CHAPTER 28

150 7 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

MADILIM at nanlalabo ang mga mata ni Lincoln sa pagkamulat ng mga mata nya.

Unti-unting luminaw ito at ng maalala ang kasama ay iginala nya ang mga mata. Magkakapareho silang nakagapos sa pader. Paa at braso.

Napansin nyang kulang sila ng isa kaya muli nyang tinignan ang mga kasama na nagbabakasaling may nakalagitnaan sya. Pero wala.

Sumagi sa ala-ala nya ang tungkol kay Orpheus. Tama si Orpheus ang nawawala pero hindi nya matanggi sa kalooban nya na nawalan na sya ng isang kaibigan.

"Wake up," mahinang usal nya sa apat.

Hindi umimik ang mga ito kaya mas lalong dumagdag ang galit nya sa Celestine at mga kasama nyang sila Admis.

Napa igik sya ng maramdaman ang sakit sa buong katawan.

Gusto nyang makawala sa gapos ngunit nawalan na sya ng lakas. Nagtatakang tinignan nya ang buong katawan nya.

Nagtatanong sa sarili kung bakit nanghihina sya gayung sugat at pasa lang naman ang nasa katawan nya. Kaya bakit hinang hina at nawalan sya ng lakas.

Yan ang mga katanungang hindi nya alam kung saan kukuha ng sagot.

Naalala nyang pinabugbog lang naman sila ni Celestine sa kanyang mga tauhan at kinulong sa dungeon ng palasyo. Walang syang maalalang dahilan kung bakit ganito sya kahina.

Ilang sandali ay narinig nya ang ilang mga yapak na patungo sa gawi nila. Hindi nya masilayan ang mga mukha nung una ngunit dahil sa tulong ng liwanag na nanggagalung sa buwan ay napag alaman nyang sila Celestine kasama si Admis at Lycon.

"Oh well, the prince has woken up," saad ni Celestine ng tumigil sa harapan nya.

"You.." nanghihinang usal nya.

"Hmm.. my sister said was true,"

Narinig ni Lincoln ang mahinang ungol ni Kieran at ng tignan ay kasalukuyang hawak ni Admis ito sa panga.

"Queen, why are they so weak and we only did a little torture?" tanong nya na pinagmamasdan ang iba pa.

"It because of Thierry, she's the one who did that,"

"Did what? Ang ganto pero paano?" tano naman ni Lycon.

Sumulyap si Celestine sa bintana na kung saan kitang kita ang dalawang malaking buwan.

"Tanging mga mortal lamang ang nakakaranas yan ngayon dahil sa dalawang buwan na ngayon ay nasasaksihan dito sa mundo ng Einda." paliwanag nya. "In other words, mortals are now weak due to the punishment caused by the moon,"

Nangunot ang noo ni Admis sa narinig. "Punishment?"

Ngumisi sya at tumingin kay Lincoln na hinang hina. "Because of love,"

Hindi mapigilan ni Lincoln ang mapadaing dahil sa kakaibang nadarama sa katawan. Wala na syang pake sa kaharap nya basta ang nasa isip ay ang makaalis sa lugar na ito. Pero hindi nya alam kung paano.

"How about you prince, who is your beloved princess in your life?" tanong ni Celestine sa kanya.

"Who cares?"

Tumawa ito sa tugon ng binata. "Hmm, let me see.." anya at naglakad palapit sa kinaroroonan nya. "What is your biggest fear?"

Tumitig si Celestine sa mga mata ni Lincoln habang sya ay tila nahihipnotismo sa mga titig ng babae sa harapan nya. Napatitig ng kusa at nawalan sa kaisipan.

"Seina.."

Lumayo si Celestine at hindi makapaniwalang napatitig sa nanghihinang prinsipe.

"The prince of Labytinth and his biggest fear of losing a woman! That's it!" humalakhak si Celestine at humarap sa dalawang kasama nya. "That girl is what we need. She is the one we need to kill so that there is no obstacle in our plan!"

"W-What.. a-re you going to d-do.. with her?" nanghihinang tanong ni Lincoln.

Hindi nya sinagot ang binata ngunit dahil sa narinig nya ay may namuong plano muli sa kanyang isipan.

"Kill that man," turo ni Celestine sa lalaking nakagapos na nasa gilid.

Kahit man na nanghihina ay pinilit ni Lincoln na tignan ang tinuro ni Celestine. Nakita nyang lumapit si Admis sa isang kasamahan nya habang inilalabas ang maliit na punyal sa tagirilan.

"D-Dont.."

Walang pagdadalawang isip na isinaksak ni Admis ang patalim sa mismong puso nito na dahilan ng agad na pagkamatay.

"Y-You bastard!" nanghihinang naiusal nya ng ngayon lang rumehistro ang nangyari at makita ang pagsirik ng sariwang dugo mula sa pagkahugot nito sa patalim.

"Two down.." nangingiting saad ni Celestine. "Hayst this damn world. Gumagawa ng mga sariling hari at reyna para sambahin pero kaming mga Diyos ay hindi nagawang pagtuunan ng pansin. Laging ang mga mahihinang nilalang na naghariharian ang sinasamba sa mundong ito,"

Hindi nya magawang pagtuunan ng pansin ang mga sinabi ni Celestine dahil nasa kaibigan parin ang atensyon nya.

Muli ay wala na naman syang nagawa. Nanghihina at walang kwenta. Hindi dapat maging isang hari ang katulad nya.

"Kunin nyo ang natitirang bihag, pupunta tayo sa Unibersidad na yan." wika ni Celestine at tumingin kay Lincoln."Para magkita kayo ng love of your life at pag nandun nga tsaka ko naman sya papatayin,"

Galit ang namumuo sa kalooban nya habang nakatingin sa nakangising babae. Gusto nya silang patayin pero hindi nya alam kung anong gagawin sa sitwasyon ngayong wala syang kakwenta-kwenta.

Tinignan nya ang kaibigan na alam nyang wala ng buhay. Dalawa na ang nakuha sa kanya hindi nya hahayaang mapatay muli ang natitirang kaibigan.

I will avenge you Orpheus and Luther..

to be continued...

I Got Reincarnated As A God [SHADOW]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon