CHAPTER EIGHTEEN

6 1 0
                                    

Ilang linggo na simula ng magconfess at manilgaw sa kaniya si Johann. Gusto ni Brayne na sagutin na ito pero mas pinili niyang magpakipot muna. Hindi pa rin niya nasasabi dito ang nararamdaman niya. Hinayaan niya lang si Johann na maging clueless tungkol sa feelings niya para rito.

Nang sandaling tanungin siya nito kung pwede siyang ligawan ay gusto niyang tumili pero pinigilan niya. Hindi ito ang unang beses na may nanligaw sa kaniya pero parang ito ang una.

Unlike her previous suitors si Johann lang ang may malakas na epekto sa kaniya. Before kapag may umamin at nagpaalam sa kaniya na maliligaw she turn them down. Pero ngayon isang tanong lang ni Johann at wala n siyang nagawa kundi tumango dito.

Naalala niya pa kung paano siya kiligin at namula noong araw na iyon. Kaya naman itinago niya ang mukha niya sa mga dibdib nito.

Hindi katulad ng ibang nanligaw sa kaniya ang paraan ni Johann ng panliligaw. Hindi niya alam kung ito pa ang unang beses na nanligaw ito dahil mukhang walang kaideideya ang binata sa ginagawa. But she didnt care as long as it is Johann.

Isa rin sa dahilan kung bakit hindi niya pa ito sinasagot ay dahil sa estado ng buhay niya. Kahit ilang ulit na iparamdam ni Johann na walang malaking agwat sa estado nila sa buhay ay hindi niya pa rin mapigilan ang sarili na makaramdam ng panliliit.

Natatakot siya sa iisipin ng iba kapag naging sila ni Johann. Natatakot siyang husgahan ng mga tao. Lalo na at mayaman ang binatang nagugustuhan niya.

Hindi siya ready na maging topic ng sambayanan. At lalong ayaw niyang mapag usapan ng iba dahil lang sa estado ng buhay niya.

Hindi siya mayaman at lalong wala siyang sarilibg kompanya kagaya ni Johann. Kaya naman hindi niya mapigilan ang sarili na mangamba. Paano kung hindi siya matanggap ng mga taong nakapaligid kay Johann? Ano ang gagawin niya?

Kung hindi lang sana nagkaganoon ang ina niya ay malamang maganda ang buhay niya ngayon.

Maayos ang pmunuhay nila noon e. Nung hindi pa naghihiwalay ang mga magulang niya. Masagana silang namumuhay noon. May sarilibg bahay, sunod sa luho at kahit kailan hindi niya pinroblema ang pera noon. Pero nawala lahat iyon ng maghiwalay ang mga magulang niya. Nang iwan siya ng kuya niya. At nang umalis ito ng hindi niya man lang nalaman.

Nang dahil sa kanila napariwara ang nanay niya. Natuto itpng uminom at sumugal. Nang dahil sa kanila nawala ang lahat sa kanila. Nang dahil sa kuya at tatay niya nasira ang lahat. Naranasan niyang maghirap at naranasan niyang kung paano mawalan ng nanay kahit naandiyan pa naman.

Sa kaniya ibinuhos ng nanay niya lahat ng hinanakit nito. Siya ang nakaranas ng lahat ng paghihirap. Siya ang sinisisi ng nanay niya sa lahat. Kaya naman ng makapagtapos ng high school ay nagpasya siyang lumayo dito.

Pero mukhang ang ginawa niyang paglayo ay mas lalong nagpatindi ng galit sa kaniya ng nanay niya.

Akala niya kapag umalis siya sasaya ito. Akala niya kapag umalis siya kahit konti mararanasan niyang magkaroon  ulit ng ina. Akala niya hahanapin siya nito. Akala niya mag aalala ito. Pero hindi. Hindi siya hinanap at lalong hindi ito nagalala sa kaniya. Siya pa mismo ulit ang gumawa ng paraan para makausap ito. Ngunit kapag nagkakaroon ng pagkakataon ay humihingi lang  ito ng pera sa kaniya. At wala siyang magawa kundi ang magbigay.

Pakiramdam niya magiging masaya ito kapag ibinigay niya ang gusto. Kaya lahat ng hingin ay ibinibigay niya rito.

Pero hindi niya pa rin maramdaman na may ina siya. At nangyari ang lahat ng ito dahil sa kuya at tatay niya.

At kahit lumuhod pa ang mga ito sa harap niya hinding hindi niya ito mapapatawad.

Alam niyang tama ang ideya ni Johann na kausapin ito pero hindi niya kaya at ayaw niyang kayanin.

Hello, Mr. Caller [COMPLETED]Where stories live. Discover now