahit man magtago ay walang takas.

Meron din sa Tatizes at Xeus ngunit hindi naman alam kung saan ang mga ito nakatago. Na tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam kung saan nila ito kinulong.

Pero hindi madali ang pagpatay dito kahit man na nakatulog o gising. Dahil nakapalibot ang iba't ibang mga klaseng halimaw sa apat na higanteng ito. Kaya kailangan ni Alaric ng malalakas na kapangyarihan para mapuksa ang mga ito. Habang tulog man o akma palang na aatake.

***

[A week ago during the duel on University]

TANGING ILAW ng buwan lamang ang liwanag sa dilim ng kagubatan na kung saan tinatahak ni Neve ang daan patungo sa kanyang pupuntahan. May kalayuan ang capital mula sa Epon na kanyang kinalakihan.

Kailangan nyang maglakbay patungo sa capital upang ipahayag ang problema ng bayan patungkol sa halimaw na bigla-bigla na lang na lumalabas.  Marami nang napaslang dahil sa mga ito kaya kinakailangan nyang sabihin sa nakakataas ang problema ng bayan.

Binabalak nyang magtungo sa palasyo para iparating ito dahil alam nyang ang mga Palm (soldier) ng Labytinth ay mahuhusay mula sa pakikipaglaban. Ang mga Palm ay nag aral mula sa Unibersidad na pinagawa ng dating hari ng Labytinth. Para magkaroon ng kaalaman ang mga hindi marunong sa paglabas ng kanilang kapangyarihan o ang pagkontrol dito.

Pinapalakas ang mga studyante upang maging sunod na Palm. At upang mapaghandaan ang mga paparating na sakuna katulad ng kanilang kinahaharap.

*Raaaaarrr*

Inalis ni Neve ang kanyang talukbong sa ulo nito at napatingin sa kanyang kaliwa ng makarinig nang kakaibang tunog. Na mukhang isa itong halimaw na patungo sa direksyon nya.

I Got Reincarnated As A God [SHADOW]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon