CHAPTER TWENTY-FOUR

7 0 0
                                    

Umiiyak si Brayne habang nasa sasakyan ni Johann. Kanina ng sunduin siya nito ay hindi niya na ito hinintay na pagbuksan siya ng pinto katulad ng dating ginagawa nito. Siya na mismo ang kusang pumasok dito at inutusan itong paandarin kaagad ang kotse.

"Bakit ba kasi siya naaksidente? Ang tanga naman ng lalaking iyon." aniya. Patuloy na lumuluha ang mga mata niya dahil sa sobrang pag aalala.

"Calm down Azi. Magiging maayos din ang lagay ni Lucas. Stop crying babe." anito ng hindi siya nililingon dahil nasa kalsada ang buong atensyon.

"Paano ako kakalma? E yung kuya ko nasa ospital tapos nagmamatigas pa." aniya dito.

"Hindi pa naman mamamatay si Lucas. Masamang damo yun kaya hindi madaling mamatay." anito upang pagaanin ang loob niya.

Pero mas lalo lang siyang nag alala para sa kapatid. She swear to God kapag naging maayos ang kuya niya ibaba niya ang pride niya. The hell with her hatred towards him. Ang importante sa ngayon maging mabuti ang kuya niya. Magagalit na lang siya ulit dito kapag magaling na ito.

"Hindi ka nakakatulong." asik niya kay Johann na ikinatawa lang ng huli.

"Saka bakit ba mukhang relax na relax ka? E kanina lang halos paharurutin mo tong sasakyan mo?" tanong niya rito habang pinupunas ang luha niya.

"Natutuwa lang ako sayo." anito.

"Bakit? Nakakatuwa ba akong makitang ganito?"inis na tanong niya kay Johann.

Kanina niya pa kasi napapansin sobrang kalmado ito at paminsan minsan ay ngumingiti kapag tinatawag niya ng kung ano ano si Lucas.

"Yes." mabilis na sagot nito.

"Anong yes? Gusto mo na nakikita akong umiiyak?" aniya na may pagtatampo sa boses.

"Of course not. Mamatay na lang si Lucas huwag ka lang umiyak ng umiyak." anito.

Mabilis niyang tinampal ang bisig nito na inihalakhak lang ni Johann. Ano bang meron sa lalaking ito ngayon araw? Bakit nang aasar ng nang aasar to?

"Bwesit ka. Huwag mo akong kausapin ah. Tsaka bilisan mo nga baka kung ano ng mangyari sa sadboi na yun kapag nalate tayo e."

Tumatawang sinunod naman siya ni Johann. Pero ang loko loko hindi siya tinigilan sa pang aasar hanggang sa makarating sila sa ospital.

Nang makita ang entrance ng ospital ay sumikdo ang kaba sa dindib niya. Kamusta na kaya si Lucas? Yun ang tanong niya sa sarili. Paano kung mas lalo itong lumala gayung mabagal ang usad nila kanina ni Johann.

Anong gagawin niya kung sakaling may masamang mangyari sa kapatid? Siguro naman hindi nito deserve ito kahit na nasaktan siya nito.

Alam niyang isa ito sa dahilan kung bakit nasira ang buhay niya pero kahit paano ay hindi matatanggal ang pag aalala niya para rito.

Ano ba naman kasi ang nagyari? Kung kailan nagpaplano na siyang kausapin ito saka naman ito naaksidente.

Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan gusto na niyang marinig ang rasong sinasabi nito?

"Azi, let's go." napukaw ang pag iisip niya dahil sa pagsasalita ni Johann sa tabi niya.

"Ano kayang kalagayan ngayon ni kuya? Paano kung mas lumala yung injury niya? Paano kung masyado na siyang nahihirapan? Ano ng gagawin ko? Kasalanan ko kasi to e. Bakit kasi ang arte arte ko? Johann pa si kuya." Brayne is trembling as she speak. Hindi niya magawang lumabas ng sasakyan dahil natatakot siya sa dadatnan niya.

Kung kanina ay gustong gusto niya ng makita si Lucas ngayon parang umurong ang bituka niya sa isip8ng nasa masamang kalagayan ang kapatid.

Nanginginig ang mga kamay niya havang nagsasalita. She keep talking about Lucas' condition. She cant stop worrying. Napapaiyak nanaman siya ulit dahil dito.

Hello, Mr. Caller [COMPLETED]Where stories live. Discover now